Wednesday, February 2, 2011

Kwentong Barbero

Kapag sinabing kwentong barbero, unang pumapasok sa isip natin ay gawa-gawang kwento lang.. walang katotohanan... joke joke lang... Pero itong Kwentong barbero ko ngayon ay HINDI barbero kundi totoo.


Nakaasar. Di ko alam kung matutuwa ako sa bago kong hairstyle ngayon (kung hairstyle man na masasabi ito). Pag-uwi ko sa work, nagdecide akong magpagupit para naman magmukha akong tao sa nalalapit na family dinner namin this saturday sa labas. (oo sa labas lang... ahaha.. di ko pa alam kung saan, basta special na araw yun) Ayun na nga, edi nagpunta ako sa Index salon malapit samin kasi kulang nadin ang budget ko para sa Bench Fix salon... No choice eh, kelangan pagkasyahin ang natitirang 50 pesos. May sukli pa ngang 10 kasi 40 lang gupit sa Index. ahahaha. (pulubi???)


Pagpasok ko, bumati sila, "gudafternoon sir!... Lista lang po ng name, tatawagin na lang kayo..."

Edi sinulat ko name ko, wala namang tao kaya tinawag din ako agad... Pinaupo na ako, nagkataong lahat ng bading na nanggugupit ay may mga gawa sa mga suki nilang nagpaparebond, napunta sakin ay si kuya 2nd time ng nanggupit sa akin...

Tinanong nya ako, "anong gupit sir?"

"Ah, trim lang po... paki nipisan nalng din ung tuktok kasi sobrang kapal eh... hehehe"

"Ok... Gusto mo pakapalin natin?"

Nag-init ulo ko, knowing na stressed ako galing sa work at katatapos lang makipagusap sa mga bobong caller. Nakapagpigil ako ng konti. Sabi ko sa sarili ko, ayos to ah.. comedy si kuya... Pero sa puntong iyon, gusto ko ng tumayo at di na ako tutuloy sa pagpapagupit... Pero.....

Tinuloy ko... "ahaha.. trim lang po, at nipisan ng konti." nakasimangot ako. Seryoso.

"Gaano kanipis sir?"... "ganun?"

Tinuro nya ung katabi kong estudyante. OO nga manipis ang buhok nung katabi ko. Natawa lang ako, kasi di naman ganun ang ibig kong sabihin at di ko trip hairstyle nung katabi ko...

"Bahala ka na, basta magmukha akong tao."

"ahahaha" tawa kaming dalawa.


Ung katabi kong estudyante, palibhasa may itsura (oo I admit, sya na gwapo at wala man lang ako sa kalingkingan nya. wahahahaha), naggugupit sa kanya ay bading. (Alam mo na.. lumalandi ung bading). Naririnig namin sila ni kuyang barbero ko na nag-uusap. Tinatanong nung bading kung saan sya nag-aaral, ilang taon... blah blah...


Siguro naiinggit si kuyang barbero ko kasi tahimik lang kaming dalawa. Badtrip na kasi ako eh, kaya  wala lang akong imik. Gumaya si kuyang barbero ko, kinausap nya ako..


"Nag-aaral ka pa ba?" Sabi ni barbero.

Toinks!!! 2 points na si kuyang barbero sa akin! Di ko alam kung nagbibiro lang sya o talagang ewan... Di ako kaagad sumagot... After 5 seconds, naisip kong may pinag-aralan pala ako, kaya ayokong mambastos ng tao. Sinagot ko sya ng matino.

"mukha ba akong nag-aaral? ahahaha" (nakangisi ako, plastik) "Hindi po, nagwowork na ako..."

"ah talaga?? muka ka kasing estudyante eh... ahaha"

"ahahaha" yun lang sinagot ko. Aminado ako at madami naman nagsasabi na mukha talaga akong 19! wahahaha

Nagtanong uli sya, "saan ka nagwowork?"

"Jan sa may Robinson Fairview, call center..."

"wow, magkano sweldo mo??"

Hindi muna ako sumagot. Confidential yun eh... So hindi talaga ko sumagot, pero makulit sya...

"nasa 40K?"

"ALA!!! ang OA ah... HINDI NOH!", napasagot na ako na natatawa. Sabi ko sa sarili ko, si kuya seryoso talaga. ahaha

"eh ano, nasa 30K?"

"hindi...wala pa ngang 20K eh..." di na ako nakatiis.

"mga 18K?"

"..........." no comment ako. ahahaha. nang biglang...

"kuya wag mo naman pudpurin ung buhok ko!!! wag mo naman akong gawing mukang estudyante"

Mejo naasar na ako. Kinuha ba naman nya kasi ang razor at binawasan na hair ko. PUTCHA, nung nasa Bench Fix ako, ni minsan hindi ako ginamitan ng razor, gunting lang kasi layered ang buhok ko.. tapos ngayon, ni-razor nya! Pantay na pantay na tuloy ang buhok ko sa may batok... parang lumabas na nagpa 2x3 haircut ako naknangputcha!!! Para akong may CAT at ROTC. 

"Kuya, tama na yan, sobrang nipis na oh..."

"ok sige, ung thinner scissor na lang gagamitin ko..." 


Ayun hanggang sa matapos kami, wala na akong magagawa. MUKHA TALAGA AKONG ESTUDYANTE. kulang na lang mag uniform ako!!


Pag-uwi ko, nakita ni mama buhok ko. Tinanong nya anong nangyari, sabi ko GINAGO NG BARBERO! Para daw magmukha akong estudyante...

"edi magkakadiscount ka nya sa jeep? ahaha", sabi ni mama...

"yeah right..." sabi ko.


Hay, buhay nga naman. Napaisp ako dun, tama nga naman, magkakadiscount ako. ahahaha... Kasi nung umaga pagpasok ko sa work, binigay ko lang 7pesos pero 8pesos na pala dapat. Hindi naman umangal si manong... Nung umuwi ako papuntang Index Salon, 20pesos binigay ko, sinuklian ako ng 14pesos, so 6pesos lang ang kinuha sa akin. Naka-smart casual attire ako nun ah, so obvious na hindi student uniform pero bakit ganun kinuha sakin ni manong driver??? Hindi ko naman binalik ung sobrang sukli... ahahaha

At dahil tapos na ang lahat, nangyari na ang nangyari. Mukha na talaga akong estudyante! Siguro I should be thankful na lang kasi instead na tingin sa akin ng tao ay matanda na, It's the other way around. Yung ngang ibang tao in denial pa sa age nila eh... So ayun.. Hayyyy.... wala na akong masabi... Ako na ang mukang 19 years old!!! wahahahaha


17 comments:

Adang said...

pasalamat ka sa barbero,hehehe, barbers cut ba? hehehe

Rap said...

hindi... nagmukha lang barbers cut... layered talaga to dati... ahahah..

Anonymous said...

hahaha... pasalamat ka sa barbero bukas.. wahehhe

CheeNee said...

hahaha..buhay pa ba yung barbero nung iniwan mo???hahahaha..:)

JoboFlores said...

nagpashaggy ka sana heheheh

Bino said...

dapat binaon mo ung gunti sa lalamunan nung barbero hehehee

Xprosaic said...

O ha?! Nakakadiscount ka pa pala ngayon... Pasalamat ka kay barbero.... lol... o siya sige kunin mo na ang class cards mo at ibigay na sa mga prof... lol

mikhaelangel said...

hahahh.. ang galing.ang barbero nga nman oo.. nkalimutan na nya may utak siya.. hehe... thanks for sharing.. you've got some mad skill here.. Anyway, I stumbled upon an interesting article you may want to check - Happiness

emmanuelmateo said...

minsan po kasi kapag nagagalit tayo, d natin ma control ang sarili natin.at sana binalik mo yung sobrang sukli mo..hala ka!!

TAMBAY said...

aheheh.. magkaiba tayo, ako naman ang dumadaldal sa barbero pag ako ang nagpapagupit ahehehe...

pero ayos parekoy ha.. may discount ka na, mukhang estudyante at hind mukhang senior citizen ahehehe.. :)

Kamila said...

totoo lang yung boypren ko.. mas gusto niya sa barbershop talaga.. hahaha kase nakukuha talaga minsan ng barbero ang buhok na gusto niya..

buti nakisingit ka na kay kuya na tama na sa razor.. meron kase nagpapagupit hindi umaangal kahit malapit na sila makalbo.. hahaha lol..

Rap said...

kikomaxx - wala, di na umepekto.. saktong 8 na kinukuha sakin pag 20 binibigay ko sa jeep...

Kokak - OO BUHAY PA NAMAN!... yaan mo sya, sana magsara na ung index branch na yun! ahaha

Jobo - oo nga noh, minsan nga din pala nauso ang shaggy hairstyle.. ngayon ko lang uli naalala na nagexist un.

Rap said...

bino - ginawa mo pa akong mamamatay tao.. wala sa itsura ko ang pumatay ng tao. hehe. boy next door kaya to! wahahaha

xprosaic - un nga sinabi ko mga officemates ko eh, sabi ko may midterms ako, requirement magpagupit. LOL... nakakamiss makatanggap ng classcards na 3.0 ang major! ahahaha


mikhaelangel - sana nga utak ang meron sya eh.. hehe... thansk for dropping by... i saw the link. TY

Rap said...

emman - ay, sori naman, nakalimutan kong ibalik eh... wahahaha. peace.

tambay - never akong dumaldal sa mga ganyan. shy type ako eh. hehehe... at apir tayto jan, atleast di mukang senior citizen! lab it!

kamila - sinabi mo pa, sanay ako sa reklamo sahil un ang trabaho namin - ang tumanggap ng reklamo ng mga bobo. ahaha.. at sanay din ako magpahanap ng supervisor, pasalamat sya di ako gumawa ng eksena sa loob... baka isipin nila may shooting kasi may artista! LOL

Anonymous said...

ahahah nakatuwa aman... lol

Billy said...

buti hindi nag-offer si kuya barbero ng hot oil or hari spa. hahaha!

Rap said...

carmie - hehe.. salamat sa pagdalaw... ^^

Billy - ahahaha... asa pa sya! ooferan ko sya ng funeral service. LOL

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...