Friday, December 31, 2010

Goodbye year of the Tiger… Hello year of the Rabbit

Okay, eto na naman ako at makikiuso sa kung ano ang trending ngayon. Ano pa kundi ang walang kamatayang New Year’s Resolution for this coming 2011. Kasasawa pakinggan, pero ganun talaga, yearly eh. Once a year din lang naman ako makiuso, so okay lang.. hehe…


I’ve checked my previous blog about my new years resolution 2010. (di ko sasabihin kung alin at anong blog yun. ahaha) Napaka ambisyoso ko pala. Ahaha. Kung anu-anong pinagsasabi ko, pero hindi naman lahat natupad.. Like nung winish ko na magkaka-car ako this 2010, ASA NAMAN AKO DIBA!!! Ahaha. Saka ung magta-travel daw ako, ang gago ko talaga. Hanggang pangarap lang siguro un.. or just say na di pa ngayon, baka next 50 years pa.  Pero may mga natupad din naman kahit papaano, more on personal stuffs nga lang – personal changes, maturity in terms of my personal opinion, own decision, choice of what-to-do and not-to-do, etc... Basta more on personal growth. Yes, MATURED NA DAW AKO!!!! Wahahahahahaha!!!! (matured na isip bata)



Year 2010, as per Chinese calendar, it was my year pala. YEAR OF THE TIGER – METAL TIGER. At sinabi ko sa blog ko dati na “I would change something in my life”. It was granted anyway. Ayoko ng i-elaborate kung anu-ano un, sakin na lang yun. Pero malaki at may pinagbago talaga. So I guess, effective ang resolution ko last year kahit papaano. What I need to do lang in this year 2011 is to continue that and wish for another good life.


This 2011, I will….
-          be more friendly. Wahahahaha! Ang corni.. (Para maraming mautangan if ever).
-          Save money for my future… and hopefully, aside for my future, also more LUHO to come. Luho means everything, so kahit anong magustuhan ko, dapat meron ako! ahahahaha
-          Sana dumami pa gadgets ko. Sana dumami pa kpop cds ko. Ahaha… at sana…. Hmmm.. sana.. bahala na.

-          Ayoko ng mag-wish ng alam kong malabong matupad. I’ll let time to carry me on the right path. So far, etong mga bagay lang na ito ang kaya ko pang matupad. At like nung sinabi ko kanina, I just need to continue what I have done on the previous year to be more productive. It’s not necessary naman na mag-wish ng sobra-sobra. As long as alam natin sa mga sarilli natin na kayang matupad yun, okay na – kung determinado ka talaga ka.

Wednesday, December 22, 2010

Nasa nagdadala lang yan...

Shit! may nakita akong officemate at ang design ng jacket nya ay pareho nung sa akin. Although ung sakin ay t-shirt lang, sa kanya ay ung jacket naman pero same design. ADIDAS ang brand. pero nung nakita ko naman pagmumukha nya... masama man ugali ko pero para sa akin, hindi bagay sa kanya! ahahaha... (ang sama ko noh?) Natawa lang ako sa sarili ko... Parang sinayang lang nya ung worth 3K+ na jacket dahil mukha naman syang adik tignan! ahahaha... Basta, parang ayoko na tuloy isuot ung t-shirt ko sa office... mahirap nang mai-compare sa kanya... wahahahahaha... (ang sama-sama ko talaga... ahahaha)

Monday, December 20, 2010

Starbucks Korea 2011 Planner

I just love anything regarding Korea/Koreans (especially kpop!) Eventhough here in Philippines, we have our own Starbucks planner, I looked online and finally I got this! ahaha


Here are the other pictures of the planner.



 i love the black ribbon. (other color is golden brown)


i love the black box


pouch made of canvass??


starbucks zippers


the planner itself (i like the white color but there is another color - brown)



December 25.


I love seeing Korean characters!


Seoul Subway map



I got this by checking this Llink - http://certeza.multiply.com/photos/album/414#
Thanks to them! hehehe.....

Sunday, December 19, 2010

Thursday, December 16, 2010

Kabilang Buhay

"Kung hindi ka na masaya sa buhay mo ngayon,.. bakit hindi mo subukan magpunta sa 'kabilang buhay'?! Malay mo mas masaya dun. Wala na din balikan..."

Hahahaha! Natawa ako sa quote or joke na ito. Narinig ko sa 90.7 Love Radio station na sinabi ni Chris Tsuper ang linyang ito. Dahil wala naman sa personality nila ng magseryoso, todo tawa talaga ako nung narinig ko to. ahahaha...

Pero like what I've said dati, nasa tao kung bibigyan nya ito ng ibang meaning. Sa iba, oo malamang joke lang to. Pero kung titignan mo sa ibang paraan at seseryosohin mo, iba ang meaning... Ano ang gusto kong ipaliwanag? Ganito un....

May mga taong masaya ngayon. SIla siguro yung mga taong nasa kanila na ang lahat - kayamanan, karangyaan, katalinuhan, magandang pamumuhay at kung ano pa man. Sino ba naman ang hindi sasaya kung nasa sayo na ang lahat hindi ba?... Well, sila yun. Huwag din natin kalimutan na may mga taong pinipilit na maging masaya. Kahit malabong mangyari sa kanila yun, pinipilit pa din nilang ipakita ang mga ngiti nila kahit papaano sa ibang tao. Maraming lunod sa kung ano-anong problema ng buhay. Kung ikaw ang may malaki at mabigat na problema, sasaya ka ba? Hindi... Pero kaya mong ipakitang masaya ka dahil madali lang gawin yun.

Dahil sa quote na ito, may option ang taong magpunta sa 'kabilang buhay'. Ito ay masasabing 50-50 chances of a lifetime. May mga taong nagawa na ito dahil sa hindi na nila nakayanan ang bigat ng mga pasanin nila sa buhay. Nakakaawa... Nakakalungkot isipin na ito na lang ang natitira nilang option para kahit papaano ay sumaya naman sila. Pero sure ba sila na masaya nga sila sa 'kabilang buhay'? Ang sagot ay hindi ko alam.

Wednesday, December 15, 2010

10 days before Christmas....

Eto na... Malapit na. 10 days before Christmas. Start na ng simbang gabi bukas ng madaling araw. Busy na ang mga tao sa umaga kasi pagkatapos nila magsimba, derecho na sa work nila. Ang hirap nga lang gumising sa madaling araw. Pero kung tutuusin, 9 days lang ang sakripisyo na yun kung gusto mo talagang matapos ang 9 days na simbang gabi...

Ako naman, hindi ko na pinangarap na magsimbang gabi. Mula nung nagtrabaho na ako, wala na akong time. Aminado ako, time management lang ang kelangan. Pero sa tulad kong nagwowork ng graveyard shift, itutulog ko na lang yun para at least hindi ako antukin sa work. Hindi din naman ako naniniwala na matutupad ang wish mo pag natapos mo ang 9 days na pagsisimba. Nasa tao din nakasalalay kung talagang iga-grab nya ung opportunity na matupad nga yun. Kumbaga nasa tao nga daw ang gawa... So kahit magwish pa ako ng kahit ano, at hindi din naman ako determinadong sundin yun, (for the sake na may wish lang) hindi na ako mag-eeffort. Madaling matupad ang isang wish kung determinado kang matupad yun at hindi kelangan tuwing simbang gabi lang...

Dahil start na ng simbang gabi bukas, start na din para maistorbo kami ng mga batang makukulit at nangangalampag ng gate ng bahay. Start na din ng caroling. Ang nakakaasar pa dito, kapag nagbigay ka sa mga bata, sasabihin nila sa mga kasama pa nilang ibang bata na pumunta sa bahay nyo kasi nga nagbibigay kayo ng pera. haaayy... Pass the messege lang yan. Kung saan may pera, ituturo nila kung saan yun. Mga bata talaga! Minsan nga ayaw na namin lumabas pag gabi. Isasara na lang namin ang pinto. Pero syempre hindi naman maiwasan na may gawin kami at lumabas sa bahay. Tapos nakabantay na ung mga batang nagmamasid sa amin kung sino ang lalabas. ahahaha. Ang kulit di ba?. Basta, nakakaasar na. Lalo na kapag hindi namin sila pinansin, talagang hindi sila titigil sa pagsabi ng "namamasko po!!!!" (paulit-ulit) hanggang sa magsawa sila. At sa habang sinasabi nila un, sabay kalampag ng gate namin. Parang naninira na ata sila. ahahaha... Sarap ipalapa sa aso namin! ahahaha...

May matanggap kaya akong gift ngayon? Sana... pero di ako umaasa. Ilang pasko na ang dumaan, isang ordinary day lang ang pasko sa amin. Asa pa akong bigyan ng pera ng mga relatives ko eh alam nilang nagwowork na ako. Sasasabihin lang nila na hindi na ako bata, at dapat pa nga daw ako ang magbigay sa kanila... (neknek nila! ahaha) Kapag may dumadating naman sa bahay na kahit sinong bisita, di na ako lumalabas ng kwarto. Wala naman ako mapapala kung lalabas pa ako. Hindi ko din naman sila kilala. Mas gugustuhin ko pang gumala na lang, mag mall ng mag-isa. Kung may mayaya akong kasama, edi mas maganda.

------------------------------

(dahil nawala na ako sa mood... di ko alam kung paano tatapusin tong entry na to. eto na ang ending kahit hindi....)

Tuesday, December 14, 2010

Bob Ong's book reviews

Dahil natapos ko na din ang 8th book ni bob ong after 2 weeks pagkabili ko ng book, naisipan kong gumawa ng sort of "book review". ahaha... eto na naman ako, feeling writer na naman ako. At dahil inspired pa sa mga books nya, well, mas maganda ang mood ko ngayon sa paggawa ng review na to.. hehe... Ayoko sa lahat ay ung mahabang introduction. Puro palabok pa sa intro... Parang ganito, itong binabasa mo ngayon ay mapalabok na intro.... hehe... Let's start! 

Tama nga ang mga nababasa kong review sa ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN. Ang weird nga nung book. Although, parang may mga ganung eksena na akong nakikita sa mga horror movies/clips/etc... basta weird pa din. Ang daming symbolisms. Ang paggamit ng color VIOLET ang isa sa mga symbolism dun. Bakit?? edi i-research moh. ahahaha... ang mga rebulto... ang Nazarenong pugot ang ulo... ang paggamit nya ng Latin, ang pagdescribe nya sa mga bagay-bagay ay talagang sakto sa imagination. BASTA WEIRD.

Ang ayoko lang sa book na ito ay boring sa first half. walang climax. as in normal diary lang. (masarap lang basahin ung may mga part na mura). Pero sa 2nd half ng book, malalim na. Lalo na sa part na mejo horror na, kung ano-anong malalalim na mensahe ang mababasa mo dun. Hindi ko alam kung may pagka biblical ang ilang phrases, pero basta para sa akin, sobrang lalim... ( o minsan naman, tanga lang ako umintindi kaya parang malalim para sakin kahit hindi... ahahah)

Nang matapos ko na syang basahin, dun ko nagets ang ibig sabihin ng "wag mong babasahin ang hindi mo naiintindihan...". Literal, pero di ko nga binasa ung mga nakasulat na latin words sa book. ahaha. masunurin lang akong tao, di ko talaga binasa. less time, less effort.

" Ang nagsulat nito ay sa akin. Ang nagbabasa nito ay sa akin... ikaw ay napili... nararamdaman mo ba ang higpit ng yakap ng mga kaibigan ni mama susan?"

Eto ang last sentences sa book. Parang wala lang kung tutuusin... Nung una, parang bitin, kasi ending na to. pero ganun talaga... nasa author un eh. Pero dahil sa malilkot kong imagination, parang sumpa ba... hirap i--explain eh. Parang ganito, sabihin natin na ang nagbabasa nito ngayon ay magkakapigsa... (so magkakapigsa ka ngayon! ahaha...) whatta comparison!! may masabi lang. lols

 
Sa lahat ng libro ni Bob Ong, pinaka favorite ko ang LIBRO NI HUDAS. Ewan ko kung bakit, pero dun talaga sa book na yun, maraming aral akong napulot. (kung aral man iyon para sa akin) At ewan ko din kung may kinalaman ang title ng book sa pagkatao ko. May "HUDAS" kasi sa title, so kung ikukumpara mo sa pagkatao ko... ehem! alam mo na siguro. ahahaha... (self explanatory). Another reason is ung cover ng book. Ang ganda. Simple pero astig. BLACK! Pang demonyo talaga! wahahahaha! (wala lang... )

 
Next sa LIBRO NI HUDAS ay ang MAC ARTHUR. (uulitin ko, eto ay arranged according sa kung ano ang favorite ko, hindi sa pagkakasunod ng libro... thank you) Bakit MAC ARTHUR? Nung first time na binasa ko yun, sobrang touched ako. Feel na feel ko ang feelings ng mga character sa book. Drama sya. Ung ang unang-novela ni Ong, so kakaiba sa mga nauna. Basta napaiyak pa ako sa isang scene dun. Pero not literally na humagulgol ako... teary eyed lang. ahahaha... Feeling ko kasi ako ung artista. (wapak!) Sa isip ko nga, kung may mga gadgets lang ako like video camera at may budget ako, gagawa ako ng mini-indie film at ako ang bida. ako ang gaganap na bida sa novelang MAC ARTHUR... pero since wala kong gadgets na ganun, hanggang sa isip ko lang un. heheh...

ABNKKBSNPLAKO!. Tama! eto ang sumunod. Although ito ang unang book na nabasa ko (malamang syempre, first book nya to eh.. adik lang eh noh?) nakarelate din ako lalo na nung nag-aaral pa ako. Kung hindi pa siguro pina-project samin to, hindi ko makikilala si Bob Ong. Siguro walang Bob Ong akong sinasamba sa ngayon. At hindi din ako magiging writer kahit sa pagkakataong eto lang ang libangan ko. ahaha... (may ganun?) Anyway, nakakatawa ang book na to. Dun ko lang nalaman na may lasa pala ang tinapay na lasang sapal. ahahaha. At hindi ko alam kung ano ang itsura ng Nutri Bun. Di ko naabutan un.

KAPITAN SINO. Tulad nung MAC ARTHUR, novela din to. Pang movie din! ahaha. Astig ng story. Pero di ako masyado napaiyak dito unlike nung sa MAC ARTHUR. Siguro kasi di ako mahilig sa mga "super hero" theme. (power rangers lang ako eh. ahaha) So ayun, pero nang matapos ko ang book, maganda na din sya for me. May konting love story kasi, may kilig moments! lols. Ang hindi ko lang gusto sa book na to ay ung cover. ANG PANGET NG SILVER! ahahaha...

 
Nung bata ako, laging project sa skul ung mga pabula. Kung nag-exist na agad dati pa ang ALAMAT NG GUBAT, sana un na lang lagi ang pinapasa ko sa project namin. Ang cute ng book na yun. Pinakamura lang din. As in pambata. Bagay na bagay sa mga isip batang tulad ko. ahaha. (naaalala ko batibot) Ang cute ni Tong. Sa book na yun natuto akong GUMAWA NG WALA. Dahil sa isang (lobster) character dun na nakalimutan ko ang name, naispired akong gumawa ng wala.. Ang saya palang gumawa ng wala! I lab it!!!!



STAINLESS LONGGANISA. Masyadong malalim para sa akin ang book na ito. Eto ang story about sa buhay ng isang writer na laging ballpen at computer lang ang ginagawa. Sa book na to galing ang pinaka maraming quotable quotes na kumakalat. As in super seryoso ng book na to. Para sa akin, kung wala kang hilig sa pagsusulat baka di ka maka-relate. At dahil kahit "feeling writer" ako, pwes, sasabihin kong naka-relate ako.

Ang last para sa akin ang mala-pulitikang book nya na BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?. Yun din ang tanging libro na wala akong kopya. Bukod sa may kamahalan (ahahaha) boring para sa akin. About politics kasi eh. About the country's puppet government. kakaboring. Nanghiram lang ako para basahin. Alam kong hindi lang naman eto ang book nya na tumutuligsa sa kasalukuyang gobyerno natin. Kilala ko si Bob Ong as parang aktibista. ahaha. Lahat ng books nya ay actually may halong pulitika. Kung bibigyan mo lang ng ibang larawan ang mga nababasa mo,.. kung mag-iisp ka lang ng mas malalim..., kung talagang may concern ka sa mga nangyayari sa ngayon,... kung avid fan ka ni Bob Ong.... masasabi mong tama lahat ng mga nababasa mo sa books nya.


=============================

RELATED LITERATURE:

Dalawang klase ang mambabasa. Ang "NAG-IISIP" at ang isa ay "NAGBABASA LANG"... Mapipilitan kang mag-isp kung talagang malalim ang binabasa mo. pipilitin mong makarelate hanggang sa makita mo ang point of view ng writer about sa binasa mo. After that, maiisip mo kung pareho ba kayo ng naiisip... sasang-ayon ka ba sa kanya? o may iba ka pang gustong idagdag. YAN ANG MGA NAG-IISIP.

Kung ikaw ang tipong NAGBABASA LANG, para lang may mabasa... pampalipas oras kumbaga. sinayang mo lang ang pagkakataon mong mamulat sa katotohanan. Dahil sa nagbasa ka lang, yun lang yun. walang side comments. walang violent reactions. wala kang paki sa binasa mo. Pero hindi mo ba alam ang hirap ng isang writer para lang mailabas nya ang gusto nyang sabihin sa tao?... Para sakin, sa lahat ng mga Bob Ong books na nabasa ko, Inintindi ko yun... at hindi ko sasabihin na "binasa ko lang to"...

--------------------------

Bilang isang taong mahilig gumawa ng anumang blog or essay, or any literature, HINDI AKO NANINIWALA na walang kwenta ang isang "literature" kung puro non-sense lang ang laman nito... Kung puro nonsense ito (kagaya ng mga naunang book ni bob ong, bakit maraming tumatangkilik sa kanya???

Sunday, December 12, 2010

Game KNB?


Napag-uusapan ang reality shows sa bahay ngayon. Siguro dahil linggo, namimis nila mama ang willing willie. ahaha. mga adik. I had also my own experience about game shows... ganito un....

Few months after graduation, (mga mid year of 2008) dahil sa hirap maghanap ng work, tambay muna sa bahay ang libangan. Wala akong magawa nun kundi maghapon nakatutok sa TV at sa PC. At dahil nasa bahay kasama ang parents ko, lagi silang nanonood ng Eat Bulaga at Pilipinas Game Ka na ba?.. Pero madalas ay sa GMA7 sila nakatutok dahil sa hindi maipaliwanag na mahinang reception ng ABSCBN samin (eto ay 2008 pa, now mejo ok na. hehe).
 
Nang minsan pinalipat ko sa ABS para maexperience naman namin ang GKNB, bigla din akong napaisip na bakit hindi ko itry sumali. ahaha. Naaaliw kasi ako loob ng studio nila eh. Parang ang laki-laki, at mukang hight-tech ang mga facilities. Basta, curious lang ako kung ano man ang meron sa loob ng studio ng GKNB. Kaya ayun, sa isang ding hindi maipaliwanag na desisyon, palakasan lang ng loob to sabi ko sa sarili ko. Tutal naman, honor student ako (nung elementary ahahaha), so why not give it a try. ahahaha...
 
Hindi alam ng mga parents ko na nagregister ako as studio contestant as GKNB. Nagdalawang-isip din naman ako sa desisyon na yun. Pero sa kagustuhan kong makita talaga ang loob ng studio ng GKNB, tumuloy ako sa pag-register. Nanginginig ako sa pagpindot ng send button sa cellphone ko. Mas tumindi ang nginig at kaba ko nung nagreply sila at kelangan magpunta ako sa ABS-CBN para sa screening process nila, "WAAAAHHHHH!!!" eto lang tanging nasabi ko habang binabasa ung text. Hindi ko pa din sinabi sa mga parents ko ang tungkol dun. Hanggangsa dumating na ang araw ng screening date...
 
Maaga ako. 9am daw kasi dapat andun na. Pagpasok ko sa gate, ang daming tao. Ang sabi ko sa sarili ko, ang dami palang malalakas ang loob na sumali. Kahit galing pa ng province ung iba, pumila pa din sila at tinanggap ang hamon ng pagsali sa game show. Ako naman tahimik lang. Syempre walang kakilala. Walang pressure sa akin. Ang sa isip ko lang, konting hintay na lang at makakapasok na ako sa studio. ahahha. Yun lang naman ang habol ko eh. Wala akong paki kung ano man ang mangyari, basta makita ko ang loob, achievement na sa akin yun.
 
Eto na, pumasok na kami sa studio. Ang liit lang pala. Mali ang akala kong malaki sya. Camera effect lang pala. Atleast nakita ko na ang hinihiling kong makita. Umpisa na ng screening. Part 1 ng screening ay bibigyan kami ng 10 questions. Multiple choice. We have our own answer sheets at sabay-sabay pinasa ang papel. Out of 10 questions, ang mga taong may 7 and up scores ang susunod sa 2nd screening. Unfortunately I only got 6 questions correctly. how sad. huhuhu. Ang mga questions kasi ay ung mga tinatanong din sa mismong show sa TV. Kung avid watcher ka ng GKNB, for sure familiar ka sa mga questions sa screening. At dahil sa laging Eat Bulaga ang TV namin that time, di ako familiar sa mga tanong. But in the end, I was super happy kasi ung stage at studio nakita ko sa wakas. lol


Wednesday, December 8, 2010

untitled

I've been very busy. hay. kakainis. Ang hirap bumawi ng tulog. Dahil start ng first week of the month, new schedule din sa work. Isa lang ang restday ko. At ung restday na yun ay may lakad pa ako. So, ayun, puyat... at ang oras ng pasok ko ay naging umaga na din, so late ako matutulog at maaga naman magigising. Kaya di maiiwasan na antukin ako sa work. Bad trip pa nga minsan eh. Halos di na ako makapagtype ng matino sa sobrang antok ko.

Sumapit din ang birthday ko. It was may 24th bday na. SHET! ang bata ko pa din. ahaha. Marami pa ding nagsasabi na mukha lang akong 20 or 21. ahaha. ganun lang talaga pag isip bata. bumabata din sa tingin ng iba. lols.

Wala naman magandang nangyari nung bday ko. Normal na araw. May pasok ako kaya mas lalong naging walang kwenta ang araw na yun. Puyat din ako nun, so bad trip talaga ang feeling. Walang handa at wala akong balak na manlibre sa mga kupal kong katrabaho. ahaha. Nagulat na lang ako ng umuwi ako sa bahay dahil  may biniling cake si mama. Kahit para sa aming lahat talaga ung cake na yun, sakin ang pinakamalaking part dahil para daw sakin un. (kung para sakin talaga un, bakit kahati pa sila? ahaha) Ayun, masaya na din kahit papaano kasi nag effort sila. (kung effort man na matatawag un)


Last Sunday...
I bought Bob ong's 8th book. di ko pa nababasa kasi wala pa akong time. Tulog lang 4-5 hours lang ang pahinga ko. nakaka 50 yawn ata ako dito sa work araw-araw at mabilis uminit ulo ko lalo na kapag may tangang kausap. ahaha. waaaahhh. ayoko na! Sana restday ko na!!!!!

Thursday, November 25, 2010

Alodia Gosiengfiao - Philippines' Cosplay Queen


I'm not a cosplay addict nor a solid anime fan. I'm not into cosplay but I find it very interesting. I have friends who are really anime and cosplay fans. They even have their own costumes as well and they join cosplay events. I'd like to try it... but I have no time to produce a costume and I don't know what character I am going to portray.


Alodia Gosiengfiao


Among those cosplayers, there is only one who I admire most - none other than Alodia Gosiengfiao. I don't know her personally, I have just seen her on TV and on some cosplay events - mostly on pictures and posters. She outstands the most for every cosplay event. She is indeed the Philippines' Cosplay Queen. She's very cute. ahahaha. I like her. (weeeeeeee!!! ^^,)



(above is a Tekken character). I'm not a Tekken gamer so I dont know the name of the character. ahaha)



I really love her look when she portayed Amane Misa (lead girl character on anime series/movie DEATHNOTE). As if she's the real Amane Misa!!! So pretty! wahahaah... I have nothing more to say. Looking on her pictures is stunning. lols.



Wednesday, November 24, 2010

Random facts

  • - palibhasa bunso at 2 lang kami magkapatid, ako ang mejo spoiled "but not brat". ako ang mas maluho (minsan) at ako ang mejo "baby" sa bahay. isip bata in short (pag nasa bahay lang ah...) lols
  • - may 5 akong unan. may maliit na stuffed pillow sa headboard ng higaan at may hotdog pillow (hahaha, dati pa yun nung hindi pa kami binaha ni ondoy... wala na ung hotdog pillow ko, pero 5 padin unan ko!!!)
  • - consistent honor student ako nung elementary... nag li-low nung high school... mas naging petiks nung college. hahaha. (well, thats life, nabobobo din minsan! ahahaha)
-----------------------------------------------------------
  • - di ko na alam kung kelan ako last na nagsimba. all i know is last year, never talaga akong nagsimba kahit Christamas at bday ko. busy sa work eh...
  • - expression ko ang magmura. ahaha. I just love it. ^^, wala lang...
------------------------------------------------------------
  • - nung bata ako, gustong-gusto kong mag-audition sa ANG TV. (hahaha, sige tumawa kayo... hahah) edi sana, kasing sikat ko nadin ung batch nila John, Camille Pratts at Angelica Panganiban sa ngayon.
  • - at speaking of Camille Prats, si LAVINIA sa movie na "sarah ang munting princess" ay ka-batchmate ko sa work ngayon at talagang maldita sya! (nagresign din sya kasi hindi na-regular. may attitude problem eh ahaha) 
  • - may form din ako ng Starstruck but i didn't pass it kasi tinamad akong magpapicture. hahahah... at nung nauso ang PBB, nagpunta lang kami sa harap ng bahay ni kuya para magpapicture...
---------------------------------------------
  • - may pagka OC ako sa mga bagay-bagay.
  • - pag may nakalimutan akong dalin or kulang ang accessories ko, di ako mapakali at bad trip buong maghapon
  • - pag tahimik ako, that means bad trip ako, pag inasar lang ako baka kung ano magawa ko. hehehe...
  • - mahiyain din ako minsan.  minsan lang. minsan lang din kumakapal mukha ko, so nuetral lang.
  • mahilig ako sa food na may taba. pork adobo (may taba) BBQ (mas madaming taba) at sinigang na madaming taba! ahaha. any food will do basta hindi lamog ung taba. ahahaha
  • kahit mahilig ako sa taba, di ako tumataba. payatot daw. ahaha.
  • 29-30 ang waistline ko. gustuhin ko man tumaba ayaw talaga mangyari. di ko din alam kung highblood na ako. hindi ko alam symptoms eh or let's say, walang symptoms.
  • ang pagkakaalam ko may pagka sira ulo. may pagka gago din. lahat ng negative na ugali meron din ako. ako un eh!

Tuesday, November 23, 2010

To my Dear Followers,

"Lahat tayo may kanya-kanyang topic sa buhay, and nice to see them kasi and dami kong natututunan"


I am so glad and surprised na may nagfollow sa akin. Kahit na di maitatanggi na bilang na bilang kayo (wahahahaha), atleast may sumusubaybay ng mga entries ko. Hindi ko naman hiniling na i-follow back nyo ako (if ever man na i followed you). This blog is not really to impress you guys, but I've created this blog just to express my own thoughts. Then, if you feel the same as I am, edi mas maganda. Atleast hindi ako isang weirdong tao na ako lang ang nakakaramdam ng bagay na iyon. ahahaha.... kung nakarelate kayo, edi pareho tayong weirdo! ^^, joke.


I've checked your blogs as well and ang ganda nila. ahahaha.. kakainggit. ^^, I admit, we have our own ways of writing or let's just say different ways of blogging. Lahat tayo may kanya-kanyang topic sa buhay, and nice to see them kasi and dami kong natututunan sa mga blogs nyo. Let's put it in this way...


Hindi porke tayo ang writer at para sa atin ay walang kwenta ang mga nasusulat natin, I believe na sa mga taong nagbabasa ng bawat entry natin ay may mapupulot silang "matinong aral" kahit papaano. OO TAMA, MATINONG ARAL. Kahit na sabihin natin walang kwenta, non-sense at mga kagaguhan lang ang mga napagsasabi natin, para sa mga taong nagbabasa nun, alam kong alam nila kung paano i-adopt ang mga sarili nila sa mga ganung idea at realidad ng buhay. In short - hindi un non-sense. May kwenta un at dahil sa mga kagaguhang detalye sa mga blog natin, in return, our readers will surely know and will realize exactly the reason why we have written those blogs.


Mahirap man ipaliwanag sa simpleng salita, TAYO pa din bilang tao ang makakaunawa at magbibigay ng sarili nating interpretasyon sa kung ano man ang mga nababasa natin, hindi ba?


Ahahaah. Bigla akong natawa. Parang ang seryoso ko naman sa post na to. ahahaha. Pero it doesn't matter kung may followers man o wala. What more important is that, we have our so-called blog. We are free to express ourselves... I am very much thankful that I have been given this kind of nonsense writing. ahahaha. Thanks! Maraming salamat.



Ang gagong blogger,
- Leonrap (a.k.a RAP)


Negative thoughts

10am. Pagka login ko sa work, bukas agad ng email para gumawa ng kung ano-ano. Mejo naiba kasi station ko ngayon at nasa likod ko lang ang mga bossing namin, so ingat-ingat lang muna ako sa pagbrowse. mahirap na magkaroon ng incident report. lols. Kaya eto lang muna ang naiisip kong way para kahit papaano mabawasan ang boredom ko dito sa office. Inaantok pa nga ako eh. natulog naman ako ng maaga right after ng Imortal. Hindi nga lang ako nakatulog ng matino, ewan ko kung sino ang nag-iisip saakin gabi-gabi na lang kung kaya hirap akong makatulog. heheheh... (gumaganun pa eh noh?!)

Well, kahapon kasi may nagsabi sa akin na negative thinker daw ako. Oo I supposed. I believe naman na hindi maiiwasan un eh. Minsan lang naman ako mag-sip ng kung anong negative sa buhay ko. May mga times na kelangan kong gawin to be more prepared if ever man na pumalpak ang "positive" plans ko. Back-up lang ba. For me, that would be better because you could have many options...

Hindi naman masama ang maging negative thinker. Tao lang naman ako, nagkakamali din. And as a part of those mistakes that I've done before (and maybe in the future din), It'll be ok. Atleast hindi na ako surprised na nangyari nga o mangyayari pa lang un. Mejo mahirap at magulo para sakin na iexplain to ngayon, (kasi nasa work ako. maraming disturbances. ahahaha... hirap mag multi-task)

Basta ayun, nakakaasar lang kasi ung ibang tao na kapag dumating sila sa moment na pumalpak sila, ang lakas ng loob nila magreklamo and the worst is, they will blame other people or other things. Kung para sa akin ay hinanda ko na ang sarili ko sa ganung eksena, bale-wala na lang un sakin kasi nga prepared na ako. And I don't need to blame other people except for myself....

===========================

May mga times na sa sobrang excited tayo sa isang bagay, ang laking disappointment na lang ang mararamdaman natin kung biglang hindi natuloy un, or hindi mo nakuha ung bagay na yun. So if ever man hindi nga un natuloy, wala na akong magagawa dun. I guess I have to move on or maybe I need to look for something na mas better dun.

(ang gulo talaga ng mga pinagsasabi ko ngaun. di ko alam kung wala ako sa mood o dahil sa wala lang talaga akong masabi. haaayyy... dapat nga I'd be thankful pa kasi kahit nasa work ako, I can update my blog thru email. kaso pag wala talagang maisip, lumalabas lang na walang kwenta ang blog ko ngaun. ahahaha.... Pasensya na. Iuuntog ko nalang ang sariil ko sa station ko para magising ako. ahahaha. )


Monday, November 22, 2010

Q&A with Miss Tuesday Vargas

"ms. tuesday... kelan po ba taping ng talentadong pinoy?? at pano po maging studio audience, pwede bang magpunta lang dun sa mismong taping day, or kelangan reservations pa? hehe..."
Sa isang di ko maipaliwanag na dahilan, naisipan ko lang i-ask si Tuesday Vargas about sa Talentadong Pinoy. Good thing she answered my question. At dahil dun, feeling ko artista na din ako! ahahaha.. (ang corny!)


"next week thursday ang taping. sa SM North sa skydome po ang taping at 3pm. no entrance po. you just have to line up lang po. regular taping is every tuesday po except for next week which is thursday"



Hay sayang. Gustuhin ko man magpunta every Tuesday, pesteng work yan sumasabay. ahaha... More power on Talentadong Pinoy!


Follow Tuesday's tumblr: http://tuesdayv.tumblr.com/

Stressed.

Nakaka highblood kapag ang daming iniisip. Buti pa ang taong walang isip - healthy! ahahaha.


mambato kayo ng bato... este ng tanong pala! ahaha...

mambato kayo ng bato... este ng tanong pala! ahaha...

Answer here

What was the worst job you've ever had?

I only have my first job eh... being a call center agent perhaps. ^^,

Let's talk. Come on!

Would you rather be really hot or really cold?

I'd rather be really hot. ahaha. kapal ng face eh noh. kasi kung cold na, patay na yun. ayaw ko nun. ahahaha

Let's talk. Come on!

joke time


Isang pinoy ang magpo-propose sa isang pinay at dahil dito, pinaghahandaan nya ng maiigi ang kanyang sasabihin...





Boy: Will you be my wedding?
Girl: Wahahaha!!
Boy: What’s laughing??
Girl: Wrong gramming!



-----------------------


wahahaha. natawa lang ako. nakita ko lang to sa isang scratch paper ko dati nung college. bigla ko lang nakita. share lang. lols

Lutang na pag-iisip

Parang ang dami kong nagawa ngayong araw na to. Siguro ganun talaga pag walang magawa. Maghapon nasa harap ng pc. Kung hindi facebook, browse ng kung ano-ano. Nood sa youtube. Download ng mga kpop songs at videos. At syempre, blog.


Sa dami ng naka-open na window sa pc, di ko na alam kung ano ang uunahin kong gawin. Ang hirap pagsabayin ng Tumblr, Blogger at Facebook sa totoo lang. ahahaha (ang adik kasi eh)... Kahit na sabihin natin na multi-tasking skills ang labanan dito (which is in fact un ang gawain ko sa work) nakakapagod din minsan. Nakakawalang gana minsan. Tulad ngayon, nakakablanko ng utak. Wala na akong masabi. Umiral na naman ang sakit ko sa pagba-blog - ang maging blanko............................

Sunday, November 21, 2010

Philippine KPOP Convention 2




Are you ready to be part of Philippine KPOP history??

The 2nd Philippine KPOP Convention – the biggest KPOP event of the year. For the fans, by the fans!

Organized by the Philippine KPOP Committee, Inc., the landmark of all KPOP events in the country is back and ready to make history once more! he first one in the world was held last Dec 2009 and was participated by literally thousands of screaming and happy fans. This year, it’s bound to be even bigger and much more epic with the theme “2010: The Year of Kpop”.
Date: December 11, 2010, Saturday
Time: 10am-6pm
Organizer: The Philippine KPOP Committee, Inc. the first, the only and the biggest (non-profit) KPOP organization in the country, composed of the different local fan clubs.
Fanclub participants/affiliates: (Major) 2NE1 Ph, 4Minute Ph, 2Oneday Ph, Beast Ph, Bigbang Ph, Cassiopeia Ph, Cloud Ph, CN Blue Ph, Girl’s Generation Ph, Ukissme Ph, Mblaq Ph, Perfxtion Ph, Primadonna Ph, Shineeworld Ph, Shinhwa Ph, SJU Ph, Triples Ph, Wonderful Ph, (Rookie) 20 Star Ph, 9 Muses Ph, After School Ph, BEG Love Ph, DNA Ph, Epik High Ph, Fcuz Ph, FTTS Ph, G.na Ph, GP Basic Ph, Girl’s Day Ph, Jay Effect Ph, Kara Ph, Miss A Ph, Infinite Ph, Rainbow Ph, Secretime Ph, Shrine of Boa Ph, Sistar Ph, Supernova Ph, T-ara Ph, Teen Top Ph and Z:EA Ph
Event Highlights:
  • K-Street Fashion Show by YesStyle.com
  • Special Performances:
    • PoinTen
    • ACTS Dance and Arts Academy
  • Games
  • Prizes and Freebies
  • Product and Album launches:
    • from Universal Records
    • from MCA Music
There will be no actual ticket selling for the 2nd Philippine KPOP Convention. In lieu of tickets, we will have a minimum Php150 donation to Gawad Kalinga. You will receive your Kon2 ID with lanyard,Activity Booth Card and exclusive KON2 lootbag/freebies one you have registered.
Live webcast: www.flippish.com/kpopcon2 – for those who can’t be in Manila on that date
This article is copyright of the Philippine Kpop Committee, Inc. © 2010 
---------------------

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...