Tuesday, April 12, 2011

Kwento ni Leonrap 3 (hango sa blog ibig ni Akoni)



Kupal meets new classmates.




Akoni pala ang name nya. Sya ang lalaking masamang makatingin sa akin kahit hindi ko alam kung bakit. Deadma lang naman ako, kumbaga, sa una lang siguro yun, lilipas din yun at magiging close din kami. Close din naman ata sila ni Kamila dahil magkakilala sila, pero hindi ko nakikitang sumasama si Kamila sa kanya…. Siguro kasi mas lagi kaming magkasamang dalawa. Seatmates kami eh. Tulad pa din ng dati, sabay pa din kami maglunch at magkasama sa kung saan man kami magpunta. Si Akoni naman kasama lagi ang mga tropang nyang si DiamondR at Jay.

Isang araw, pagpasok ko, parang iba ang atmosphere sa loob ng university. Sa bawat pagdaan ko sa hallway ay pakiramdam ko ay lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Nahahalata ko iyon, hanggang sa kapag lumingon ako sa likod, mahuhuli kong nakatingin ang ibang estudyante sa akin sabay bawi ng tingin sa iba para hindi sila mahalata. Nakakapagtaka, anong meron? Sikat ako? Ahahahaha.

Nagtungo ako sa pantry para maghanap ng makakain. Tapos na din naman kasi ang mga projects namin kaya no need mag rush. Ako ang nagvolunteer na gumawa ng project ni Kamila. Pumayag naman sya at natapos ko din naman. May sumalubong sakin na 3 babae. Classmates din pala sila ni Kamila at Akoni. So, classmates ko na din sila…

“Hi Leonrap, kilala mo na ba ako? Ako si Jhengpot, ung nasa likuran nyo ni Kamila nakaupo. At nakita ko din kayo one time ni Kamila sa corridor na nag-uusap habang naglalakad. Pero ewan ko ah, feeling ko bagay kayo! Aahahaha. Ang sweeeeettttt nyo grabe!!! Napasigaw pa nga ako sa kilig nun eh”


Natawa lang ako sa sinabi ni Jhengpot. Pero nung mga oras na iyon, saktong padaan ang grupo nila Akoni. At sa saktong pagsambit ni Jhengpot ng mga salitang “feeling ko bagay kayo!....” ay sya din namang saktong titig sa akin ni Akoni na halatang nakikinig sa mga salitang sinasabi ni Jhengpot… at kitang-kita ko, nanlilisik uli ang mga mata ni Akoni sa akin.  Tanaw sa malayo ang itsura ni Akoni na para bang nanglumo at nawalan ng pag-asa. Pero parang andun ang galit… Samantalang ang tropa nyang si DiamondR o mas kilala sa alyas na Acre ay parang nabibighani kay Iya-Khin at kay Leah.

“ako nga din pala si Cheenee, bestfriends kami nila Jhengpot at Kamila, at eto naman si Iya_Khin, katropa din namin”.


May itsura din naman kahit papaano ang tatlong babae na iyon, pero di ko sila masyado napapansin. Mejo malayo kasi upuan nila ni Cheenee at Iya eh, sila ang magkatabi. At si Leah naman ay bagong transfer lang din sa school. Si Kamila lang ang talagang close ko. Si Jhengpot lang din naman ang nasa likuran namin at para bang laging may nasasagap na chismis kapag nag-uusap kami ni Kamila.


“ahaha… O hi!, nice meeting you guys, kilala nyo na ako so di na ako magpapakilala hehe”, sabay shake hands sa kanilang tatlo at sabay tawa….


Sabay-sabay din kaming kumain dahil napag-alaman kong sobrang takaw pala nung tatlo na yun. Favorite daw ata nila ang Zesto! ahaha. Actually, lahat sila kasama si Kamila. Kaso si Kamila daw ata ay nagda-diet kaya hindi na sya gaano malakas lumamon. Ahahaha.. Nakakatuwa silang tatlo. Madaling nagkasundo ang ugali namin. Nadagdagan na naman ang friends ko sa class na iyon. Unti-unti kong nakilala ang buong klase. 




Naging close ako sa kanila, maliban lang sa hiwalay ng grupo sa likuran - ang grupo nila Akoni.... Mukang dapat maghanda ako sa mga susunod na paghaharap namin ni Akoni…










Itutuloy....










(ito ay base sa orihinal na story dito)










(balikan ang nakaraan. Click mo Part 2 ng kwento ni Leonrap)
(Part 1)





13 comments:

empi said...

nauuso yata ngayon ang mga kwento na ang mga pinapangalan ay mga bloggers. ayos ah! sagutan ng mga kwento... hehe

Leah said...

Haha.. napa smile naman ako sa sinabi ni jhengpot.. kinilig talaga.. hehehe... At grabe, nanlilisik ang mga mata ni akoni. patay!

ayos to ah.. merong mga iba-ibang versions ang story.. abangan ang susunod na kabanata.

My Tasty Treasures
Ako si LEAH
Everyday Letters

Diamond R said...

naluha na naman ako sa kakatawa.naliligayahan ako.ang sarap ng pakiramdam na may connection.Parang kasali ka sa isang mundong di mo alam ko ng nasaan. Ang masasabi ko lang pure joy of blogging.

ang galing ng mga imahinasyon niyo nakakabilib.

musingan said...

pare.. asteg naman nitio... at nakakapart three kana.. susubaybayan ko yan... anyway... mukhang bagay nga kayo ni Kamil ehehhe.. pero si Acre ha.. at mukhang dalawa ang natitipuhan.... ehheheh....galing mong magdgtong dugtong no... astig ka...

Akoni said...

hahaha...Ganito dapag ang mga kwento, mga name ng bloggers..hahaha..nice one kups..lalo ako ginaganahan magkwento..hahaha..

Lhuloy said...

hanep...kasali din ako s stry ni kua Akoni ah! but outcast ako dito!

jejeje...cge2...aantabayanan ko na lang...
but parang pahumble kayo dito...ndi ako sanay pag walang gulong nangyayari...jejeje....

♥superjaid♥ said...

nauuso ata to ah hehehe nakakaaliw naman to ng bongga more more!

Kamila said...

WAIT! Hindi na talaga ako toh..!! Hahahahahahah! Pinagkalandakan mo pang diet ako ah! Toink eh hindi naman gumagana ang diet ko! Napressure ako tuloy hahah

mommy-razz said...

hindi c meimei yan kasi wala siyang alam sa DIET.. hehe!

more kwento pa rap..goooo

Leonrap said...

empi - hehehe... sya nagpauso nito eh...



leah - hehe... salamat... malandi si jengpot eh.. lol

Leonrap said...

acre - iba naiisip ko sa sinabi mong naliligayahan ka! ahahahahaha.... watever!... salamat naman at naaaliw ka...




AL - akala mo lang madali pagdugtung-dugtungin yan?... ang hirap kaya!!! dapat walang conflict sa character... heheh...

Leonrap said...

kups - nakahanda na ang kasunod kong story... un na ung biglaang pagkawala ko.....




lhuloy - nung lumabas ka sa story nya, wala pa ako nun eh... eto ay PART ko lang... wala me paki sa part nyo. ahahaha... kaya nga gawa ka din...

Leonrap said...

superjaid - hehehe.. salamat sa pagdalaw.... oo, abang ka lang...




kamila - ahahahaha.... ayaw mo nun, kahit sa kwento man lang maisip nilang nagda-diet ka. lols




mommy - mejo busy eh.. pero naka-draft na ung next part ko...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...