Wednesday, February 2, 2011

Eksena sa Jeep

 
Kanina pagsakay ko, iba na ang ambience pag-akyat ko pa lang ng jeep. Nung nakaupo na ako, dun ko na-feel ung mala disco sound ni manong driver. Ang ingay! Ang lakas ng bass... Hindi tuloy marinig ni manong ung pagsabi ko ng "bayad po... estudyante!" ahaha (as if estudyante talaga). kaya inabot na lng ng nasa likuran nya ung bayad ko... Pero bago pa man kinuha sakin nung isang pasahero ung bayad ko, siguro mga naka 3x akong sinabi ng "bayad po!!!"... Ang ingay kasi ni Justin Bieber eh.! PUTA, umagang umaga nagwawala siya...
"baby baby baby oh... baby baby baby oh...."
ay, napamura na lng ako sa sarili at sa isip ko.... wala akong masabi. ayokong magsimula ng eksena sa jeep. ahaha...
Tapos, habang nasa byahe na, pinagmasdan ko ung mga pasahero.. Konti lang naman tao sa jeep, hindi sya puno. Lahat sila may kanya-kanyang drama sa buhay.Ganito eksena sa loob ng jeep...
Sa tapat ko, may babae na may kausap sa cp nya... "Hello" sya ng "hello"... Di ata marinig ung kausap nya sa kabilang linya. Eh kasi naman, kung may sentido komon lang sya noh, ANG INGAY NI JB SA JEEP EH, TAPOS MAY KAUSAP SYA SA PHONE NYA!. Hindi na lang sya lumipat ng ibang jeep, or sabihin nya sa driver na hinaan ng konti... NAKAKAGALIT!!!!
haaayyy... tapos, meron naman dalawang mag-jowang nursing student. Naknangputcha, ang aga-aga may PDA sa jeep habang nagrereview ng notes nila. Siguro may exams. Pero, ung kamay ni lalaki gumagapang at etong si malandi naman, malandi talaga. Pangisi-ngisi lang! ahahaha... Nang bumaba silang dalawa, palibhasa naka all white uniform, ang dumi naman pla ng palda ni ate. ahaha... at etong si manyak na lalaki, syempre pagbaba nya, aninag na aninag ang T-back nyang white! wahahahaha... Take note, T-BACK talaga! Wooooot woooooh! So, parang alam na natin kung saan sila pupunta mamaya after ng class nila. NAKAKATAWA!!!
tapos, may matanda din na tinitignan ang cp ng katabi nya. Ung katabi nya kasi, text ng text. Hindi naman kamahalan ng cp nya, pero gusto nyang ipagmayabang ang wasak-wasak na housing ng cp nya. Eto namang katabi nya, kulang na lang basahin nya ng malakas ung mga text nung katabi nya... ECHUSERONG MATANDA!!!!
May mag-ina din sa loob ng jeep. Bata pa ung bata. (malamang, adik lang eh noh). Tingin ng tingin sa mga lumalagpas na jeep. Parang nagbibilang lang. Ang nanay naman nya, wala lang care. Chillax lang sya.
Ung iba naman at mostly sa kanila ay tulog... ayun. Sabagay kanya-kanyang trip lang yan...
Naisip ko tuloy ung commercial ng Piattos. Ung tipong, habang nag-iisip ako ng kung ano-ano sa kanila, hindi ko alam na pinag-iisipan din nila ako ng kung ano-ano. Baka mas masama pa yung iniisip nila sakin. hehehe.. Oras na malaman ko lang kung anu pinagsasabi nila sakin, PATAY SILA SAKIN!!!! wahahahaha...
P.S.
Today is the start ng bagong minimum fare sa mga jeep. P8.00 na. Nakalimutan ko naman kaya binigay ko lang ay syete... Di naman nagreklamo si manong driver... Di ko din naman alam kung 8 pesos ang binayad ng iba. Siguro kaya di na din umangal si manong driver kasi akala nya estudyante talaga ako! ahaha...

9 comments:

emmanuelmateo said...

kahit magtaas pa ang bayad sa jip.d ako apektado kasi naglalakad ako hehe..naipatupad na dba..i thnk ngayon araw ang start.

ISTAMBAY said...

sari sari talaga ang eksena sa jeep, saring saring drama sa buhay.. noong college ko, tarabaho ko na matulog sa byahe ahehehe..

8 pesos na, piso ang itinaasa sa minimum. malaking bagay para sa mga namamasada.. epekto na din ng walang tigil na pagtaas ng gasolina..

tsk tsk..

gandang araw parekoy

Lhuloy said...

oh may momay! parang nbitin ako s story..parang lang....jejeje...kala ko entry u toh' para k Kamila...jeje

iamAPv said...

nakakaasar minsan yung mga jip na ganyan. yung malakas magpatugtog tapos pag-magpaPARA hindi nila marinig kaya ang ending... malayo na yung pinagbabaan sayu. Tsk.

ou nga 8.00 pesos na ang minimum fare... kanina ko lang rin nalaman.

CheeNee KOKAk said...

natawa ako sa matandang nagbabasa ng text ng iba.. minsan na experience ko yun..epal katabi ko, binabasa mga tinetext ko..hahaha..anyway.. ok lang na 8pesos na min fare.. minsan nga pagnagbabayad ako ng 10 di na ko sinusuklian eh..:))

Leonrap said...

emman - sige, lakarin mo din from ilocos to manila pag napasyal ka dito ah... ^^

tambay - tama ka jan... lahat na tumataas, ang sweldo ko hindi tumataas!!! ahahah

Matutay - bkit, ano pa ba ang kulang at nabitin ka??? hinihintay mo ba ung mangyayari dun sa magjowang nursing stud??? ahahah

Leonrap said...

iamAPv - ayos name mo ah.. parang jobee yumberger lang... I am Yum! ahahaha

aniweiz, nakakaasar nga din un.. kung nangyari sakin ung ganun, mamumura ko si driver...

Ate kokak - mayaman ka na daw kasi kaya ok lang walang sukli... anong txt binabasa ni manong, mga text ni palaka? LOL

benjienious said...

heheh, galing naman

Leonrap said...

benjie - hehe salamats...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...