Monday, February 14, 2011

Group date

Alam kong valentines ngayon. Wala naman akong mase-share about dito eh. HIndi naman porke single ay hindi na kelangan magcelebrate ng valentines. Mas madami pa ngang pwedeng maka-date kung single eh. Mas masarap mag group date kesa sa dalawa lang kayo ng partner mo... magtitigan lang kayong dalawa. ahahaha... eh kung madami, mas maraming mapag-uusapan at mas mahabang tawanan....

ang mga mukhang estudyante kahit hindi. 
Last Saturday, Feb 12, 2011, Nagkaron uli kami ng mga college friends ko ng sort of reunion and group date. Yearly namin ito ginagawa mula nung nasa college days pa din kami. Every V-day, dapat may group date kami at exchange ng chocolates. At nakakatuwa kasi hanggang sa ngayon sinusunod pa din namin ang ganitong tradisyon kahit busy na sa kanya-kanyang work. 

Trinoma lang ang venue. Malapit eh. Nood muna kami ng sine. Dahil wala naman magandang palabas, pinatulan na namin ang "BULONG" ni Vhong Navarro at Angelica Pangillinan. Masaya naman at sulit na din kasi enjoy naman kami. Comedy eh. Lahat ng tao maingay sa loob ng sinehan. 

Sa loob ng sinehan, syempre magkakatabi ang mga mag-partner. At hulaan nyo kung sino katabi ko?... syempre si walang kamatayang EX na naman. ahahaha... Wag magtaas ng kilay dahil close na close pa din kami until now. (hulaan nyo kung sino sya dun sa picture) Madami naman kami kaya sobrang saya na din nung gabing iyon...



Tapos ng sine, dinner at Giligan's restaurant sa Trinoma pa din. Dahil marami kami, mas lumiit ang ambag namin sa bill. ahahaha. Yun yun eh. Tipid tipid dahil marami pa akong pagkakagastusan. 

ako ung cute dun sa gitna. ahahaha


Tinamad na din kami magpunta ng Moa para manood ng pyrolympics. Kasama sa plano namin to eh. Pero dahil natapos na ang sine ng mga 5:45 pm,.. alam namin na traffic pa... at ayaw namin mag MRT kasi siksikan, hindi na din kami aabot sa fireworks dahil 7pm daw start. Next time na lang daw... Kaya eto, para naman mafeel ko ang moment ng nanonood ng fireworks, galing na lang sa youtube. hehehe....









♥ ♥ ♥  HAPPY VALENTINES!!!! ♥ ♥ ♥



15 comments:

chinchan said...

cute naman . inom inom inom!!! =)


http://www.juanderfulpinoy.com/
chinchan

ISTAMBAY said...

wow, nice parekoy.. ang hilig mo sa ganyan hehehehe.. happy valentine's day parekoy...

Angel said...

ayun oh! kasama si ex-slash-friend.. gumuhit ba ang ngiti sa iyong labi..??

KikomaxXx said...

wahehehe... happy valentines nalang..w ahehe

emmanuelmateo said...

wahhh.buti pa u.crush ko ung nka green hehe happy hearts day

Lhuloy said...

haru josko! kagaling naman!
nainggit ako dun ah...sana madownlod ko
n din ung mga pics namen..jeje

uy....wari pa kilig much aman dhil
ksama si ex-gf......weeeeehhhh...pak!

iamAPv said...

dapat niyaya mo na si EX mag-date ngayon. para mas masaya ang valentines. :)

CheeNee KOKAk said...

pahula ka pa kung sino si x eh..sana sinabi mo na kung sino xa..hahaha

happy hearts day!:))

Leonrap said...

Chinchan - inom ka jan... hindi kami mahilig sa inuman. hehe... mga healthy living pips kami. LOL

Tambay - hilig saan? sa kainan? or sa galaan? hehe... pareho ata... ganun talaga. social life yan . ahaha

angel - chismax ka.... secret!

Leonrap said...

kikomax - same to you!

emman - naka green? ung lalaki? ahaha.. adik ka talaga...

matutay - pak na pak ka jan... naku, pag nagkita tayo, makakatikim ka din ng pak sakin!... sa mukha! ahahaha

Allan - madaming beses na kaming nagsosolong lumabas. sya lang kasi madaling ayain sa grupo eh, isang txt lang, game na agad gumala. hehe... may work na sya ng monday eh... saka isa ka pa noh.. chismax ka!

kokak - nakita mo ba? ang liit lang nung pic ah... bahala na kayo. ahaha.. baste panget sya! wahahahaha

uno said...

crush ko din si green guy... hahahha

happy hearts day po

Leonrap said...

ano ba yan...i-crush nyo na sige lang. hehe... di naman nila alam na kinakalat ko na pics nila eh. ahahaha... salamat uno sa pagdaan...

Anonymous said...

hulaan ko kung sino si EX...
siya ung babaeng medyo naka liyad, may stipes na green and yellow ung nasa front ung may white bag, Tama ba ako?

at ung guy na ka green? A ang start ng name niya

Leonrap said...

waaaahhhhh!!!! ANONYNOUS SINO KA????!!!!

putcha ka ah!!!... hahahaha... kelangan ko na ata magpalit ng URL....

Anonymous said...

da who si anonymous???

there's no need to change ur URL, i wont spill anything... IF THE PRICE IS RIGHT! joke LOL

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...