Saturday, August 13, 2011

I'm happy when I am with you...

Ang saya ng gabi ko... Kahit inabot na ako ng 12:30 ng umaga bago ako nakauwi, wala lang sa akin... Ikaw kasi nakasama ko eh... 


August 11, 2011.

Status ko sa FB:


Biglaan lang ba. I just texted you na susunduin uli kita sa work mo. Ang usapan kasi natin sa next week pa tayo magkikita dba?... Wala kasi akong pera kaya next week pa tayo nakaschedule na lumabas together... Pero alam mo naman ako, pag may namimiss akong isang tao, gagawa at gagawa ako ng paraan para di ko sya mamiss.. Eh kaso ikaw ung taong yun.. ayokong namimiss kita... I feel like crazy sa tuwing iniisip ko kung ok ka lang ba... Gusto kong makita ka.. Gusto kong mahawakan kamay moh... Gusto kong ikaw lang nasa tabi ko.... Selfish na ako... hehe.. Selfish ako in a way na ikaw lang ang gusto kong makasama at wala ng iba... 


Dahil 4 days akong nakabakasyon from work, (alam mo na din ang dahilan nun), so ibig sabihin, 4 days akong tutunganga sa bahay. Bored na bored ako. Feeling ko napakabagal ng oras. Feeling ko ang tagal ng 2 weeks para makita uli kita. Last August 3 lang ang huli nating pagkikita. That was the first time na sinundo kita sa work mo. 


At dahil obvious naman na super miss na kita sa status ko sa fb, yun na din ang moment na tinext kita and I've informed you na lalabas tayo bago matapos ang week na ito. Wala akong pera, pero it's not a reason for me para di ito matuloy. Ako na bahala dun... Wag mo ng intindihin yun...


Bago pa nga yan, may usapan pa pala tayo na kung hindi ka male-late sa pasok mo sa work, bibigyan kita ng reward. Aba, sineryoso mo naman, mukha kang reward?! ahaha... ako naman itong napasubo na naman sa gulong naisip ko. Infairness, 3 days ka din atang hindi na late. hehe.. For me, achievement mo na yun. Kahit wala nga ako sa tabi mo, minimiskol kita ng maaga at nagtetext ako sayo ng maaga para magising ka at para lang hindi ka ma-late. So sinunod mo naman ako, kaya sige na... may reward ka na! ikaw na! ahahaha


August 12, 2011.

Pumayag ka na magkita uli tayo. Ako na ang taya. 



Ang landi noh?.. ahaha... Nabasa mo pa nga ung mga comnents ng mga ungas kong friends dun. Pero wala lang care.. The show must go on. hehe. This is the second time na sinundo uli kita sa work mo. As usual, traffic na naman ang byahe natin sa bus. Movie date uli tayo. It was part of your reward... Sa Gateway Mall sa Cubao tayo nanood para malapit ka na uli sa uuwian mo. Last full show... Ok lang naman abutin tayo ng gabi kasi weekends naman at wala pa din naman akong pasok. Anong movie?.. ANG BABAE SA SEPTIC TANK. ahahaha...




Yan ang akala mong reward mo. Sabi ko lang kasi ako na ang taya. Tapos, bigla mong naitanong kung bakit malaki ang bag ko?... Normal lang naman sakin  na magdala ng bag. Sira kasi ung small bag ko kaya no choice, un ang ginamit ko. Pero bakit ba?... ahaha... Naiisip mo bang may ibibigay pa ako sayo?... Aba, ang swerte mo naman, dalawa ang reward mo?! hehe... Pero tama ka... di na ako nakatiis at inilabas ko na ung 2nd gift ko sayo. Habang nasa sinehan tayo, binigay ko na sayo ung stuffed toy na angry birds. Binili ko yan bago ako sumundo sayo. Dalawa binili ko, para tig-isa tayo. Sakin nga lang ung Red, sayo ung Blue. Pinapili naman kita, pero pinili mo pa din ung blue... 



It was a very memorable moment to hear those sweet words from you. I hope you've appreciated my little surprise for you... Obvious kayang napapangiti ka sa kilig! wahahaha . ^____^. I did see you smile. I did see you!!!

Goodnight... ^^,






9 comments:

Bino said...

amf ka! kinilig ako sa post mo. wahahahhaa. lumalablayp na ba ito? hehehe

Kristeta ♥ (kalokang Pinay) said...

Super in luv naman! =)
at ang cute ng pressie, sweet!

~ JaY RuLEZ ~ said...

at dahil inlab ka talaga.totohanin mo pangakoo mong manlilibre ka...tnt

Leonrap said...

naiihi ka lang siguro bino... ahaha... OO lablife na to!!! ahahaha


kalokang pinay - Salamat... syempre cute ung gift ko.. sakin galing eh.. ahaha..



jay - at ang kapal nmn ng mukha mo noh?.. ahaha.. dba sabi ko sayo SEPTEMBER 31!!!! maghintay ka ng SEPTEMBER 31!!!

empi said...

ikaw na ang may lovelife. ikaw na may ka-date. ikaw na ang may kasama manood ng sine. ikaw na ang may sinusundo. ikaw na, ikaw na. hehe

Diamond R said...

wohhhh Pinagpala ka sa lahat.luma lablayp.happy for you.pakilala mo naman kami.

mommy-razz said...

waahhh ang sweet naman, i love stuffed toys.. pahinge..#lol

Arvin U. de la Peña said...

manlibre ka na..huwag mo ng hintayin september 31..hehe..

KikomaxXx said...

ganito naba talaga pag may life.. hehehhee

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...