About happy-happy na naman ito.... Guilty pleasures??... hmmm... HINDI. normal lang to sakin eh... heheh... Dahil sa 1 week akong walang work (ang saya-saya shet!!! walang mga bobong kausap!!), naka VL ako ng tuloy-tuloy at kasama na restday ko kaya naman, kelangan kong sulitin ang bakasyon engrande ko!
Kahapon, FEBRUARY 26, 2011.
Ginanap ang matagal ng hinihintay ng mga pinoy ELF. (Sa mga hindi po mejo maka-relate eh ito ay may kinalaman sa kaadikan ko sa kpop. hehe... kung gusto nyo, wag nyo na basahin at sa next date na lang kayo mag-proceed.... :)
Un na nga, sa Araneta Colisuem ang venue. Kahapon pa start ng VL ko. At talagang nagfile ako ng VL sa araw na iyon. Dahil excited uli makita ang super junior for the 2nd time (oo, kasi andun din ako nung unang concert nila dito sa pinas... kahapon ang 2nd time nila) masasabi ko na naman na wala akong pinanghihinayangan sa presyo ng tiket ko. super sulit! basta, super happy ako... speechless.
Feb 26 pa din, after ng concert....
Since 3 hours, non stop ang concert (non-stop nga, as in tuloy tuloy na kantahan at performances) natapos ang show ng 10pm. Dahil alam nyo naman ang ugali kong ayaw umuwi kung ayaw ko pa talagang umuwi, nagdecide kami na gumala pa uli.... hulaan nyo kung saan....? Trinoma? ahaha... HINDI. kasi wala ng mall ng 11pm. Nagpunta kami ng Eastwood City Libis. Daming party pipol. Ang saya. Ang daming soxal. (kami feeling lang.. lols) Sayang nga lang at wala na kaming time magphotoshoot dun kasi lowbat na mga camera namin dahil sa concert at umaga na nun, 1am... kaya after kumain, balik uli sa cubao para direcho byahe na pauwi...
Nagdinner or breakfast or midnight snack sa Pizza Hut Libis.... Kami ang last na natira sa loob. Sarado na ang store pero kumakain pa din kami. Pinasok na nila ang mga motor nilang pang delivery pero kami nagbabayad pa lang ng bill. ahahaha....
food blog na din ito...
|
baked alfredo pasta |
|
eto lang nakuhaan kong bldg sa libis |
|
mga kasama ko sa concert |
|
kasama din namin |
|
fav drinks ko - tropical fizz |
|
lasagna classico |
|
large pizza - ang laki nya! nakakalula. di namin kinaya. |
Feb 27, 2011...
Dumating si pinsan sa bahay. Dahil wala na din magawa sa bahay, dun kami nagdecide na magpunta sa....... TRINOMA!!!! yehey!!! tama, trinoma uli at walang kamatayang Trinoma! ahahaha... At dahil ako ang may work at ako na ang galante, nilibre namin ang mga gutom namin bulate sa tyan sa Red Mango. Frozen Yogurt ang drama namin.... Yummy. Annngggggg saraaappppppp!!!! mapapadila ka sa sarap! wahahaha....
|
si pinsan na nagmumuni-muni |
|
strawberries and peaches toppings (for me) |
|
blueberries and red beans toppings (kay pinsan) |
|
no need for caption. obvious naman eh |
|
tissue ang main subject dito... hehe |
|
si pinsan |
|
WTF!!! |
|
WTF uli putcha!!! ahahaha |
At dahil ito ay combination na din ng food blog at ng kagaguhan.... feeling ko may alam talaga ako sa photography kaya eto.... gamit lang ang cheap kong cp na 3MP lang, at ayokong i-zoom kasi panget ang kalalabasan....
|
crossroads |
|
dungawan |
|
white na white ung mga taxi. cute! |
|
kainis, ayaw ma-rotate to the left... to the left |
And to end this post, share ko lang ang experience ko sa loob ng FX taxi pauwi. From Trinoma, sumakay sa terminal ng fx sa SM North... papuntang Novaliches pauwi sa amin. Pero bumaba ako sa SM Novaliches kasi bibili ako ng pasalubong sa bahay na pizza uli....
|
hawaiian pizza lang, pinaka mura eh! wla nako pera ahaha |
Ako: manong, sa sm nova lang po ah...
Driver: galing ka na ng north, tapos sm nova ka uli? wala kang kasawa-sawa ah... ahahaha
tumawa na lang ako, pero deep inside, gusto ko syang sagutin ng "WALA KANG PAKI MANONG!!! GUSTO KONG MAGTAKE OUT NG PIZZA PARA MAINIT PA PAGKAUWI KO NG BAHAY KESA ISAKAY KO PA SA FX MO AT KASALANAN KO PA KUNG MAAMOY NG MGA PASAHERO AT MAIINGIT PA SILA!!!" ahahaha
epakels kasi si manong eh... ahaha buti na lang mabait ako at nakitawa-tawa nlng sa kanya...
Dito nagtatapos..... *burp*
18 comments:
Ang sharrraaappp naman nung ice cream sa red mango... waaaaaaahh! Ikaw na talaga ang galing sa concert at puro kaen sa labas...
hahaha di ba sumakit mga tiyan niyo nyan?w ahehehe
kamila - ahaha... panget kasi kumain sa loob eh...
kiko - hindi... ako pa. magkaibang araw naman eh.. hehe.. gusto ko pa nga mag starbucks eh.. kaso baka sa susunod na araw nlng. ^^
kaw na nagfood trip! sarap naman nung pizza kaso sobrang laki hehehehe
bino - ang laki nga... may natira pa ngang 2 sliecs eh.. suko na kami. hehe..
avah,,sunod sunod na food trip ah.hehe ako d man lng makalakwatsa.andto lng ako sa bahay
nakaka gutom naman mga yan.. nom nom nom.. hehe!
ayos kang ksama rap..haha..food trip palagi...namimiss ko na din ang TRINOMA..haha..yan din tambayan ko..hehe..pero never pa ako nakapanood ng live concert..LOL..
huawww..ang bungga! ang lakeng pizza!
at ang sarap ng life mu nuh...!!!
koreksyon lang ahh pang3rd n ng SUJU magconcert sa Phil...lo long....jejeje
food at photo blog! astig! hahaha
at si manong driver intrigero ha! :)
san ka sa nova? dun ako nagwowork before. hehehe
gusto ko ng frozen yogurt!! pati nung ice ream!!! yummyyyyy!
pizza! adik ako jan wow!
emman - heheh.. maglinis k nlng daw ng bahay nyo.. ahaha joke
mommy - ako din nagugutom lagi pag nakikita ko to...
Akoni - tara, punta ka dito in 5 min... treat kita! ahaha
lhuloy - 2nd plng nila d2 sa pinas.... ung concert nila pang 3rd na, pero 2ng palng sila nakapunta d2 sa pinas.... at babalik uli sila soon.... ahaha
nimmy - oo nga, intrigero si manong... ahaha.,.. sa Forest hills lang kami
iya - tara.. libre mo ko!!
uno - talaga?... magaaway pla tayo pag may pizza sa harap natin.. ahaha
pakilamero ung driver hahahaha
mrami akong nakikitang artista sa eastwood....sosyal nga jan
pumpnta lng nmn ako kng may bazaar
ung pizza....ang laaaakiiiiii♥
gumala na.. nanggutom pa hahaha... ngayon kayang oras na ito. VL ka pa hehehe.. trabaho muna.. :)
clai baka ako ung nakita mo hahaha
tambay yup friday pa pasok ko uli.wlng mgawa sa bahay kya tama hinala mo.
nagutom naman ako sa lasagna at sa pizza.. hmm..
kainin ko na nga lang yung baon kong
maruya! haha!
Sarap naman,.
good day folk.
http://arandomshit.blogspot.com/
Post a Comment