Exacly 1:50 am, andito na ako sa work. Ang aga ko, kasi nakakaawa ung service ko kung 2:30am pa ako aalis na bahay. Tao din naman sya at kelangan din nyang matulog. Mas ok na yung ako na ang maghintay ng matagal dito sa office kesa sya pa ang paghintayin ko sa oras na dapat ako ang mag-adjust... At dapat TGIF na di ba? thank God nga daw kasi Friday na... Araw na naman ng gimikan kasi last day ng mga nagwowork at last day na din ng mga ibang estudyante... Pero ako, madaling sabihin na TGIF na nga pero masakit isipin kasi may work pa bukas. Bukas ang totoong last day ko. haaayyyy... Nakakatamad tuloy.
Anyway, ano ba pinagkakaabalahan nyo pag last day nyo sa school or sa work?
Ako, simple lang - gala lang to the max! (bago pa ba un?) ayoko kasing umuwi agad pag last day ko. Makikita ko na naman ung mga tao sa bahay na nakakasawa na ang mga pagmumukha nila. hehe. Gusto kong ienjoy ang last day ko. Kaya usually, may mga planadong lakad na ako before the end of the week. Hindi ko naman ugali ang mag out-of-town. Ang gastos kasi nun saka wala naman kaming wheels para pumunta sa malayo. Hanggang malls lang ako o kaya naman sa mga turo-turo lang. hehehe...
Minsan, may mga kasama akong barkada, officemates, or kahit sinong kilala kong libre sa araw na iyon. Kung hindi man sila libre at sabihin ko sa kanilang ako na bahala at ililibre ko sila, hindi magdadalawang-isip mga yun at biglang magbabago ang isip nila na sumama sa akin. heheh. Syempre ako naman ung tipong napasubo sa gulong pinasok ko. Patay ako, ubos na naman pera pag nagkataon! :)
May mga pagkakataon din na ako lang mag-isa ang gumagala. Siguro kasi wala din akong panlibre sa iba kaya ayokong mag-invite ng magiging PA ko. ahahaha... Minsan din naman, kung sino-sino lang ang makakasama ko sa sandaling oras lang ng pagtambay ko sa mall. Pag naglalaro kasi ako ng dance arcade (PIU) sa mall, syempre magiging friendly ako at kakausapin ko ang ibang naglalaro din dun. Hanggang sa magiging "feeling close" na kami at ayun, instant kasama sa galaan hanggang sa umuwi.
Hindi ko alam kung tuloy ang lakad namin ng ibang bloggers bukas. Mostly kasi sa mga ininvite ko, hindi pwede bukas dahil sa kanya-kanyang kadahilanan and I understand din naman kung bakit.. Yung iba naman, hanggang sa ngayon ay hindi nagpaparamdam. hehehe... Sana may panlibre ako sa kanila para masaya lahat, pero kulang eh. hehehe.... kung papayag sila sa kwek-kwek why not. Kaso sa malayong lugar pa silang manggagaling so pamasahe pa lang lugi na. Ayoko naman tumanga lang sa bahay bukas. Aalis at aalis ako bukas kung ano pa man ang mangyari. Bahala na kung saan ako mapadpad. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga nangangati kong paa. Bahala na kung sino ang maswerteng taong makakasama ko at kung sino ang gustong sumama sa akin. Bahala na kung matuloy bukas o hindi, basta gagala ako!!!! ahahahaha.
Kaw gusto mo bang sumama? sakay na!!!! (superferry?) treat kita ng kwek-kwek na special. ahahaha. blue ang kulay hindi orange! ^^
(PS. dahil sa sobrang antok ko ngayon, at bobo ung kausap ko sa phone, hindi nya alam kung ano ang itsura ng Internet Explorer. I described it. Dapat sasabihin ko "letter E and color blue..." pero dahil nga inaantok ako, ang nasabi ko ay "LETTER BLUE"... hahaha.. natawa lang ako sa sarili ako at nagising ako kahit papaano.... :)
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.
14 comments:
ako iniisip ko pag weekend tulad ngayon friday.. iniisip ko makakatulog ako ng mahaba mamayang gabi, hindi ko na kelangan gumising ng 5 am yesssss... nga lamang, may pasok pa din ako bukas.. hayysss....
ingats parekoy.. at sana matuloy ang EB...
naku ang aga. buti friday ngayon hehe babawi ka nlng dis weekend po.
may new post ako.check it out.thanks.
good morning.
pwes treat mo ko ng kwek kwek now na hehehee
oo nga sayang at hindi matutuloy bukas kayow... nyahahaha..sana maka-uwi na me..para sama din ako sa mga susunod pang gala.. weeeeeh happiness...! :)
ako ginagawa ko? araw araw yata TGIF sa buhay ko eh..walang kathrill thrill
ako solve na ako sa kwek kwek at mahabang lakaran hahhaa
Manood ka na lang Pyrolympics sa MOA bukas matutuwa kpa.. hehe
ng PM pa kasi uwi ko e,,, ;p
text na lang kita pag napadaan ako dun..
wow! ang galante!
tambay - di ko iniisip na matulog. hehehe... gudlak din sayo bukas...
emman - nakita ko na.. thansk/.
bino - kwek kwen na bugok gusto moh? LOL
kamil - araw2 TGIF??? masaya yan!!!! tara, palit tayo! ahaha
uno - tara, bilis.... pareho kayo ni bino, bugok bibigay ko senyo. ahaha
K.Maldita - bahala na... pero kung di matuloy bukas, baka hindi na ako sa moa magpunta... sa kung saan-saan nlng... magpapalaboy ako. :)
lhuloy - ikaw lang naman ang ayaw eh.. ahaha...
hahaha!! panalo ang "LETTER BLUE" halakhak ko :))
Libreng arw ko??? nsa mall ako hehe!! sukat sukat lng ng damit/sandals at kung ano ano pa khit wlang pangbili haha! sarap magwindow shopping eh kulang ang isang arw..
ako ba yung di nagpaparamdam??sorry naman.. bukod sa pagod ako this week.. pati pagloload kinatamaran ko..pero buti nalang may mabuting puso na niloadan ako kanina.. tnx..ayun naitex na kita.. at sinabi ko na di ako pede,,kasi may o.t kami..haaaaaaaaaaaaaaaaayyyy:((
ano ba pinagkakaabalahan nyo pag last day nyo sa school or sa work?
>>> ako tulog lang. monday to saturday ang pasok ko kaya hindi ako nagsasabe ng TGIF.
Nene - oo, muntanga lng un LETTER BLUE NOH? sakit sa batok!
kokak - di lng nmn kaw ung di nagpaparamdam eh... nagpapamiss kasi kayo eh. hehe. next time ah... mag OT ka lng jan at enjoy ur date sa sunday.
allan - tulog lang? corni nmn. ahahaha... joke. baka gusto mo din ng kwek kwek na bugok?
sama ako!
pwede na sa akin ung kwek kwek sa teresa!
sayang naman..
may suggestion kami ni Chino: meet up sa SM Nova, itour mo kami.. :)
Post a Comment