Thursday, February 24, 2011

Kahit ano lang...

Kahapon, dahil sa naganap na 6.3 magnitude na lindol sa Christchurch New Zealand nung tuesday, mejo avail avail kami. Sa ganong pagkakataon lang kami naaavail kasi sira mga phones nila kaya mejo masaya kami pag-uwi at nagawa namin mag-celebrate ng 2 kong team mates sa starbucks para magpasarap ng buhay.... :) Ice cream ang hinahanap ko kahapon pero napunta sa frappe. After nun, nung makarating na ako sa bahay, kumain lang ng konti at natulog na din.
 
11:30pm. Oras ng gising ko. pikit-pikit pa mata ko kaya muntik na akong mahulog sa hagdan pagbaba. Maaga din akong gumising dahil mabagal akong mag-ayos at mabagal akong kumain kapag bagong gising. Nawawala na lng ang antok ko kapag may malamig ng tubig na lumalabas sa shower.
 
Kinaumagahan.....
 
Feb 24, 1:15am. Oras ng alis ko bahay. Nakakapagtaka kasi hindi ko narinig ung service kong owner type jeep lang ng kapitbahay namin. Nung lumabas na kami ni mama sa bahay para ihatid nya ako sa kanto bago sumakay sa service, wala nga ung sasakyan. Motor na lang daw. May motor din naman ung taong nagseservice sa akin. Edi no choice, umangkas na ako sa motor...
 
First time kong umangkas sa motor ng mejo malayo ang byahe. OO FIRST TIME KO!!! wahahaha... Wala naman din kasi kaming motorbike kaya di ko na pinangarap matuto. At hindi din ako marunong mag-bike. wahahahaha... sige tawa lang kayo! ahahaha...
 
Isang beses ko lang tinry mag bike. siguro last year lang. Todo alalay si kuya sa akin. Hanggang sa..... napunta ako sa gutter ng kalsada sa tapat ng kapitbahay namin... nakalumpasay sa gutter, at puro gasgas ang aking mga binti at hindi ako makatayo. ahahaha... Kawawang bata :( Pero, tumayo at nag try uli. Hanggang sa napaandar ko na ung bike paikot nang wala ng alalay ni kuya.... hanggang sa.... napunta na naman ako sa gutter at naulit uli ang naunang eksena.. ahahah... And I have decided to stop na.
 
At dahil may phobia na akong magbike (talagang phobia ang ginamit kong term noh?) kinakabahan din akong umangkas sa motor kanina. Pero nawala din ang kaba ko kasi ang lamig sa byahe. Wala pa naman akong jacket kasi iniiwan ko sa locker sa work, kaya ang lamig. Ramdam ko ang lamig hanggang sa mga laman-loob ko. hehe... Nagulo pa lalo ang magulo kong buhok kasi sa helmet.
 
When I arrived here sa office, dahil sa sobrang aga kong nakakarating dito, open agad ako ng remote server at maglologin sa blog ko. Magba-blog hop habang naghihintay ng oras at nakikinig ng mga kpop mp3's ko. At dahil dun, hindi ko narinig na nagsabi pala sila ng pre-shift OT kasi busy ako sa pagblog at wala talaga akong naririnig, dedma lang ako. Hindi ako nag OT kasi putangna, hindi pa nga ako nakakalogin may maririnig agad akong manda OT. at hindi porke maaga ako dumating eh dapat ng mag OT?! Bahala sila. Naglogin pa din ako sa original shift ko - 2:45am.
 
Tapos eto pa, ang aga-aga, first caller ay ubod ng tanga. Matanda pa. Naku lola, ang lakas ng loob gumamit ng computer at ng internet eh bobo ka naman! ahahaah. I told her na itype ang isang url sa address bar, pero dahil may cookies, history at stored temporary files sa browser ay automatic ng may lumalabas sa address bar nya. At hindi nya alam kung paano i-erase un. Ay nako lola, puta ka! wahahaha... Naturingan isa kayo sa mga bansang nasa 1st world country pero bakit ang tatanga at bobo kayo??? kami etong nasa 3rd world lang, kami pa ang mga inaasahan nyo! Mga gunggong! wahahahaha.... (ang sarap sarap magmura!!! yihiii!!) Buhay nga naman... super ironic. :) Gustong gusto ko silang pagtatampalin!!!! wahahahaha....
 
4:18am. Akala ko last day ko na, pero may 2 days pa ako. Inaantok na naman ako sa mga oras na ito. Ganitong oras ang nakakantok sa madaling araw. Nabubuhay uli ang katawang lupa kong inaantok kapag magbbreak na ako mga 6:30. Tapos, aantukin uli. Mabubuhay uli ako pag lunch ng mga 8am. Tapos antok uli... Tapos buhay na uli ako nun kasi ilang oras nlng uwian na. ganun lang ang daily life ko. Paulit-ulit... nakakabobo... Paulit-ulit... Sana approve ang VL ko sa saturday kasi excited ako magpunta ng Araneta Coliseum para sa concert ng Kpop idol kong Super Junior! wahahahaha... yeah! \m/
 
5:17am. Habang kausap si customer sa kabilang linya, nakatulog na pala ako. Nakatulog ako ng 2 mins. SHIT! pag nahuli sa recording yun, patay ako. dead air! Nagising lang ako ng marinig kong sinabi ni customer "Are you still there?"... Syempre nagpretend akong OO andito pa ako, ready to serve you mga bobo!!!! ahahaha... istorbo eh, natutulog nanggigising pa. haaayyyy
 
Eto ang ilang nakakabobong terms nilang ginagamit:
  • mozilla firefox = mozzarella firefox
  • Lynksis modem = link-ski modem
  • router = ruther
  • thompson modem = thomason modem
  • wireless router = wireless ruther
  • bobo = sila
  • tanga = sila
 
Akala namin pay day na ngayon kasi holiday bukas. Yun pala wala pa din. ano ba naman buhay yan oh. Nangangati na kamay ko eh. Wala na naman matitira sakin nito.... enough na tong post na ito. Mahaba na maxado. Nakapagmura na din naman ako sa team mate ko kaya ok na ako... heheh... Pantanggal ko ng stress yun. :0)
 
 
 
 
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

14 comments:

Akoni said...

hahaha..natawa ako sa mga terms...what pala work mo? ayos pantanggal stress mo ah..ehe..subukan ko din yan..

Bino said...

may mga tanga talagang customer lalo na at tech support ka. ako nga dati pinapatype ko ung http: tinype ung word na colon. hehehehe

emmanuelmateo said...

cool ang mga terminologies ah..hehe nice one!!

TAMBAY said...

nakakbwisit ang kausap na tanga no.. pakiramdam natin ang talitalino natin hehehe... ang mga caller ba malimit eh allien?

Anonymous said...

hahaha... tanga-tanga naman nila.. ibato sa kanila mga words.. dito na sila mag-aral ng English 101... hahaha

Rap said...

akoni - oo effective pangtanggal ng stress un! try mo!

bino - word na colon? ahaha... naknangputcha naman siguro nahagis ko na mouse ko sa monitor nun. ahaha

emman - ayos ba? muntanga lang sila noh... mozzarella pang nalalaman.

tambay - anong ibig mong sabihin sa alien?... hehehe.. diko magets eh.. o baka ako ang alien. lol.

batman - tanga talaga!

iya_khin said...

sa call center ka?!! naku may bad experiences ako dyan!huhuhuh

oo mga bobo nga sila, mapapamura ka talaga!

Adang said...

hahaha ginawang keso, mozzarella.

Rap said...

iya - yep yep....

dahil sa kanila, naging hobby ko na ang pagmumura.

Adang - tanga nga kasi sila eh. wahahaha

Nikki said...

haha. tama !
LOL man mga spelling nila. hahha.

Kamila said...

Hahahahah hangsama mo rap..kawawa naman si Lola... nyahahahahaha.... :)

at grabe di ka marunong mag-bike.? Pagtatawanan na kita now na.. WUUUUHAHAHAHAHAHA.. evil laugh... hahahahaha

gustong gusto ko umangkas sa mga motorbike..angkas lang... hehehe ayuko magdrive kase may history tatay ko sa motor eh... nayahahah.... :)

CheeNee said...

wag mong kalimutan ang pic. ni fishy ko. sa sat huh.??hehehe

Lhuloy said...

ay ka-salbahe mo...
"Do not do unto others what you do not want others to do unto you"

Rap said...

Cheen - hehehe... nakakaLOL nga.

Kamila - bago mo man ako pagtawanan jan, pinagtawanan ko na din sarili ko dati pa... wahahaahha...

Kokak - hinding hindi syempre. tatag kita, lalagyan ko ng caption - "palaka". ganun. ahaha

lhuloy - kinokonsensya mo ba ako?... tanungin mo din kaya sila kokak. ahaha... bait bait ko kaya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...