Friday, February 4, 2011

In memory of my friend

"Minsan, takot na ako maging close sa tao. Yung tipong kikilalanin ko sya ng sobra sobra. Hindi ko hawak ang feelings nila. Masakit para sa akin na magagawa din nilang umalis, at sa huli ako pa din ang maiiwan…”

- rap - 




March 10, 2009
8:20 pm
Ilang minuto lang ang lumipas bago ko gawin itong entry na ito, (siguro mga 7:30pm sa oras ng cp ko) ay umiyak ako. I am getting too emotional na naman sabi nga ng isang friend ko. Pano kasi ako hindi magiging madrama kung ang kinakatakutan mong mangyari ay nangyari uli??…  It happened so many many times - once… twice… as in many times!. Is this not enough??? Hanggang kelan pa ba mangyayari yun sakin??!!

Nagsimula sa isang text clan. Nag-evolved ang friendship... naging close kami. Walang araw na hindi kami magkatext. Masaya ako kapag kausap ko sya sa text. Pakiramdam ko ay masaya din sya. Hindi kami napapagod magtext sa isat'isa hanggang sa abutan kami ng madaling araw. Masaya talaga. Ang gaan-gaan ng loob namin sa isat-isa. 

Pero....

Iniwan nya ako. Pero meron syang ibang reason kung bakit. Unlike nung mga naunang nangyari sakin na bigla na lang silang umalis at iniwan ako totally, ang reason nya kakaiba. It was my first time that I’ve encountered that kind of scenario in my life. Sabi nya mahal nya daw ako. Pero sabi ko naman, friend lang ang turing ko sa kanya. Di ko gustong saktan sya. Im just being true lang and I know naman na true din sya sakin. Pero may mga bagay talagang mahirap ipagpilitan. Mahirap daw sa kanya na tanggapin ang desisyon kong maging friend ko lang sya. Para na din daw nya niloko sarili nya. At ang the best way daw ay umalis na lang sya. Pinigilan ko pero tumanggi. Nasunod din ang gusto nya. Parang wala akong nagawa sa mga oras na yun. Tulala…hanggang sa….

“haixt. I think dis is d ryt thing 2do. Im just hurting myself, and im just a problem 2 u.i want to stay away from u para din a tau magkagn2.. auqo na ng drama.. I’ll just hurting myself pretending dat im just treating u as a friend onli. Bcoz ur special to me na, and im starting to fol in luv wid u.. huhu. :’c “

The moment I’ve read this message, na blanko ako. Naalala ko ung mga nang-iwan sakin before. Naisip ko, nangyari na naman ang kinatatakutan ko… nagpaliwanag ako, pinigilan ko uli sya pero….

“xori. Di q nmn gus2ng iwanan ka. Pro e2 po ang mkakabuti xten. Ga2win qo lng to pra po maaus ang lhat. Auko npo msktan. :’c Auq dn mgpanggap sa filings q sau. Tnx po sa tym. Ingat k lage. Wag mu pbyaan srili mu. Ingat po. Paalam na mhal ko.. :’c ”

Umiyak ako di dahil sa nasaktan ko sya. Umiyak ako dahil nawalan ako ng tinuturing na isa sa mabuti kong kaibigan. And I promised to myself na HINDING-HINDI KO SYA MAKAKALIMUTAN...


---------------------------------------

para makisali naman ako sa pakulo ni Kamila, eto at nakisali naman ako. ahahaha... Alam kong walang effort to kasi matagal ko na itong napost sa lumang blog ko. Dahil sa wala din akong time at wala din naman akong maibabahaging matino sa usapang luvlife, naisipan kong irepost nlng uli ito.... 


17 comments:

Bino said...

ang lungkot. :(

Bino said...

ang lungkot naman :(

Rap said...

kuya bino - ganun talaga ang buhay... may umaalis, may dumadating... haaaayyyyyy

Billy said...

mahirap mawalan ng kaibigan lalo na pag alam mong nasaktan sila kaya sila lalayo, pero ganun talga. May nawawala at amy dumarating. Sana yung darating makapag-pigil at huwag ma-inlove....hahaha!

Anonymous said...

weee... condolence kahit matagal na...

Kamila said...

anoh ba yan! bakit mo pinakawalan! Grabe ka dahil jan disqualified ka na! Joke! Salamat sa entry Rap!!!! :) Salamat ng madaming madami!!

Rap said...

billy - loko to.. ahaha.. natawa ako sa sinabi mong sana makapagpigil naman ung susunod.. ahaha. grabe naman!!! ahaha

kikomax - ay kiko, di sya namatay or walang namatay... hehehe... nagtataka ako bakit condolence?

chino said...

=(

TAMBAY said...

so sad parekoy... pero di bale past na naman pala yan// hehehe.. gudluck sa entry marekoy.. hirap si kamil ngayon nyan ahahaha... :)

Rap said...

kamila - ahahaha.. disqualified ka jan... wala naman criteria na bawal pakawalan ah.. ahahaha... adik!

chino - yup, i know, malungkot... ganunu talaga eh... TY sa follow back

tanbay - oo nga, matagal na na, pero like nung promise ko na di ko sya kakalimutan... eto nga at hindi ko sya nakalimutan. kasi kung nakalimutan ko na sya, nakalimutan ko na sana tong eksena na ito...

magkano kaya suhol kay kamila para manalo ako? ahaha joke...

jhengpot said...

kinabahan naman ako, kala ko namaalam na, as in fly to heaven na... knock on the wood... masakit talaga yan, pag pinagpatuloy niyo friendship niyo, it's like "ur so close yet ur so far away"

Armored Lady said...

♫ I'll never be the one you needed...I love you....Goodbye...♫

buti nga sya nagpaalam....
anyways...(with "s" talga)
hayaan mo marami pang darating
at baka marami ding umalis...
hehehehehe

Unknown said...

minsan masarap din maging malungkot... dahil alam mong may nagmahal sayo noon... :)

goyo said...

Yan din ang ayoko, ang mawalan ng mga tinuturing mo na mga kaibigan..

-- maraming salamat po sa pagsunod. nasa blogroll na kita.. :)

Anonymous said...

ay lumang post na pala. :))
makikihands up din sana ako at sasabihing nakakarelate ko lol.

Rap said...

jhengpot - wow, "so close yet too far..."
gumaganon pa ang jhengpot. ahaha...

clai - alam mo, parang theme song ni ex yan sakin... tuwing nagkkTV kami dati, pag kinakanta nya yan, inaasar nila ako. ahaha... aniways... (with "s" din), ganun nga talaga ang buhay,,, hehe

Rap said...

biboy - tama ka jan... minsan masarap din talaga ung tipong nasasaktan para may thrill! ahahah.. joke... para dun tayo makakakuha ng lakas ng loob natin kung sakaling may prob uli... salamat ^^

goyo - sino ba naman ang may gusto nun dba??. salamat din sa palow back...

benipotpot - ahaha LOL ka. hands up?? ano to, holdup?? LOL

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...