Wednesday, March 9, 2011

This is it, my final decision!

 "Taking risk is part of maturity. Taking risk is needed for us to grow... to grow personally and emotionally and to know ourselves more... I have decided. I am a man with one word. How will I grow if I am not going to take risk of something?"

- rap

 

 

Sabi ko sa sarili ko dati... ayoko ng magtake ng calls. ayoko ng maging call center agent. Pero sa mga panahon ngayon, ang BPO pa din ang madaling pasukan at applyan. 1 day lang malalaman mo na ang result, no need pang maghintay ng kung ano-anong tawag. Uuwi ka na lang agad or hahanap ka uli ng iba kasi initial interview pa lang bagsak ka na at dahil dun maaga kang natapos.... wahahaha... DUH!!! (ang arte? ahaha)

Dahil bata pa naman ako, (ehem!) or I must say mukang bata pa naman ako hehehe, sa mga panahon din ito, gusto ko munang makapag-ipon... tapos kapag nakaipon na ako, saka ako aalis sa BPO. ang tanong - hanggang kelan naman kaya yon? Hanggang kelan ako makakapag-ipon kung ang daming luho sa paligid! (saka ko na iisipin un... muka lang talaga akong pera sa ngayon. hehehe...)

Dahil naka VL ako for 1 week, nagdecide akong mag job hunt. Nung december ko pa balak gawin to, pero ngayon ko lang nagawa kasi ngayon lang ako nag VL. 3days ang inilaan ko sa paghanap ng kabuhayan and then the rest, puro pagpapakasarap na sa buhay. :))

 

First day of job hunting.

I tried an Australian based company (BPO pa din) somewhere in Ortigas. Nakita ko lang sa jobstreet un at naisipan ko lang puntahan bigla. Muka lang akong tanga kasi ako lang mag-isa nagwalk-in. ahaha. More on scheduled appointments sila. They were still managed to entertain my application, pero ako tinamad na. Kung ano-ano na lang sinagot ko sa interview at expected ko ng di ako papasa....

After nun, someone approached me at the lobby. She is from Convergys (CVG). Try ko daw. That was my second time to try CVG. The first time was 2 years ago (in commonwealth). Nakaschedule na ako for the final interview 2 years ago, pero di ko sinipot ang interview ko kasi on that same day, it was my contract signing dito sa current employer ko....

Edi, un na nga, i tried CVG for the 2nd time. Dahil experienced callboy na ako, wala na daw initial interview sabi nung girl na nag-approached sa akin kasi may position sya sa HR ata. ako naman nagulat kasi wow! taga HR sya, so mataas expectation nya sa akin. Shet!!! Pero normal lang naman sa mga experienced na callboy at callgirl ang bumagsak din. hehehe. (kasi ung iba may attitude problem, kaya mas gusto ng ilan ung mga newbie)

Eto na, exam na. OK lang ang exam. ang cool kaya ng exam nila. ahaha. may spelling na 51 items... at syempre pasado ako sa exam. Pinabalik ako ng 4;30pm for my final interview. SHET! eto na ang mas nakakakabog ng dibdib. Ang taray pa ng interviewer. Sya na ang may accent!! Sya na!!! Nakakapanliit lang talaga ng pagkatao, pero game pa din ako. Nasagot ko naman ang mga tanong nya, pero in the end, siguro nainsecure sya sa akin kasi ang cute ko kaya binagsak ako sa final interview. Akala ko for formality na lang yun, pero hindi kasi MAARTE SYA!!! ahaha. At dahil dun, gumala na lang ako sa Robinsons Galleria kasi 5pm na ako natapos at sabay uwi... (siguro kung sya lng ung girl na nag-approached sakin sa lobby, pasok ako,.. pero hindi sya eh... hehe)

 

Kinabukasan, its my 2nd day of job hunting. I decided to go to SM north. Andun kasi ang recruitment ng Stream Global. Cool din ang exams nila. Ganda ng interior kasi bago-bago pa lang. Dahil inabot na din ako ng mga 6pm sa dami ng tao at may kabagalan ng konti, pinabalik ako kinabukasan for my final interview (again) to one of the supervisors of the account. Ang aga ng interview, 6am. Pagtapak sa floor, comfortable naman ako at maganda ang loob ng building. Feel at home agad ako. To make this short, after ng interview antay daw uli ng tawag witihin the day kung ano ang susunod na gagawin.., dahil currently employed pa din naman ako, derecho ako sa current office namin kasi may pasok pa ako. hehe.. Di ko inexpect na itetext nila ako.. PASADO DAW AKO SA FINAL INTERVIEW at pinapabalik uli ako kinabukasan para sa mismong JOB OFFER para sa contract signing at sa MARCH 14 na ang start ng training. ANG SAYA-SAYA KO!!! SA WAKAS!!!!!!!

 

BUT... But.... BUTT..... (past, present, future tense ng BUT!! lol)

 

I am still working here sa current employer ko. Hindi pa ako nagreresign at hindi pa nagpapasa ng resignation letter. We've been told before na HINDI PWEDE ANG IMMEDIATE RESIGNATION, kasi we still need to render atleast 30 days before umalis. Naghihigpit sila ngayon, dati kasi kahit immediate pinapayagan... at dahil dun, dumami ang nagresign at dun na nga sila naghigpit na dapat ay after 30 days na ang bagong process.

Monday, March 7, 2011. Restday ko nun pero pumasok ako para kausapin ang Team Leader ko. Nagsabi ako ng maayos. Nagpaalam ako kung pwede ako mag immediate resignation at 1 week na lang ang itatagal ko (mamamatay na kasi ako eh. heheh). Hindi ko na sasabihin ang buong detalye ng pag-uusap namin, pero hindi daw talaga pwede ang immediate.

Dahil ako na si sigurista at talagang pinag-isipan ko na itong mabuti, I prepared myself sa ganung sitwasyon. Dalawa ang resignation letter kong dala - isang effective date is March 11 (immediate) at isang April 10 (30 days).

 

TL: May letter kang dala?...

Ako: NAMAN!!! prepared ako noh. Alin sa dalawa, ung immediate or 30 days?

TL: batukan kaya kita jan, edi ung 30 days!

AKO: nyahahahaha

 

Papayag ako sa 30 days nilang sinasabi, pero isa-submit ko pa din ang resignation ko A.S.A.P para makaalis na din sa current employer ko. Pwede ko naman kausapin ung nag-oofer sa akin na iconsider ang job offer ko by next month kung may openings sa April or may next batch of hiring. Pwede naman un kung makikipag usap lang ako sa kanila in a professional way...

I've formally submitted my resignation letter today, effective on April 20. (more than 30 days pa un) Sabi din kasi ng TL ko, gawin ko na daw saktong April 20, para saktong 2 years ko sa company (oo tama, 2nd anniversary ko sa april 20 at un ang araw na aalis ako). OK FINE. PAYAG AKO.... I've talked to the person in-charge for the job offer in the other company, I asked if they can still review my qualifications by next month and also requested to endorse me to other branch (kung pwede). Pumayag naman sila. Pero kung wala ng openings by next month, at least malaya na din akong maghanap pa ng ibang company jan. At, hindi na din ako mangangarag at wala na akong iisispin pang immediate resignation if ever. Mas maganda mag-job hunt kung wala ka na din sa pader ng employer moh, para anytime ready ka ng magstart... 

 

I am not closing my doors sa other opportunities. Hindi lang BPO ang papasukin kong industry. Kahit ano pwede. hehehe.. BASTA KAYA NG QUALIFICATIONS KO!!! OO nga malaki ang pera sa BPO, pero mas malaki ang pera sa mga TV networks. wahahahaha... I imagine myself na may pinipirmahan contract as an artist sa isang TV network. wahahaha...

 

 

 

 

pero tulad ng sinabi ko, it just only an imagination... :)

This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

29 comments:

emmanuelmateo said...

mag teacher ka na lang..hehe kahit papanoy nagagawa mong ngumiti.hehe
Nobliest profession kaya so I am proud.

Anonymous said...

hahahaha sige lang. goodluck sayo...

Bino said...

binabati ka sa naging desisyon mo! yehey!!! dito sa amin may back office. :D

Anonymous said...

ahhhh sa call center ka pla nag work, pa try nga sa boses mo? hehe!

good luck! s new job.

Akoni said...

Iba pumapasok sa malinis kong utak tuwing nababasa ko ang "TL"..hahaha

pare, malapit na ang bakasyon ko, palibre ka naman...hehehe

wish you all the best of luck..mwah!

Allan P said...

wahahaha. sa TV5. hiring ata.

goodluck sa job hunting mo! :)

Lhuloy said...

halaka...ermmmm...well..tama ka...dami nga namang iba jan...AJA lang pfowhz..kaya yan!!! (^^,)

KristiaMaldita said...

gudluck sayo...

magaling ka naman si you 'lldon't have problem to look for new one..

aja!

jhengpot said...

ikaw na bigtime willtime! ow-ow-ow awesome! haha

Kamila said...

sayang naman natanggap ka na eh. huhuhu.. pero mukha namang madali ka makakahanp ulit ng trabaho parang 3 days or less ka lang naghanap meron na agad... galing

Anonymous said...

masmalake kita sa pag ca2llboy noh ehehe nyuk!

:D

Armored Lady said...

magartista k nlng o kya mag vj s myx or v channel
may chance ka png mameet ung mga kpop idols
Hahaha...congratulation rap!!!! ^_^

Rap said...

emman - teacher?... naku, puro kagaguhan lang maituturo ko sa mga estudyante ko. heheh...


kyle - ahaha. salamat. pag naging artista ko, kukunin kita as PA. ahaha


bino - san yan? acquire asia pacific? jan ka ba?... yan ang nasa WCC eh. stream, sykes at acquire asia...

Rap said...

mommy - shy ako weh. wag nlng... lol


akoni - ano nmn pumapasok sa utak mo? TL means true love? wahahahaha...


allan - kapitbahay nga lang namin ang TV5 eh... ang hiring kasi more on IT, mga masscom grad at engeneering (diko alam spelling! ang bobo ko! wahahaha)... pero ttry ko din.. hehe gusto ko kais petiks lang. lol

Rap said...

lhuloy - tama... gusto ko nga jan senyo eh, kaso ayoko nga gumawa ng lesson plans at yoko magturo. hehehe...


Kristia - ako magaling? HINDI ah... feeling lang un. hehehe TY


jengpot - napaghahalatang idol mo si awesome... ahahaha

Rap said...

kamila - actually 2 days nga lng un eh... pag sa celcen talaga mabilis lang... pero salamat sa papuri.. hehe ^^


theo - oo malaki nga. kaya nga kahit suko na ako, andun ang PERA eh. hehe...


clai - hay naku, lilipad ako ng korea mismo.. magaaudtion ako sa SM entertainmment. ahahaha. ako ang magiging 14th member ng Super Junior! wahahahaha

goyo said...

Goodluck sir! Kailan kaya ako makakaranas ng mga job hunting. hehe. :)

TAMBAY said...

gudluck parekoy.. "TL" agn TL mo pagnagkataon.. hahaha.. basta guluck sayo..

Lhuloy said...

toinks..d namn kme ngleleson plan dto ih...ang prob lng dito mababa ang sahod..jejeje...

Sendo said...

ongoing pa ang auditions for PBB....mas swak yun kesa Streams Global hehe

Rap said...

goyo - hehehe... now na daw... simulan m na... ^^


tambay - true love ko TL ko? lols... di kami talo!


lhuloy - ganun, minimum lng ba?... naku, mag colcen k nlng, sayang effort mo sa pagturo ng english jan... at least sa colcen, pwede ka pang magmura! ahahaha


sendo - sa province meron pang audition, pero d2 sa manila, tapos na nung march 4. hehehe... may pasok ako nun kaya di ako nagpunta. lol

Lhuloy said...

abab minimum pfowz d2..me increase p nga kada quarter..kulng lng s bnefits,,tps mtaas mgkaltas...ayaw ko s cc. mtaas ang standards ih..lo long....

Anonymous said...

Cool naman! Yeah, My cousin is from stream. Ok naman daw, madami lang mapolitika...normal lang naman un. Ang downside lang e walang yearly appraisal sa stream...and not much benefits. what you see is what you get. Pero my cousin says that Stream madalas magpa open OT kaya nga she often gets 20 k neto (CSR) All the best to you!!! :D

iya_khin said...

haay pag TL talaga!! tulo laway! dati muntik ko ng masumpa ang TL ko sobrang bait nya kasi sa akin eh tsaka she has nice manners!! kakasuka!! grabeng sama nya talaga!!

Rap said...

callcenter tips - thanks for dropping by... ive seen some threads and blogs about stream, sabi pangit din daw sa SM north branch?... and speaking of OT, ayoko mag OT. ahaha.. wala din bang appraisal? so hindi din nalalayo sa current employer ko... hmmm.... madami pang ibang colcen jan.. hehe


iya - bad3p ka sa TL mo? o bad3p ka talaga!? ahahaha

Armored Lady said...

pag nangyari YUN....ako ang Number ONE FAN MO!!!!!! GO GO GO
AJA AJA AJA
FIghting!!!!!♥

Anonymous said...

weee.. ang saya mo lang..w ahehe

Angel said...

asus, akala ko lilipat na talaga.. sama sana ako! :p

Rap said...

clai - ahaha.. natawa naman ako, may NUMBER 1 pa talaga ah. lols.. salamat.


batman - di ka ba masaya? hehe


angel - tara! sama ka lang.. ^^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...