Thursday, August 25, 2011

Memories at EK

Pagbalik tanaw... ang sarap kasi balikan ang magagandang moments eh. Kapag may problema ako, ito lang ang iniisip ko at nawawala ang lungkot ko kahit panandalian lang. Mag-iisang linggo na pala ang nakalipas, pero fresh na fresh pa din sa akin ang nangyari nung araw na yun. Ewan ko kung OA lang ako ah, pero ganito talaga ako eh... hehe.. 




August 20, 2011


We've celebrated our monthsary together at Enchanted Kingdom. May work kasi tayong pareho nung August 17, which is our monthsary date talaga, kaya we've decided na gawing weekends na lang...

Wala akong maisip na something special para sa monthsary natin, aside dun sa previous entry ko sa blog. Kaya I texted you kung ok lang ba sayo na mag-EK tayo, pumayag ka naman. I-surprise sana kita, pero dahil tinext na kita, malamang di na surprise yun. hehe.. Ang sabi mo nga excited ka pa. Ako din excited kasi makakasama uli kita... ^^


10am ang usapan para sunduin kita sa Cubao. Pero bago ako dumerecho sa Cubao, sa office muna ako tumuloy para iwan ang ibang gamit ko sa locker. Masyadong mabigat ang bag ko eh... After ko dun, nagpunta na ako sa Cubao. As usual late ka na naman. Nakarating na ako sa meeting place natin pero ikaw paalis pa lang ng bahay. No choice ako kundi tumambay sa Mcdo at umorder kahit walang balak umorder. Wifi naman ang Mcdo (buti na lang), so ok lang naman maghintay. Pero nabagot ako... Mejo napansin mo siguro na galit ako or something, walang kibo, at tahimik pero hindi po ako galit... nabored lang ako.. hehe... pero di ako galit. ^^


Ikaw na itong late, ikaw pa din itong di nag-breakfast bago ka umalis. Kung makalamon ka ng cheeseburger habang nasa bus, nakakatawa ka! ahahah... lamon kung lamon ito.. parang gutom na gutom. natatawa lang ako sa sarili ko dahil baka maasar ka pa. Pero ang cute moh.. ahaha... Un na lang pambawi ko sayo.


Nung nasa byahe na tayo papuntang EK, di ako masyado excited kasi nakakaramdam ako ng antok. Ikaw din naman ata, kaya nag-soundtrip ka na lang, pero nakikita din kitang nakapikit minsan. Ineffort ko pa sa website ng EK kung paano ang way kung magcocomute lang. Ang unang punta ko pa lang kasi dun ay nung 2nd yr highschool pa ako at field trip yun. Eto ang 2nd time ko sa EK at kasama ko ang mahal ko. Ang sipag ko noh.. Ganun kasi kapag techy, lahat sinesearch muna sa internet.. hehe..


Picture galore tayo sa EK. Pinagdadala kita ng camera, wala kang dala at ako na ang nagdala. Ang sabi ko magdala ka din ng extra shirt dahil we'll gonna get wet sa ibang rides, pero wala kang dala... and dala mo lng ung maliit mong pouch bag, samantalang ako, ang laki na naman ng bag ko. ahaha... naka-slippers ka pa nga eh, mayabang, havaianas!! (tama ba spelling ko? sorry, banana peel lang kasi brand ko eh. lol) Iniwan ko sa locker ng EK ang bag ko dahil istorbo din kasi syang dalin eh. Sa website ko din nadiscover na may locker pala sa EK, ang galing galing ko talaga magresearch! lol





Flying fiesta ang una nating pinatulan sakyan. Un kasi ang nasa bungad eh. Nakakahiya naman kung magka-carousel tayo dba? Puro bata andun at mga parents nila. Aliw na aliw ka pa sa flying fiesta. Pero nung bandang gitna na, nakakasawa na kasi puro ganon na lang ang nangyayari.. ahah.. boring din pala.


Rio grande ang sumunod. Nasa bandang unahan tayo ng pila kaya mabilis tayong nakasakay. Nakakatawa, ang kasama natin sa boat ay mga bata (uli), may field trip ata sila. Magkahiwalay pa tayo ng upuan kasi nakipag-unahan ung mga bata. haaayy.. Ako na ang unang nabasa! basang basa pants ko at knowing na derecho ako work after natin gumala. Pero exciting. Nakakainis lang kasi HINDI KA GAANO NABASA!!! hmpf!


Ano ba sunod sa rio grande?.. Rialto? oo dun ata ang sunod natin. wala lang naman yun, umupo lang tayo. walang kwenta. hehe.. Next was ung roller skater. Aliw din sya kahit mejo pambata. Hindi ko alam kung tawa ba ung ginagawa mo or kung sigaw eh, basta malakas. Sumunod ang malaking ferris wheel (wheel of fate, pero lagi kong naiisip ay "wheel of fortune". game show?) Mas matagal pa ung hinintay natin bago nakasakay compared sa pag-ikot. Inikot mo pa ng inikot ung upuan kabwiset ka!! hilong hilo ako. Pero infairness ang ganda ng view sa taas. picture galore na naman sa taas.




Eto na ang pinaka HINDING HINDI KO MAKAKALIMUTAN - ang hinayupak na space shuttle! bwahahahaha.. *devil laugh*. Ang haba ng pila. Nakakaexcite. Pero sa pila, parang gusto ko ng mag-backout. Pero tinuloy pa din natin. Hindi mo kasi maeenjoy ang pagpunta mo sa EK kung hindi ka makakasakay sa Space Shuttle. Eto na nga,  nung sumakay na tayo, naka-video mode ang camera ko para may remembrance at proof akong sumakay ako dun. Shet! ang taas ng bwelo. tapos biglang "putannnggggnnnaaaaaaaaaa!!!!" "may gad!!" (tagalog ng "my god" ahaha) "aaaaahhhhhhhhhhhhhh" na lang ang isinigaw ko. ahaha... halos lahat ng tao sigaw kung sigaw. Muntik na nga mahulog ung camera ko, kaya sa pagkakahigpit ng hawak ko sa cam, nahawakan ko ng mabuti at napindot ko pala ang power button - ayun namatay! naputol ang video.. haaayyy.... kaw kasi eh! hehe joke.





Pero nung moment na pabalik na ung andar ng space shuttle, niready ko na uli ang camera ko habang nakahinto at nakahiga ang posisyon sa taas. And then, out of a sudden, " ayoko naa!!!.... putannnggggiiinnnaaaaaaaaa!!!" Ay ang lintik, mas nakakatakot ang patalikod na andar! Lalo na dun sa loop, napapapikit na ako, at ayokong idilat ng mulat ang mata ko.. feeling ko malalaglag talaga ako... hinayaan ko na lang makuhanan ng video... At sa wakas, may narecord ako!!! ahahahaha.... mas maganda ung paharap ung andar, todo dilat ako nun (todo sigaw din) pero nung patalikod na, shet talaga!!! pero after, ang sarap pala. natatawa lang ako sa mga pinaggagagawa ko at sa nangyari. ahaha. yehey!! we've made it!!! (pero nanginginig panga ko paglabas natin.. lol)



Sumunod ang jungle log jam. Natuyo na ako nung after sa rio grande, pero after natin dito, lintik yan... ako na naman ang basang basa. Ano bang meron sakin kaya ako ang favorite ng tubig??.. Mas grabe ang pagkabasa ko compared sayo.. ang daya mo talaga!!! nakakalula na naman ung moment na pag-slide. sarap tumalon!



Huling sinakyan natin ay ung kinaaayawan kong anchor's away. ayoko talaga dun. Ikaw na itong umupo sa 3rd row mula sa dulo. nanginginig na ako nun kahit todo mura na ako sa kakasigaw pero kaw parang wala ka lang care sakin! ahaha.. pinapataas mo pa kamay ko para masaya, eh kung ihulog kaya kita?!! ahaha.. todo kapit na nga lang ako at todo mura pa din sa kasisigaw... I HATE THAT FEELING!!! nakaka... arrrggh!! basta! ahahaha. tapos sasabihin mo wala pang thrill yung pwesto natin, eh tae ka, kung makasigaw ka din eh noh, para kang baliw! *devil laugh*






May isa tayong hindi sinubukan kasi wala ng gaanong tao at ayaw mong maging center of attraction. Yun ang ung EKstream. Shet yun, buti na lang di natin sinubukan.. ahah.. next time na lang uli...

Ang hahaba ng pila kaya parang naubos na din ang oras na tin sa pila pa lang. Pero sulit naman, kasi solo natin ang araw na iyon. Walang istorbo. hehe...

8:30pm na tayo umalis ng EK. Hindi na natin hinintay ang fireworks kasi sabi mo mahihirapan ka ng sumakay kapag ginabi pa tayo. Ako naman, gusto ko makatulog kahit konti dahil derecho ako work. To make the story short (short? ang dami ng nasabi sabay biglang short?.. adik?!) I've enjoyed that day. Not just because of the excitement and happiness upon riding those rides, but i have fully enjoyed that day because I am with you.., and you were with me..., we're together. That's the moment. A very enchanting, magical and special moment of Enchanted Kingdom. 


I treasured the moment when your holding my arms. I am also touched when your're asking kung ok lang ba ako, kung pagod na ako, kung ok lang ba ako (paulit-ulit lng eh noh? lol)... Thanks for all your concerns, haggard man ako, pero OK lang ako nung mga oras na iyon... basta kasama kita, everything would be fine. Lalo na yung moment na sinabi mong dapat i-surprise kita sa 2nd monthsary natin... ikaw ang nag-request na gusto mo sa tagaytay, tapos sasabihin mong i-surprise kita?.. ano un?.. scripted? hehe.. Ang sabi mo din lagi na lang kasi kita sinusurprise...(nagblushed ako nun sa totoo lang, naapreciate mo pala lahat ng mga ginagawa kong iyon...) And when i told you to enumerate what are those surprises that I've done to you, ayaw mo pang sagutin bwiset ka!!! ahaha.. pakipot ka pa... may corni corni ka pang nalalaman jan... ahahaha... natatawa lang ako sayo kasi sa reaction ng mukha mo. Para kang nahihiya na ewan.., basta.. Pero napilit din naman kita... Ang sarap pakinggan kapag galing sayo ang mga salitang iyon... Salamat... ^__^



2 comments:

Rap said...

PARA SAYO: kapag nabasa mo to, wala lang.. basahin mo lang... hehe...

♥♥♥ Saranghae! ♥♥♥

egG. said...

love the video on space shuttle.... namiss ko naman sumakay jan... 6years na akong di nakakapag EK.. hehehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...