Sunday, November 21, 2010

Excited??? Emo-much??? Mixed emotions perhaps...





"As we grow older, we would definitely realize how important our friends are and we would definitely value those simple things that they bring to us...."




2 weeks na lang at birthday ko na. Hindi naman ako excited tuwing birthday ko. Although, it is just a normal day for me. Wala namang bonggang handa, konting salo-salo lang with family okay na. Kung may konting ipon para makapag-celebrate with friends sa labas, edi mas maganda. ahaha...


Hindi ko pinagkakalat na malapit na birthday ko sa mga friends at sa co-workers ko. Ayokong mag-expect sila kasi ng "libre". Alam naman nating lahat na kapag may birthday, hindi maiiwasan na tanungin ka kung anong ililibre mo sa kanila. Edi isasagot ko, "ako nga dapat ilibre nyo eh" ahahaha...


I'll let them na i-greet nila ako ng kusa. For me kasi, iba ang feeling kapag may taong nakakaalala na birthday mo nga talaga sa araw na yun. Surprised ka na lang kasi hindi mo expected na may nakakaalala pa pala sa birthday mo.At mas ayoko naman pilitin sila at sabihin na "hoy, bday ko, hindi mo ako babatiin??" ahahaha.. parang siga at adik lang ang dating noh. nakakatawa.


Hindi ako emo or nagmamala-emo. I guess, it's a part of maturity in life. As we grow older, we would definitely realize how important our friends are and we would definitely value those simple things that they bring to us. Hindi na ako bata para magtampo kung hindi man nila ako magi-greet sa mismong bday ko. Hindi ko din naman nababati ung ibang friends ko eh, so kwits lang. At hindi din naman talaga ako nagpapabati. Ang sa akin lang, kung sino ang makaalala.... maraming salamat sa kanya....



2 comments:

Armored Lady said...

haha...tago mode ako pag birthday ko
sino ba kasing nagimbento ng "libre culture"
pag may birthday???

well...advance happy birthday!!

Rap said...

haha.. ayos. ang aga ah. kamsahamnida! ^^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...