Sunday, April 10, 2011

Sino ka?... Bakit mo ako kilala???

Wala sa plano ang post na ito. Biglaan lang at naisipan ko agad iblog kasi napaka unusual para sakin.... Dapat ang pinag-aaksayahan ko ng oras ngayon ay ang entry ko sa PBB ni jengpot.. pero eto muna at kating-kati ang mga daliri ko sa pagblog nito ngayon....

Ok, let's start. Nananahimik ako sa kwarto at nanonood ng TV nang biglang may nagtext... Akala ko si Vice Ganda pero hindi eh... Binasa ko at eto ang nakalagay...


"Hi, Are you (insert my name here)?


Dahil ako ay pinagpala at kahit papaano ay may load (regular load un, hindi unli or whatsoever), syempre nagreply ako. Ang taong nasa isip ko kasi nung oras na iyon ay ang bagong company na paglilipatan ko. So nagreply ako in english... ahahaha


"Yes, I'm (insert my name here)... Who's this?"


after 30 mins sya nagreply. At mali ang hinala kong taga-company sya.


"Im ANGELA. I know its weird. Pero. I got ur number sumwer :) "


Yan ang reply nya. Nagulat ako. Alam kong hindi ako nagpopost ng personal details ko sa kung anong online site dahil hindi ako naghahanap ng textmate. Saka matagal na yun if ever. Nung nasa college pa ako, pero after nun, TINIGIL KO NA ANG KALOKOHANG KONG IYON. ahahaha...


I replied., "weh, din nga, hindi ako nagpopost ng number at wala akong natatandaan."


" Hahaha... I see, e bakit nakuha ko?"



" saan mo ba nakuha? pls tell me...."


"hmmm... basta. piece of paper."


Shet, naloko na... ANONG PAPEL ANG PINAGSASABI NYA?... PAPEL NA MAY NAKASULAT NA NUMBER at NAME KO??? WALA AKONG ALAM!!! Except kapag inuutusan ko si mama na magpaload para sakin, nakasulat sa papel ung number ko kasi di nya kabisado. PERO WALANG NAME YUN! so paano nya nalaman name ko?.... waaahhhhh!!!!!


Nahinto ang usap sa text... Sumagot uli sya.


"1st tym q gnawa ito. So weird. Ung itxt q ung ndi ko kilala, unless nkita qna bago q makatxt. Like pag my pnapakilala ung mga frnds q. Anyways. Hahaha! 4get about it. Thanks (insert my name here) :)"



At dahil hindi ko firstime ito, ahahaha... I asked her kung saan nya talaga nakita un kasi baka nagjojoke lang sya... Ang sabi nya, "ahaha.. Kulet! sa papel nga e!". Wala akong balak makipag textmate sa kanya, all i want to know is how did she get my number....and my name...



Kinulit ko padin sya... bigla nyang sinabi na "can I add you sa FB or wag na nlng?"



I gave her my FB because of my curiosity, para makita ko din kung may common friend kami or whatsoever... Basta, wala na akong maisip at gusto kong matuldukan ang mga tanong sa utak ko. She gave me her email address. She gave her full name as well. HINDI KO SYA KILALA.



I searched her sa FB. Nakita ko din sya sa wakas. Wala kaming common friend. Hindi pa kami nagkakausap ng maayos. Hindi pa nya ako inaaccept as friend nya… abangan ang mga susunod na mangyayari. Ahahahaha…

10 comments:

Diamond R said...

Secret admirer. ang lufet.Ok abangan na lang ang mga susunod na kagananpan.

Akoni said...

parang naexcite ako ah...destiny yan rap, yan na...yan na ang babaeng susumpa sayo at sasampal...hahaha...sa huli

Leonrap said...

DiamondR - malay ko sa kanya kung sino sya... secret admirer ka jan.. ahahaha. baka stalker! lol



Kups - watever! ahahaha.... isusumpa ko din sya.

khantotantra said...

hindi kaya hinulaan nia lang last 3 digits ng cp mo.? usually may mga ganung tao e. gagawa ng way para may makausap.

Leonrap said...

khantotantra - di ko alam.. pero alam nya name ko eh...nakita ko na sya sa FB, ibang tao talaga... wala kaming common friend... at di na sya nagtext uli.. siguro na turn off sa itsura kong halimaw! ahahahaha

mommy-razz said...

naku baka siya na ang matagal mong hinihintay.. gud luck!

Leonrap said...

mommy - ganun?.. ahaha.. wala di na sya nagparamdam..

cLai ♥ said...

grabeee....sikat ka na tlga...
may stalker ka na!!! hahahaha

Leonrap said...

clai - lol ka din eh noh.... ano ba.. na ko-concious ako! ahahaha

musingan said...

nangyari na yan sa akin pare.. yung may tetext tapos ayun magpapakilala tapos sasabihin na nakuha daw niya ang cellphone sa iba.. tapos.. magiging text mate kami.. makikipag kita sa akin.. pagdating ko sa meeting place.. kuya ko pala ang katext ko... ANAK ng...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...