Friday, August 26, 2011

kausapin ang sarili....


may mga pagkakataon ng gusto mong takasan ang lungkot... pero hindi mo alam kung paano gawin yun...

gusto mong matulog, pero hindi ka makatulog.. gising na gising ang diwa mo...

kung ano-ano naiisip mo na mas nakakagulo pa ng utak moh...

mahirap naman mag-assume. mahirap mag-pretend na OK ka lang sa sarili moh...

ang galing mo pa ngang magpaka-plastik sa sarili mo minsan kasi kapag may kaharap kang iba, ang saya-saya moh... pero kapag mag-isa ka na uli sa kwarto at wala ng kausap, dun mo gustong ilabas ang lahat ng sama ng loob moh...

totoo, dba??...

ang hirap pala ng ganun.. para kang baliw. sira ulo. tanga in short.

kahit daanin mo sa soundtrip at sa movie marathon, kapag natapos ang tugtog at natapos na ang palabas, balik ka uli sa normal.

tutunganga ka na naman... nagpapalipas ng oras..

eh mabagal ang takbo ang oras, ano ngayon gagawin mo?

WALA!

walang kang magawa eh...

gusto mong maging busy pero di mo din alam kung ano pwede mong pagkaabalahan...

kaya eto, kausap ang sarili... =(



Thursday, August 25, 2011

Memories at EK

Pagbalik tanaw... ang sarap kasi balikan ang magagandang moments eh. Kapag may problema ako, ito lang ang iniisip ko at nawawala ang lungkot ko kahit panandalian lang. Mag-iisang linggo na pala ang nakalipas, pero fresh na fresh pa din sa akin ang nangyari nung araw na yun. Ewan ko kung OA lang ako ah, pero ganito talaga ako eh... hehe.. 




August 20, 2011


We've celebrated our monthsary together at Enchanted Kingdom. May work kasi tayong pareho nung August 17, which is our monthsary date talaga, kaya we've decided na gawing weekends na lang...

Wala akong maisip na something special para sa monthsary natin, aside dun sa previous entry ko sa blog. Kaya I texted you kung ok lang ba sayo na mag-EK tayo, pumayag ka naman. I-surprise sana kita, pero dahil tinext na kita, malamang di na surprise yun. hehe.. Ang sabi mo nga excited ka pa. Ako din excited kasi makakasama uli kita... ^^


10am ang usapan para sunduin kita sa Cubao. Pero bago ako dumerecho sa Cubao, sa office muna ako tumuloy para iwan ang ibang gamit ko sa locker. Masyadong mabigat ang bag ko eh... After ko dun, nagpunta na ako sa Cubao. As usual late ka na naman. Nakarating na ako sa meeting place natin pero ikaw paalis pa lang ng bahay. No choice ako kundi tumambay sa Mcdo at umorder kahit walang balak umorder. Wifi naman ang Mcdo (buti na lang), so ok lang naman maghintay. Pero nabagot ako... Mejo napansin mo siguro na galit ako or something, walang kibo, at tahimik pero hindi po ako galit... nabored lang ako.. hehe... pero di ako galit. ^^


Ikaw na itong late, ikaw pa din itong di nag-breakfast bago ka umalis. Kung makalamon ka ng cheeseburger habang nasa bus, nakakatawa ka! ahahah... lamon kung lamon ito.. parang gutom na gutom. natatawa lang ako sa sarili ko dahil baka maasar ka pa. Pero ang cute moh.. ahaha... Un na lang pambawi ko sayo.


Nung nasa byahe na tayo papuntang EK, di ako masyado excited kasi nakakaramdam ako ng antok. Ikaw din naman ata, kaya nag-soundtrip ka na lang, pero nakikita din kitang nakapikit minsan. Ineffort ko pa sa website ng EK kung paano ang way kung magcocomute lang. Ang unang punta ko pa lang kasi dun ay nung 2nd yr highschool pa ako at field trip yun. Eto ang 2nd time ko sa EK at kasama ko ang mahal ko. Ang sipag ko noh.. Ganun kasi kapag techy, lahat sinesearch muna sa internet.. hehe..


Picture galore tayo sa EK. Pinagdadala kita ng camera, wala kang dala at ako na ang nagdala. Ang sabi ko magdala ka din ng extra shirt dahil we'll gonna get wet sa ibang rides, pero wala kang dala... and dala mo lng ung maliit mong pouch bag, samantalang ako, ang laki na naman ng bag ko. ahaha... naka-slippers ka pa nga eh, mayabang, havaianas!! (tama ba spelling ko? sorry, banana peel lang kasi brand ko eh. lol) Iniwan ko sa locker ng EK ang bag ko dahil istorbo din kasi syang dalin eh. Sa website ko din nadiscover na may locker pala sa EK, ang galing galing ko talaga magresearch! lol



Tuesday, August 23, 2011

Soon is... NOW!!!

ahmm...
 
 
I just dont know how to start this entry. This is too personal and i've decided to share this feeling of mine. This has something to do with my personality... who I really am. I just cant stop myself, I just need to tell this to you guys knowing that I am finally in love... =)
 
 
 
 
 
 
 
Yes, I am truly, madly, deeply in love...
 
 
 
 
 
 
 
 
 
... in love with a guy.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
*pause*
 
*pause*
 
*pause*
 
 
 
 
 

You've read and saw it right, a "guy". Lately, I've just realized the moment he came into my life, I was then attacted by his attitude. I've seen in his personality the characteristics of a girl, whom i'd like to be with... What he has right now, are the qualities that I am looking for a girl. It's just that, I havent' seen yet a girl like "him" and what a coincidence, "he" was the 2nd person who came into my life, and he became part of it... In other words, nauna siguro sya dun sa "girl" na destined para sa akin... (pero bago sya, syempre nauna ung ex-gf ko na may same characteristics din nya...) But I am grateful because I've met him.

Its hard for me to admit this, and so hard for me to decide and announce this in this blog world. Alam din naman ng mga friends nya ang situation nya, so just to be fair, why not be brave enought to share this, right? Magulo isip ko... I've consulted this concern with my closest friends and wala naman silang reaction. Ang sabi lang naman nila, they are happy for me. And they still accept me as who I really am. Besides, there's no reason to stop myself from saying what i want to say. I just want to be free and be free in the coming days. I dont like anymore intrigues..., Now that our relationship is already more than a month old (and still counting), why should hide it? I am happy... He's also happy... (I hope so and I know he is)... We're both happy in other words.

The previous posts that I've posted were the real scenarios that had happened between us. Started from how we've met... about our first date together..., about my surprises that I've done..., the memories and many more. Some of you might had thought that Im falling in love with a girl, (which is your common perception I guess), others might haven't thought of any. hehehe. They just dont care. I understand all of those things. That is normal.

I know that this revelation of mine made you a little bit shocked or just no reaction at all... I understand. It just came out from me out of a sudden. But thank you for listening and spending such time for reading this nonsense thing. I am still be the same person you've known. I am still the same old Rap you've known here. Ako pa din ang masamang tao at pala-murang nilalang dito sa blog ko. hehehe... Wala naman nagbago sa akin, SYA lang ang bagong dumating sa buhay ko...

Once again, thanks for reading this.. Wala akong mukhang maihaharap muna senyo, kaya eto na lang ^__^ Smile!  

 

 

 This e-mail may contain confidential and/or privileged information. If you are not the intended recipient (or have received this e-mail in error) please  notify the sender immediately and destroy this e-mail. Any unauthorized  copying, disclosure or distribution of the material in this e-mail is strictly  forbidden.   

Monday, August 22, 2011

Soon...


Something UNEXPECTED is about to reveal.... very very soon.



============================
Scene 1:
ang tagal mo?...
.... sorry. galit ka na nyan?...
hindi..
.... weh?.. galit ka eh.
*tahimik. walang imik*
... sorry na po... :(
hindi nga ako galit. tara na, alis na tayo
 - end -
==============================



Scene 2:
bakit di ka nagbreakfast? sabi ko sayo kumain ka na dba?..
.... nalate na kasi ako ng gising.
gutom na gutom ka tuloy. kung makalamon ka oh, tignan mo, nakakatawa ka
... hahaha
- end -
==============================



Scene 3:
masaya ka ba?....
... oo. eh ikaw?
oo. masaya ako.. kasi kasama kita.
...
- end-
==============================




Scene 4:
gusto ko i-surprise mo uli ako sa susunod ako ah...
... bakit?
mahilig ka kasi sa surprise eh...
.... bakit, ano-ano na bang nagawa kong surprise sayo? sige nga, tell me.
wag na... corni. ahahaha
.... corni pala ah... cge na, arte nito, i want to hear it from you.
ahahahaha
- end -
=============================




Scene 5:
text ka pag nasa bahay ka na ah.. I love you
... opo. ingat ka din pag-uwi. I love you more.
- end -
=============================


This e-mail may contain confidential and/or privileged information. If you are not the intended recipient (or have received this e-mail in error) please  notify the sender immediately and destroy this e-mail. Any unauthorized  copying, disclosure or distribution of the material in this e-mail is strictly  forbidden.   

Wednesday, August 17, 2011

It's been more than 30 days na pala...

This is a very special day for both of us. It is our 1st Monthsary kasi eh... Although hindi talaga ito ung date kung saan first time tayong nagkita, we've decided na lang na gawin every 17th and monthsary natin kasi eto ung araw na nag-date tayo together.. ung nanood tayo ng sine together... Remember Harry Potter 7?.. and ung gift kong silver bracelet?.. hehehe... kinikilig ka naman habang binabasa mo ito...

Well, dahil wala akong maisip na ibigay uli sayo, (kulang na ako sa budget sorry po... hehe), I've decided na i-reminisce na lang ung 1st 30 days natin as TAYO! Kung ano-anong kalokohan pala ang na-status ko sa FB ko nang dahil sayo... Eto, at may screenshot lahat ng mga iyon... Mejo mahaba itong post na ito, pero ikaw bahala kung tatapusin mo itong walang kwentang entry na ito.. hehe... Let's start!

We've first met each other June 25, 2011. Sa isang mall sa Cubao ang meeting place natin. Kung ano ung mga nangyari nung araw na iyon, eto na lang tignan mo.



++++++++++++++++++++++++++++++
June 2, 2011. Ito ang status ko sa FB. Bakit ang init ng ulo ko? kasi ganito un.. 


++++++++++++++++++++++++++++++



May naisip kang pakulo natin sa fb. Ang sabi mo, dapat magpost tayo everyday ng status na may nakalagay na "blue" or anything related sa word na "blue". Bakit nga ba "blue"? Kasi eto ang tawagan natin sa isat'isa. OO na, ikaw na nakaisip nyan kasi pang adik lang ung naiisip ko kaya nag-agree na ako jan. hehe...




Normally, kapag sinabing "im feeling blue", that means, you're kinda alone, sad, and frustrated dba?.. Pero ang status ko hindi ganun. "Im bluer than blue" means, "I'm inlove with my blue"
+++++++++++++++++++++++++++++



Nasa byahe na ako papuntang work. Ang soundtrip ni Manong driver ay ung song na "Baliw" by KISSJANE. Not familiar?... eto, pakinggan mo.. 




Kaya naman, LSS ko na hanggang sa nakarating ako sa work.. at dahil dun.. feeling inspired at masaya ang buong araw ko.. hehe.. Baliw ako eh!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++

Saturday, August 13, 2011

I'm happy when I am with you...

Ang saya ng gabi ko... Kahit inabot na ako ng 12:30 ng umaga bago ako nakauwi, wala lang sa akin... Ikaw kasi nakasama ko eh... 


August 11, 2011.

Status ko sa FB:


Biglaan lang ba. I just texted you na susunduin uli kita sa work mo. Ang usapan kasi natin sa next week pa tayo magkikita dba?... Wala kasi akong pera kaya next week pa tayo nakaschedule na lumabas together... Pero alam mo naman ako, pag may namimiss akong isang tao, gagawa at gagawa ako ng paraan para di ko sya mamiss.. Eh kaso ikaw ung taong yun.. ayokong namimiss kita... I feel like crazy sa tuwing iniisip ko kung ok ka lang ba... Gusto kong makita ka.. Gusto kong mahawakan kamay moh... Gusto kong ikaw lang nasa tabi ko.... Selfish na ako... hehe.. Selfish ako in a way na ikaw lang ang gusto kong makasama at wala ng iba... 


Dahil 4 days akong nakabakasyon from work, (alam mo na din ang dahilan nun), so ibig sabihin, 4 days akong tutunganga sa bahay. Bored na bored ako. Feeling ko napakabagal ng oras. Feeling ko ang tagal ng 2 weeks para makita uli kita. Last August 3 lang ang huli nating pagkikita. That was the first time na sinundo kita sa work mo. 


At dahil obvious naman na super miss na kita sa status ko sa fb, yun na din ang moment na tinext kita and I've informed you na lalabas tayo bago matapos ang week na ito. Wala akong pera, pero it's not a reason for me para di ito matuloy. Ako na bahala dun... Wag mo ng intindihin yun...


Bago pa nga yan, may usapan pa pala tayo na kung hindi ka male-late sa pasok mo sa work, bibigyan kita ng reward. Aba, sineryoso mo naman, mukha kang reward?! ahaha... ako naman itong napasubo na naman sa gulong naisip ko. Infairness, 3 days ka din atang hindi na late. hehe.. For me, achievement mo na yun. Kahit wala nga ako sa tabi mo, minimiskol kita ng maaga at nagtetext ako sayo ng maaga para magising ka at para lang hindi ka ma-late. So sinunod mo naman ako, kaya sige na... may reward ka na! ikaw na! ahahaha


August 12, 2011.

Pumayag ka na magkita uli tayo. Ako na ang taya. 



Ang landi noh?.. ahaha... Nabasa mo pa nga ung mga comnents ng mga ungas kong friends dun. Pero wala lang care.. The show must go on. hehe. This is the second time na sinundo uli kita sa work mo. As usual, traffic na naman ang byahe natin sa bus. Movie date uli tayo. It was part of your reward... Sa Gateway Mall sa Cubao tayo nanood para malapit ka na uli sa uuwian mo. Last full show... Ok lang naman abutin tayo ng gabi kasi weekends naman at wala pa din naman akong pasok. Anong movie?.. ANG BABAE SA SEPTIC TANK. ahahaha...




Yan ang akala mong reward mo. Sabi ko lang kasi ako na ang taya. Tapos, bigla mong naitanong kung bakit malaki ang bag ko?... Normal lang naman sakin  na magdala ng bag. Sira kasi ung small bag ko kaya no choice, un ang ginamit ko. Pero bakit ba?... ahaha... Naiisip mo bang may ibibigay pa ako sayo?... Aba, ang swerte mo naman, dalawa ang reward mo?! hehe... Pero tama ka... di na ako nakatiis at inilabas ko na ung 2nd gift ko sayo. Habang nasa sinehan tayo, binigay ko na sayo ung stuffed toy na angry birds. Binili ko yan bago ako sumundo sayo. Dalawa binili ko, para tig-isa tayo. Sakin nga lang ung Red, sayo ung Blue. Pinapili naman kita, pero pinili mo pa din ung blue... 



It was a very memorable moment to hear those sweet words from you. I hope you've appreciated my little surprise for you... Obvious kayang napapangiti ka sa kilig! wahahaha . ^____^. I did see you smile. I did see you!!!

Goodnight... ^^,






Thursday, August 4, 2011

i miss you so much... ^^

Almost 2 weeks tayong hindi nagkita. Busy tayo pareho eh. But I understand all those reasons kasi love kita. Hindi man tayo nagkita for two weeks, hindi ko naman hahayaang maging 3 weeks pa yun. I do really miss you and I really want to see you...


This week lang din nagbago sched ko sa work. May pasok na ako ng weekends at malamang sa malamang, mas mawawalan tayo ng time para makapag bonding kasi ikaw lang ang walang pasok ng weekends, samantalang ako, nagwowork habang buong isip ko ay nakalaan lang sayo... Nakakalungkot hindi ba? Kaya ayokong patagalin pa ang panahon para lamang makita uli kita.. 


Kahapon, August 3, 2011.


Wala kaming pasok, at ikaw meron. Dahil sa sobrang miss na nga kita, I decided na sunduin ka sa work mo. Ayoko man magpunta ng Makati kasi malayo at nakakabwiset magbyahe papunta dun, pinilit ko ang sarili ko makita at makasama kita kahit sa konting oras lang. Nagtext ako sayo na susunduin kita, ang sinagot mo lang sa akin ay "bahala ka po..." kasi siguro ayaw mo din akong magpagod at may bagyo pa nung araw na yun. Salamat sa concern mo, pero naisipan kong ituloy ang pagsundo sayo. Pasaway ako eh!


4pm ako umalis ng bahay dahil sabi mo mga 6pm pa ang out mo. Tama lang yun para di ako maghintay ng matagal dahil wala akong mapagtatambayan bukod dun sa unloading station ng bus. Sumakay ako ng bus papuntang Ayala Ave. Pero dahil konti na lang ang tao sa bus, pinalipat na kami sa iba pang bus. At sa pagmamadali ko, mali ang nasakyan kong bus. Oo may nakalagay na "Ayala" sa nilipatan naming bus, pero BACLARAN pala ang pinaka ruta nila. So in short, malayo ang binabaan ko. At naglakad ako papunta sa meeting place natin. (kawawa naman ako...)


Bumaba ako sa SM makati. Nilakad at dumaan sa loob ng Glorietta, Landmark at Greenbelt para kahit papaano ay makaramdam ako ng kahit konting aircon man lang. Ang layo kasi talaga. Maulan pa kaya!! Muntik pa nga ako maligaw, pero thankful ako at hindi naman nangyari sa akin yun. Nakarating din naman ako sa meeting place natin. Although, naghintay din ako kahit papaano pero wala lang sa akin yun. Nawala lahat ng pagod ko nung dumating ka na, at hindi ko nga namalayan na nasa harap na kita kasi sa moment na yun, tinatry kong itext ka... Nasa harap na pla kita. Napalitan ng ngiti at excitement ang mood ko. =)


Pinagtawanan pa nga kita kasi ang laki ng payong moh. ahaha.. Pero sabi mo naman sakin ay uso yun sa mga taga-Makati at napansin ko nga, karamihan sa mga pauwing empleyado ay malalaki ang payong. Ako lng kasi ang tamad magbukas ng payong ko kahit may dala ako. hehe.. Ikaw pa nga ang nagpapayong sa akin, pero nahiya na ako kasi sabi mo baka may makakita sa ating dalawa. Edi sige, kunyari di tayo close at pinayungan ko ang sarili ko, ganun ka din pero magkasabay tayong naglakad... May separate na payong nga lang. ahahaha...


Gabi na at inaalala ko ang oras mo. May pasok ka pa nga pala kinabukasan kasi ako wala pa din. Ayokong abutin tayo ng gabi dahil kawawa ka naman, late ka na nga lagi sa work mo eh, baka sisihin mo pa ako. hehe.. (pero alam kong di mo ako masisisi, love mo din ako eh! lol)


Nagdecide tayong sa Cubao na lang kumain. Dun naman ang way mo eh, at may sakayan din naman ako dun pauwi sa amin para atleast malapit na lang ibabyahe mo. Traffic sa EDSA habang nasa bus tayo. Umaandar ang oras. Pagabi ng pagabi... Pinaputulog muna kita sa bus pero ayaw mo matulog. Holding hands na lang ang drama natin habang nasa bus. Infairness, namiss ko ang paghawak ko sa mga kamay moh. Ganun ka din kaya sa akin?... Mas natuwa pa ako kasi suot mo pa din ang binigay kong silver bracelet sayo nung nag-movie date tayo ng Harry Potter two weeks ago. Nakakatouch kasi akala ko hindi mo isusuot un, pero sabi mo sakin, araw-araw mo naman pala suot. SALAMAT AH! IMPORTANTE DIN PALA AKO SAYO... 


May moment na hinding-hindi ko malilimutan sayo. Ano un?.. Nung tinanong kita kung kelan ang monthsary natin. ahahah.. Nakakatawa ka kasi na nakakainis eh. ahaha.. Confident ka pa sa sagot mo ah, pero mali naman ang date na sinabi mo. Nagtaka tuloy ako baka kasi ibang tao ung ka-monthsary mo sa date na yun... Alam mo ung may konting dissapointment sa side ko kasi di mo man lang naalala ung date na binigyan kita ng silver bracelet at ung date na nonood tayo ng sine together?.. Hmpf! Pero... Natawa ako sayo kasi todo defensive ka sa pagsabi na ako lang ang love mo. ahaha.. na wala kang ibang ka-monthsary nun kundi ako lang.. I trust you naman. Love kita eh. I even showed you may phone kasi naka-save sa calendar ko ung mga special dates natin. Inagaw mo pa phone ko, tapos nung nakita mong mali nga ung date na sinagot mo, isang malakas na tawa lang ang ginawa mo! Nakakaloko ka! ahaha.. And because of that, napatitig ako sa mukha mo at dahil dun, mas cute ka pa pala kapag tumatawa... and *boom* ahahaha...


Umuwi na din tayo after nun. Pasensya na kung ginabi tayo, at sorry kung puyat ka kinabukasan sa work mo. Namiss lang naman kasi kita eh. At ngayon nga habang ginagawa ko tong blog na ito,. ikaw ang nasa isip ko... Super miss pa din kita... Hanggang sa muli nating pagkikita...


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...