Wednesday, April 13, 2011

Kwento ni Leonrap 4 (hango sa blog ibig ni Akoni)


Ang Pagkawala




Bago ako pumasok sa classroom, nagkita kami ng isang Junior student na pareho kong may foreign curriculum. Senior ako nun kaya kilala din namin ang ibang year na susunod sa tapak namin. Sya si Allan. Magiging exchange student din sya sa 4th year nya kasi isa din sya sa mga napili ng Dean.


“oh allan, zup?”, pambungad ko sa kanya.


“eto, lilipad daw kami sa Fukushima Japan next year”


“wow! ahahaha, may radiation na dun ah… Goodluck! Ahahaha”, pang-asar ko sa kanya at sabay tawa lang din ang isinagot nya.


“Ui teka, may naririnig akong usap-usapan sa campus ah, involve ka dito at si Kamila…”, mejo pabulong na sinabi nya sa akin at nagmamasid-masid habang binubulong ang mga katagang iyon…


“oh, anong meron? ANO YUUUNNNN!!!???”, gulat at pabigla kong nasabi sa kanya.


“SSShhhhhhhh!, wag kang maingay! Balita-balita na may kumakalat na kayo na daw ni Kamila? At dahil jan, ung grupo ni Akoni ay mukang masama ang timpla laban sayo”, babala nya sakin…


“HUH?!!! ANOHHH!!!? KAMI??!!!  SINO MAY SABI?”, nagtataka kong natanong….


“ewan ko, basta usap-usapan lang dito. Hindi mo ba alam?... Naku, mag-iingat ka. Mejo bad image sila Akoni… Alam mo bang may gusto din si Akoni kay Kamila? Tsk tsk… Ingat ka lang… Sige na, late na ako sa class ko… kita nlng uli tayo next time…. Geh!”,  yun ang mga huling salitang narinig ko sa junior student na si Allan.




Napatulala na lang ako bigla. Tulalang naglalakad papunta sa classrum namin, kung saan makikita ko si Kamila na seatmate ko,… at si Akoni. Ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Akoni at alam ko na kung bakit hindi nya ako magawang kausapin.



Tumatakbo at nagmamadaling nakipagunahan sa akin sila Jhengpot, Cheenee at Iya_khin. Ang lakas ng trip. Nabunggo na nga ako di pa nagsorry. Mga adik talaga. Pero bumalik si Jhengpot sa akin at nagtatakang itinanong na “Okay ka lang?! tulala ka!?”…


Hindi muna ako nakapagsalita…. Mga isa… dalawa…. Tatlo…. Hanggang sa umabot ng sampung segundo bago ako nakabalik sa katawang lupa ko.


“huh?... ano nga yun?.. ano ung sinabi moh?”, nagtataka kong sinabi kay jhengpot kung bakit nya ako tinawag.


“Wala!, ahaha… adik ka lang siguro sa kakaisip kay Kamila kaya ka tulala… O sya, sige, kita na lang tayo sa classroom ah…. Ingat!”


Wala pa din ako sa katinuan nung mga oras na yun. Gumugulo sa isip ko ang mga sinabi ni Allan about sa chismis na nasagap nya. Sabi ni Allan mag-ingat daw ako… Lalo na daw kay AKONI kasi may gusto daw si Akoni at patay na patay kay Kamila. Sa isip ko tuloy, yun ba talaga ang dahilan kaya mainit ang dugo sakin ni Akoni kahit nung una pa lang kami nagkakilala?... Iniisp ba nya na nakikipag-kumpetensya ako sa kanya?.... Iniisip ba nya na inaagaw ko si Kamila sa kanya?... Kakausapin ko ba si Kamila at sasabihin ko na lalayo na lang ako? O si Akoni ang kakausapin ko para magkaalaman na kung ano ang totoo?...  Waaaahhh!! Hindi ko alam ang gagawin ko. Malapit na ang bakasyon sa school… ito lang ang naiisip kong pwedeng mangyari... Nakakatakot pero kelangan kong gawin ito....






Itutuloy....










Akoni's point of view: Ang sumunod na kaganapan... 








(balikan ang nakaraan. Click mo part 3 ng kwento ni Leonrap)





 

13 comments:

mommy-razz said...

ay ang pag-ibig nga naman, nakakawala ng katinuan.. haha..
how much more kong marinig mong sinagot na ni kamil anak ko. hehe!

empi said...

love is craziness. hahaha

ISTAMBAY said...

ang dami ko na namiss.. teka babalikan ko muna isa isa ito sir para makarelate ako...

magandang araw :)

arvin bautista said...

ano ang susunod na mangyayari ? hmmmm abangan!

Kamila said...

nyahaha.. kung ako matutuwa ako na nagkalat na chismis na kame na ni kamil.. sino ba kase yung nagmamaganda na yun? hahahaha...

Diamond R said...

ahahaha.tsismis lang yan naniwala ka naman kay allan. Pero may bulong-bulongan nga nagaganap Si kamila lang ang makakasagot niya.

Lhuloy said...

nagiging madrama na ang mga tagpo hanep!!!
natutuwa ako sa samahan nila jhengspot,iya_khin and cheenee...jejeje...

all in all ang masasabi ko lang...
ang pogi ni ALLAN!!!
Weeeeehhhh...buti may link sya dito...jajaja...wolo long....!!

Leonrap said...

mommy - yan na ang sunod kong gagawin.. kaso tinatamad ako... heheeh


empi - ganun ba yun?.... diko alam.. lols



tambay - ok lng....

Leonrap said...

arvin - may susunod pa ba?... hehe... katamad eh... hehe





kams - dko din alam... hehe




acre - gusto ko na ngang tapusin to eh... papakamatay ako sa kwento ko! ahaha

Leonrap said...

lhuloy - ANG LANDI MO NOH?!!!! ahahahaa

iamallan said...

LOL. talagang chismosong-chismoso ang role ko dito ahh...

may galet?? :D

Leonrap said...

allan - ahahahaha... wag ka na magreklamo... biggest break mo na yan! lol

iamallan said...

wahahaha!! sige na nga, kakagatin ko na! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...