Tuesday, November 23, 2010

Negative thoughts

10am. Pagka login ko sa work, bukas agad ng email para gumawa ng kung ano-ano. Mejo naiba kasi station ko ngayon at nasa likod ko lang ang mga bossing namin, so ingat-ingat lang muna ako sa pagbrowse. mahirap na magkaroon ng incident report. lols. Kaya eto lang muna ang naiisip kong way para kahit papaano mabawasan ang boredom ko dito sa office. Inaantok pa nga ako eh. natulog naman ako ng maaga right after ng Imortal. Hindi nga lang ako nakatulog ng matino, ewan ko kung sino ang nag-iisip saakin gabi-gabi na lang kung kaya hirap akong makatulog. heheheh... (gumaganun pa eh noh?!)

Well, kahapon kasi may nagsabi sa akin na negative thinker daw ako. Oo I supposed. I believe naman na hindi maiiwasan un eh. Minsan lang naman ako mag-sip ng kung anong negative sa buhay ko. May mga times na kelangan kong gawin to be more prepared if ever man na pumalpak ang "positive" plans ko. Back-up lang ba. For me, that would be better because you could have many options...

Hindi naman masama ang maging negative thinker. Tao lang naman ako, nagkakamali din. And as a part of those mistakes that I've done before (and maybe in the future din), It'll be ok. Atleast hindi na ako surprised na nangyari nga o mangyayari pa lang un. Mejo mahirap at magulo para sakin na iexplain to ngayon, (kasi nasa work ako. maraming disturbances. ahahaha... hirap mag multi-task)

Basta ayun, nakakaasar lang kasi ung ibang tao na kapag dumating sila sa moment na pumalpak sila, ang lakas ng loob nila magreklamo and the worst is, they will blame other people or other things. Kung para sa akin ay hinanda ko na ang sarili ko sa ganung eksena, bale-wala na lang un sakin kasi nga prepared na ako. And I don't need to blame other people except for myself....

===========================

May mga times na sa sobrang excited tayo sa isang bagay, ang laking disappointment na lang ang mararamdaman natin kung biglang hindi natuloy un, or hindi mo nakuha ung bagay na yun. So if ever man hindi nga un natuloy, wala na akong magagawa dun. I guess I have to move on or maybe I need to look for something na mas better dun.

(ang gulo talaga ng mga pinagsasabi ko ngaun. di ko alam kung wala ako sa mood o dahil sa wala lang talaga akong masabi. haaayyy... dapat nga I'd be thankful pa kasi kahit nasa work ako, I can update my blog thru email. kaso pag wala talagang maisip, lumalabas lang na walang kwenta ang blog ko ngaun. ahahaha.... Pasensya na. Iuuntog ko nalang ang sariil ko sa station ko para magising ako. ahahaha. )


1 comment:

Anonymous said...

interesting nga eh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...