Saturday, April 30, 2011

Tambalan

Namiss ko ang makinig sa radio station nila Chris Tsuper at Nicole Hyala na Tambalan ng isang balahura at ng isang balasubas nila tuwing umaga sa Love Radio 90.7. Sabado pala kaya walang sila ngayon sa radyo. At tulad pa din ng dati, nakakaloko silang pakinggan. Ang daming nakakagagong suggestions at comments na sinasabi nila. Aliw na aliw ako, kasi isa ako sa mga libo-libo gagong tagapagsubaybay sa kanila sa radio.

Kung hindi man maganda ang gising ko, makikinig lang ako sa kanila at ako ay magiging alive na agad. Ganyan ang epekto ng healing powers nilang dalawa sa akin. hehe. Mas aliw ung mga sumusulat sa kanila at humihingi ng mga payong walang bahid kamanyakan... Tulad nung isa, ganito ang sinabi nya...


Dear Nicole at Chris Tsuper,

Tanong ko lang po kung paano ba magpaputi ng singit? Mataba po kasi ako at nakakahiya naman pag maitim ang singit? Kahit ako kapag nakikita ko ang singit ko, nandidiri ako sa sarili ko... Help me naman po and more power sa show nyo...



Ganyan na ganayan ang sinabi ng letter sender. Ang laki ng problema nya dba?... ahahaha.. kung ung ibang tao, mas malaki ang problema kasi wala silang makain, walang trabaho, walang ikabubuhay... pero sya, pinoproblema  nya pa ang SINGIT nyang maitim! ahahaha... laughtrip tuloy silang Nicole at Chris eh..

At dahil trabaho nila ang magbigay ng komento na walang halong kamanyakan... eto ang mga sinabi nilang soulusyon kung maitim ang singit moh.


Naturukan ako.... ang sakit shet!!

It's been a week na din akong tambay sa bahay. Nakakasawa kasi walang ginagawa, pero masarap pa din matulog. hehe. Kung nabasa nyo post ko dati, kakaresign ko lang last week. Dahil TRIP ko lang! ahaha. Basta, di ko na sasabihin kung bakit.... So ayun, anyways, ung kabilang company na nagoffer sa akin ay hindi pa din tumatawag. Sa isip ko tuloy, "ano ito, lokohan?..." Sabi nila tatawag sila before 20th (un ang last day ko) pero anong petsa na wala pa din akong natatanggap na tawag sa kanila...

I tried to call the company's hotline number. Yun din kasi ang number dati na nagregister sa cp ko nung una silang tumawag. Tinawagan ko, pero shet!!!! di ko alam ang extension number nung taong kakausapin ko... so i decided na palampasin ang buong month ng april at kung wala din tawag, hahanap na ako ng iba...





pero.. pero... pero.....





Dahil sa mapanuksong udyok ni mama, sabi nya bakit hindi ko daw puntahan ng personal?



at dahil dun *lightbulb* bakit hindi ko nga puntahan? ang galing ni mama!!! ahahaha. Kaya ayun, 1pm, nagpunta ako sa SM North (kasi andun ang recruitment nila)... Sabi nung receptionist "applicant sir?"..

Hello? mukang bang applicant ung naka-round neck na tribal shirt at jeans? tapos wala naman akong dalang resume?! ahahha... ateng receptionist, nagkakamali ka ng binabangga moh! (ang taray?)

Back kay ateng receptionist. Sabi nya, "applicant sir?"...

"NO, I'm looking for Ms... (insert name here)"

"For what sir?"

"just wanna ask her about the status of my pending job offer..."

"ah ok sir.. ill call her..."



Ayun na nga, nagkaharap na din kami. Syempre konting chika muna bago ko tinanong ung job offer ko. Nagsorry pa sya sa akin kasi daw sa dami ng applicants, natabunan na ung files ko kaya hindi nya ako matawagan... Asus!!! responsibility nila un noh! burara lang sila. ahaha... Gusto pa nila ung pinupunthana sila ng personal para gumawa ng eksena.. (which is di ko naman nagawa, sayang! hehe).

Pinapabalik ako sa monday para sa actual contract signing ko sa ABS CBN Star Magic. lol. Basta, contract signing na sa monday. So ang nangyari kanina, binigyan nya ako ng medical slip para kumpletuhin ang pre-employment medical exam... Sa shaw blvd ang clinic na iyon. So from North ave, travel ako to Shaw. 

So this is it!!! kelangan lang nila ng sindakan para maalala nilang may job offer sila sa akin. hehe.. Happy naman kahit papaano... Pero sad kasi hindi na uli ako makakatambay sa bahay ng matagal.. haayyy.... kung kumikita lang sana habang natutulog mas masaya eh.


Ang sakit ng injection na tinurok sa ugat ng braso ko. Lamog na lamog na ang ugat na un kasi laging sa kaliwang braso ko ang tinuturukan nila. pwede naman ung kanan dba? haayy... di ako nakatingin sa nurse habang tinutusok nya ung injection sa ugat ko!!! at hindi ko din naman namalayan na tapos na pala. hehe... 



Sa drug test naman, akala ko babalik pa ako bukas... kasi 2 plastic cups ang kelangan lagyan ng urine, ung isa dapat daw puno ng urine kasi un ang sa drug test, ung isa kahit half lang daw kasi sa urinalysis naman un. Eh hindi pa naman ako uminom ng tubig nung oras na yun kaya baka hindi mapuno ung isa at pag nagkataaon, babalik ako bukas... pero BUTI NALANG!!! napuno sya! wahahahahahaa!!!! SUCCESS!!!! at sobra sobra pa! ahahahahaha...

Pagkatapos ko ng medical, derecho megamall at nagikot-ikot... 3 day sale eh... May mga nakita naman akong pwede kong bilhin.. kaya malamang lalaboy uli ako bukas...

That's my day... kapagod at masakit pa din ang ugat ko.. huhuhuhu... di ko ma stretch ung braso ko.. ahahaha




Tuesday, April 26, 2011

Masama na kung masama, eh ikaw?




Hindi ako masamang tao….
-           kasi hindi ako PLASTIK para magbait-baitan sa iba.
-          Kasi hindi ko itinatanggi na may mapanuri akong mata at mapanlait na pananalita.
-          At hindi ko lang kasi kayang itago na lang ang sama ng loob ko kung minsan.


Hindi ako masamang tao…
-          Dahil wala pa naman akong binabayaran at inuutusan para pumatay tulad ng iba.
-          Dahil hindi ako isang politiko na nangungurakot at nagnanakaw.
-          Dahil hindi ako nagbabanta sa buhay ng iba, hindi ako nagbibigay ng death threat at kung ano pa man.


Hindi ako masamang tao…
-          Kasi sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin, kung ano ang aking nakikita at napapansin. Lahat ng iyon ay katotohanan lamang.
-          Dahil sa kadahilanang nakagawa ako ng hindi mabuti sa kapwa.  Ano bang basehan mo sa paggawa ng kabutihan?





At higit sa lahat,







Hindi din naman ako mabuting nilalang…
-          May limitasyon ang aking kabaitan. Dahil kung magpapakabait ako sa lahat ng pagkakataaon, parang niloko ko na din ang sarili ko at nagbulag-bulagan ako dahil may mga taong umaabuso sa kabaitang iyon.
-          Hindi ako namimigay ng limos. Kung gusto kong tumulong, tutulong ako. Hindi ako bayani para bigyan ng limos ang lahat ng nanlilimos.
-          Ni hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagsimba. (1 beses lang ata, simbang gabi pa yun). Aminado ako, na hindi nga ako nagsisimba… pero kung ikukumpara mo naman dun sa mga “nagbabanal-banalan” na halos araw-araw may novena, lingo-linggo ay present sa simbahan, nag-aalay, may padasal pa, pero kapag paglabas ng simbahan at kung may gulo sa pamilya ay kung anu-ano nang masasamang salita ang sinasabi nila! Anong sense nun pag-novena, dasal at alay mo hindi ba?




So anong meron kaya nasabi ko ito?.... wala lang. EMO much. Ahahaha. Ang sa akin lang, bago ka humusga ng tao, bakit hindi mo muna husgahan ang sarili mo. Saan ka ba nabibilang?... Or baka naman hindi mo pa kilala sarili mo kaya minsan, salawahan  ka. Feeling mo mabait ka, pero may sungay ka pala. Or vice versa, akala ng iba napakasama mong tao, pero nagkakawang-gawa ka naman. Sadyang magulo ang buhay. Kung hindi ka magpapadala sa sinasabi ng iba, hindi magbabago ang pananaw mo dito at hindi magbabago ang ugali mo kung sino ka man. Ang pagkilala ng kapwa ay nagsisimula muna sa pagkilalala mo sa sarili moh… Kung hindi mo kilala kung sino ka, TALO KA!

















Sunday, April 24, 2011

tanong ko, ginago NILA!!!

Dahil tahimik na naman ang blogosphere, hindi ko alam kung panata ba nila ung hindi mag-blog kapag holy week.. At dahil wala na naman akong magawa, para maaliw naman ako sa sarili ko, walang kamatayang formspring uli... (time check muna, 12:29am; April 24)

Eto ang mga tanong ko na ginago nila.... Bidang-bida si Mommy razz, Lhuloy at Egg. (kasi sila lang ung nagfollow at pinalow ko na din. hehehe...)



Bumibida si Lhuloy!!!!



pssst!!! bakit di ko makita sa blog mo ung mga sagot moh?... heheh

kasi dinelete kowhz....toinks....
lhuloy responded to you4 hours ago


Violent reaction ko: Ahhh.. OK.. sabi mo eh. ^^





Q: nakita mo na bang lumuhod ang mga tala??? wala na kasing katapusan ung sinasabi nilang bukas luluhod sila.... XD

as if namang me tuhod sila....char-char....
lhuloy responded to you4 hours ago



Violent reaction ko: malay natin... malay mo meron... shy lang silang ipakita kasi SCARY! XD


karne ba kinain nyo this holy week?

bumili ko knena ng pizza...me karne un...so OO....
lhuloy responded to you4 hours ago


Violent reaction ko: ah, kami din pizza nung maundy thursday... tapos may natira, kinain at ininit nung Good friday... tapos, kare-kare at BBQ this Black Saturday... Bukas Easter Sunday, baka karne uli kami! ^^




may pera ka ba jan? pautang!!! ahahaha

kay kua Akoni ka na lang mangutang....jejejeje...
lhuloy responded to you4 hours ago


Violent reaction ko: LOL.. bkit sa kanya? nagpapa-5/6 sya? ahaha


nagsisisi ka ba sa mga kasalanang nagawa mo???

ou naman yessss.....kw lang naman tong di nagsisisi ih...jajajaja..toinks!
lhuloy responded to you4 hours ago

Violent reaction ko: ouch.. grabe ka naman.. nagsisisi akong itinanong ko pa to sayo. ahahaha


bakit bawal daw maligo pag good friday lalo na pag 3pm?

aba ewan ko..tanong mu dun sa mga di naliligo...chaaarrr....jejeje
lhuloy responded to you4 hours ago

Violent reaction ko: kanino, kay AKONI??? lol



wala akong maitanong... ikaw may itatanong ka ba? lols

bakit hang salbahe mu!!!!
lhuloy responded to you4 hours ago

Violent reaction ko: ganun ba ka-obvious??? hehehe.... hindi naman ah... minsan lang. 



ano ginagawa mo pagtapos mong mangulangot? ahahaha

nangungulongot uliet di pa mareach ung iba ih....toinks!!!
lhuloy responded to you4 hours ago

Violent reaction ko: wala yan sakin, bibilugin ko tapos ipipitik ko sa taong kaharap ko! wahahahaha




===========================================




Syempre hindi na papatalo si Mommy!




nakita mo na bang lumuhod ang mga tala??? wala na kasing katapusan ung sinasabi nilang bukas luluhod sila.... XD

oo ngyn ngyn lang lumuhod, ikaw yon.. hahahaha peace.
MommyRazzz responded to you10 hours ago

Violent reaction ko: mommy, alam ko star ako... artista ako eh, kaya I'm a STAR!!! *laughtrip*






at ito lang mga kaibigan ang sinagutan ni mommy sa aking mga katanungan! ahahah... ang sipag mo mommy!! ahahaha....




=====================================================


Alamin naman natin ang kay Egg....


-------


Violent reaction ko: ????


------


Violent reaction ko: ??!! *&^%{+_#@@(




-------






Ahmmm.... mas masipag po si Egg sa kanilang dalawa, hindi pa nya sinasagutan ang mga tanong! ahahaha... 

Dahil wala syang sagot, ipopost ko nlng ung sagot nung ibang friends ko.... Hindi ko tanong ung iba dito, basta, naaliw lang ako sa mga sagot nila...






Anong Reply sa Text ang Pinaka-nakakainis? :)

K

Violent reaction ko: tamaaaaaaa!!!



bakit bawal daw maligo pag good friday lalo na pag 3pm?

ewan ko. di kasi ako naliligo eh
sarahnghae responded to youyesterday

Violent reaction ko: ahh... kaya pala..




karne ba kinain nyo this holy week?

oo. sosyal ako eh
sarahnghae responded to youyesterday

Violent reaction ko: taray!!! apir!




may pera ka ba jan? pautang!!! ahahaha

ikaw nga maraming pera dyan eh. pashakeys2 ka na nga lang eh. LOL
sarahnghae responded to youyesterday

Violent reaction ko: well, ganun talaga... meryenda pa lang un ah. wahahahaha


may pera ka ba jan? pautang!!! ahahaha

ikaw ang may sahod. Libre na yan!
gyver responded to youyesterday

Violent reaction ko: wala na kaya.. resigned na ako noh.. 2 months pa bago ung backpay ko!


nakita mo na bang lumuhod ang mga tala??? wala na kasing katapusan ung sinasabi nilang bukas luluhod sila.... XD

e bukas pa nga raw, di naman sinabing ngayon.
gyver responded to youyesterday

Violent reaction ko: ahmmm.... sabagay... may point ka! 










Hanggang sa muli mga bata!!!! Sana marami kayong napulot na magandang aral. ahaha. 

http://www.formspring.me/leonrap







Friday, April 22, 2011

tanong mo, gagaguhin ko (part2)



Q: sinong pipiliin mo?.. ang taong mahal mo pero di ka mahal?..o ung mahal ka pero di mo mahal?
A: ay naku, nakakasawang tanong na yan.. ^^


Q: Kapag nasa Starbucks ka, ano lagi ino-order mo? =D XD XD XD
A: java chip... chocolate cream chip, strawberries and cream, belgian waffle... yan lng mga favorite ko.


Q: kangaroo ba si Doraemon? bakit meron cyang Pouch sa may tiyan nya? haha
A: bwahahahaha.... tae ka, humanap ka ng kausap moh!!! kung ikaw nga may sungay eh, demonyo ka?


Q: anong sakripisyo ang gagawin mo ngayong holy week?? sarahnghae asked their followers (?), yesterday
A: bawasan ang pagmumura.... ^^... this holy week lang ah.. next week, back to normal uli! ahahaha


Q: kung hayop ka...nung klaseng hayop ka...at y?! from lhuloy, 2 days ago
A: panda!!! ahahaha... wala lang.. cute sila ^^


Q: Virgin ka pa ba? 2 days ago
A: ahahaha.... bkit interesado ka?....ahahahaha


Q: Anong gagawin mo kapag me nakabanggang kang panget? Tas na-love at first sight sayo? 2 days ago
A: sasabihin ko ganito... "oooppps, sori po... si tayo talo!!!"


Q: Ano tingin mo sa mga taong masusungit pero gwapo/maganda? 2 days ago
A: duh?! tinatanong pa ba yan?.... sus, eh normal lang SAMIN yun! ^^


Q: Nakasakay ka na ba ng MRT/LRT? Kamusta naman ang biyahe? 2 days ago
A: oo naman... ayun, daming manyakis! LOL. yung iba natutuwa kasi siksikan.. ipaparamdam ng iba ung dapat iparamdam sayo! wahahahahah *demon grin*


Q: Anu masasabi mu sa royal wedding nina Prince William at Kate? from bigbro09, 3 days ago
A: WLA ME CARE!!! di naman ako maaambunan ng kahit anong biyaya man lang from them.


Q: bakit ako maganda? from MommyRazzz, 3 days ago
A: next question please!!! ahahahaha


Q: bakit 2 ang butas ng salawal?? from bigbro09, 3 days ago
A: ano gusto mo, tatlo??? choosy!! ano naman isusuot mo sa pangatlong butas? ahahaha


Q: anu gagawin mu kapag nalunod ka sa kalahating basong tubig??? 4 days ago
A: magpapa CPR ako!




At eto naman ang ilang sagot nila sa tanong ko:
(ang may * ay ang violent reaction ko naman)


Q: bakit ka gumawa ng formspring??? eh wala naman tong kwenta. ahahaha
- dahil walang taung kwenta hahaha (MommyRazzz responded to you, 3 days ago) 
* pati ako dinadamay mo... hmpf. ^^


- wala lang gaya gaya puto maya lang sayow!!!! ahahahaha (bigbro09 responded to you, 3 days ago)
* kasalanan ko pa pala... hehe


hahahah eh bat ka nagformspring xD (rikaichijo responded to you, 3 days ago)
* magaling kang sumagot ah.. lab it! ahaha

para mastalk kita? haha (gyver responded to you, 3 minutes ago)
* tado ka!!! 


Q: takot ka ba sa tarantula?..... eh sa akin, takot ka? lol
- bkit tarantula ka b? cnu ka ba? hahaha (MommyRazzz responded to you, 3 days ago)
* lol ka mommy!


- sa tarantula oo. sayo..... ahmm.. magtalukbong na lang ako ng kumot lol hahahaha jowkkk (bigbro09 responded to you, 3 days ago)
* anong meron sa kumot? ahahahaha... buset ka!!!! 


- hahahaha hindi (rikaichijo responded to you, 3 days ago)
* mabuti naman! 



- bakit, nangangagat ka ba? (gyver responded to you, 13 minutes ago)

* nangangagat ba sila? hehehe... di ko alam eh. takot kasi ako! ^^




Q: kabisado mo ba panatang makabayan?
- oo, recite ako ng konti.. 'panatang makabayan, iniibig ko si kabayan'.. haha (MommyRazzz responded to you, 3 days ago)
* crush mo si Noli de Castro mommy? 

- iniibig ko ang pilipinas ito ang tahanan ng aking lahi sisikapin kong makabisado ito sa isip salita at sa gawa.... bow!!!!! :D (bigbro09 responded to you, 3 days ago)
* oo, kabisaduhin mo ah... 



tanong part 1

pwedeng idrop nyo din ang mga tanong nyo sa formspring box ko, located sa "About dito" tab ng blog ko... yun ay kung wala lang kayong magawa... hehehe






ang tahimik kasi ng blog... walang magawa... ayun, gumawa me ng signature. ahahah... naiingit ako sa ibang meron eh! ahaha...








signature 2

Time to Reflect

Hindi pa naman tapos ang Holy Week kaya hindi pa din naman late tong post ko. It's Good Friday. Dahil wala na akong magawa sa bahay, may mga pagkakataong hindi maiwasan ang magmuni-muni kahit saglit. hehehe... 

Ang sabi bawal daw maligo tuwing Good Friday lalo na kung 3pm. Hindi ko alam kung bakit at wala na din akong balak alamin pa dahil alam kong ganun lang talaga ang ibang taong naniniwala sa mga superstitious belief. Saka bakit naman ako maliligo ng 3pm, eh kung pwede naman kahit anong oras? ahahaha.. adik lang? 

Pero wala talaga akong maisip ngayon kung paano ko sisimulan tong reflection ng buhay. As in wala akong idea. Ang corny naman kung ipopost ko dito ung OST ng MULAN na kinanta ni Christina Aguilera na REFLECTION. ahahaha... (pero actually un talaga ang nasa isip ko, nahiya lang akong gawin)

Ayokong magmoment ngayon. Sa akin na lang muna ang mga moments na yun at di ko muna ipopost. ahahaha... Nagmomoment kasi ako kapag tumitingin ako sa salamin. Kakausapin ko ung salamin. 

"Salamin.. salamin... salamin" 

tapos kung ano-ano na sasabihin ko na ako lang ang nakakaintindi kasi sarili kong litanya ang gamit ko... kung ano man litanya yun, bahala na kayo mag-isip! ahaha

Ganito ako magreflect....

nung college pa ako nito
last year lang ito sa CR ahahaha together with my old cheap phone
last week lang ito 
same lang nung nasa taas

So literal na reflection ang drama.. ahahahahah... Have a blessed Holy Week to all!



Thursday, April 21, 2011

Paalam na...

"dumarating sa buhay ng tao na kelangan nyang umalis dahil may mga bagay na dapat nyang mas bigyan ng pansin sa mga darating na araw..."



Sa aking huling araw sa piling mo, naramdaman ko ang kalungkutan sa sarili ko. Hindi ko maitatanggi yun... OO malungkot at masakit iwan ang mga naging kaibigan mo sa loob ng 2 taon. Pero kelangan eh... Mas mahirap kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa piling mo dahil nakapagdesisyon na talaga ako. Matagal ko ng gustong gawin ito at SA WAKAS NAGAWA KO NA. Hinding-hindi ko ito pagsisisihan, sa halip ito ay tatanawin kong utang na loob sa iyo.


Sa loob ng 2 taong paglilingkod ko sayo, binigay ko ang lahat. Hindi man ako performer pero sinikap kong walang ibagsak na kahit anong metrics. Naging maganda ang nagdaang 2 taon ng buhay ko. Marami akong nakilala na mga bagong kaibigan... maraming bondings ang naganap. Maraming puyatan ang aking naranasan. Maraming holidays din ang hindi ko naenjoy kasi ako'y nagtatrabaho sa piling mo... Wala akong sama ng loob sa iyo. Totoo un! Infact, I just wanna thank you for the experience you've given me. Pero dumarating sa buhay ng tao na kelangan nyang umalis dahil may mga bagay na dapat nyang mas bigyan ng pansin sa mga darating na araw. May mga bagay na akala mo ay okay na, pero hindi pala. Kaya ang ibang tao ay lubos pa din humahanap ng paraan para makamit ang pinapangarap nila....


April 20 - ang mismong araw ng pagsasama natin sa loob ng DALAWANG TAON. At ito din ang MISMONG ARAW NANG AKO AY UMALIS SA PILING MO. 


Tulad ng sinabi ko, hindi ko maitatago ang lungkot sa aking mukha. Naluluha akong nagpaalam sa mga naging kaibigan ko... sa mga naging teamates ko... sa TL ko... Mas naluluha pa ako nung hawak nila ang kamay ko ng mahigpit, tila ba ayaw nilang kumawala sa pagkakadaupang-palad namin. Ayaw nilang bitiwan ang tali ng samahan namin sa mga oras na iyon. Samahan na hinubog at pinagtibay sa loob ng 2 taon. May mga taong pumipigil sa aking pag-alis, pero MAY ISANG SALITA AKO... Gagawin at itutuloy ko pa din ito... Alam ko naman hindi sa ganung pagkakataon lang magtatapos ang samahan namin eh. At dahil dun naiiyak na talaga ako habang tinatype ito... di ko maiwasang humagulgol ngayon... pasensya na.... 


Mababaw lang ang luha ko pero kelangan kong isalaysay ito para na din sa ikagagaan ng loob ko. At sa mga oras na iyon, iniisip ko na kung paano ako magpapaalam sa kanila. Iba-iba kasi ang oras namin kaya ung iba mauunang umuwi kesa sa akin. Ang ginawa ko habang ako'y naka break at naka-lunch, isa-isa ko silang nilapitan at sabay sabing "bye bye na... salamat!".. Sabay yakap at palitan ng mga pasasalamat sa isa't-isa... At habang ginagawa ko iyon ay naiipon ang mga luha sa gilid ng aking mga mata, pero hindi sya tumulo. Naluluha lang.


After ng shift ko, nagdecide kami ng ilang ka-batchmate ko na mag dinner kasama ang TL ko. 2nd anniversarry din naman kasi namin eh, despedida ko na rin... At tapos nun, kanya-kanya na kami ng lakad pauwi... 


Malungkot na masaya ang feeling ko. Basta, mixed emotions ako nun.  



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...