Sunday, April 10, 2011

Kwento ni Leonrap (hango sa blog ibig ni Akoni)

Ako ay nag-aaral sa isang exclusive university na may pagka-international school ang curriculum. Isa akong exchange student . OO Pinoy ako, pero ako’y napadala sa bansang Korea. Sa Seoul, na capital nila ako pansamantalang nanirahan, kasama ang ilang kapwa ko exchange student na pinoy din. Nanatili ako sa Korea sa loob ng mahigit 2 buwan. Masaya ang buhay sa Korea, lalo pa’t interesado talaga ako sa kulturang Korean. Adik na adik ako sa KPOP kaya naman nagkakasundo kami ng mga ilang pinoy at Korean classmates ko dun. Kasama ko dun ang close friend kong naging seatmate ko na si Clai.



Nakakamiss ang buhay sa Korea. Pero dumating din ang araw na kelangan na naming bumalik sa pinas dahil babalik na din ang ka-exchange student namin kung saan talaga sila nabibilang. Matapos ang 2 buwan na aming pagkawala dito sa pinas, ang dami na palang nangyari na aking ikinagulat. Lalo na sa university na aming pinapasukan… 



Pag-uwi namin sa Pinas galing sa korea, saktong bagong semester na kami. Ang bilis ng panahon. Magkakaroon na naman ng mga bagong batch ng classmates… bagong batch ng mga crushes… bagong batch ng mga terror na profs… at bagong batch na mga bullies…. Si clai nga pala ay hindi ko na kasama sa bagong semester. Nag-migrate na kasi sila ng parents nya sa US at dun na daw sya magpapatuloy ng studies nya.



Sa isang semester, naging classmate ko si Kamila. Center of attraction sya sa section na nila. Bago lang ako sa section nila kasi irregular student ako dahil may foreign curriculum ang course ko kaya iba ang curriculum nila at yun na lang ang subject na hindi ko pa nakukuha. Nasa first section ako sa foreign curriculum (known as matatalino at talagang may ibubuga) kaya madaming naiinggit or madaming matang nakatingin sa mga galaw namin. May hiwalay na building kami, kasi nakahiwalay ang mga section 1 na may foreign curriculum kesa sa ibang ordinary section. Kaya ganun na lang ang inggit ng ilan – lalo na sa mga lower section (known as mga bullies at maaangas).



Pagpasok ko ng classroom nila, nagulat ako kasi ang daming tao. Hindi ako sanay kasi nga sa curriculum namin ay nasa 30 lang kami, pero sila na nasa ordinary section ay more than 50. Magulo sa loob ng room. Nakakatakot. Maiingay, at may nagbabatuhan. May mga grupo ng lalaking nagdadaldalan at ang isa sa kanila ay parang masama ang titig sa akin. Hindi ko naman sila pinansin at derecho ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kamila.



 “ Hi, I am Leonrap. I’ll be your new classmate here. I was an exchange student and I have been to… blah blah blah…. …………… blah. Blah……………..blah………….”



At habang akoy nagpapakilala sa harap, napansin kong nakatitig pa din sa akin ang isang lalaki sa may bandang likuran. Naka-dekwatro na upo,.. may hawak syang bolpen na ipinapaikot nya sa kayang mga daliri,.. ngumunguya ng gum, at hinihimas ang kanyang baba na para bang ako’y kinikilatis ng mabuti… Na para bang may binabalak na masama sa akin. Hindi ko sya pinansin at akoy patuloy na ipinakilala ang sarili ko sa iba.. Pero ang lalaking iyon ay nakatitig pa din sa akin na kulang na lang ay tubuan ng sungay at umusok ang paligid….






Itutuloy….









( ang mga eksena, panahon at oras ay sadyang binago ng may akda para sa ikagugulo ng storya at para lalong maguluhan ang mga mambabasa. Ito ay binago at ginawang moderno,  subalit hango pa din sa orihinal na storya (Blog ibig ni Akoni). Ito ay base lamang sa role or character ng nasabing tauhan )




(sundan ang Part 2 ng kwento)





11 comments:

Kamila said...

natawa naman ako... kailan ba ako uminom at may mga bagay yata akong di nagawa ng maayos? hahahaha... ligaw na bala pangalan ko ah.. nagkalat! hahahaa hindi sa ayaw ko.. gusto ko nga eh... kaso bakit? bakit niyo ko pianpasikat? lol hahahahahhahaha kapal ko.

tara aral tayo sa korea!!

Anonymous said...

aba ang haba ng hair ni meimei (kamil) ah.. hehe!

natawa ako don sa last part ng kwento hahaha.. ang bait ng anak ko ah.. hehe!

musingan said...

ahahaha... ang galing... nice naman.. at nagawa mong ibahin ang sitwatsyon at may sarili kang version nito.. anyway... aabangan ko yan...

ako naging exchange student din ako.. sa totoong buhay.. hah...

tapos naging center of attraction din.. parang apple of the eyes... charing...

Diamond R said...

ahahaha. nakakatuwa naman ito. Pinapabilib niyo akong talaga.Magaling.Simple pero kita ang talento.

Aabangan ko ito dahil masaya.

Akoni said...

HAHAHAHA..at ginagawa talaga...

pero baka magka-conflict ang story natin...kasi susulpot ka pa don sa akin e...hahaha..exciting to, magkadugtong ang bituka ng kwento natin..LOL

twelveounces said...

ahaha nice..ang side ni leonrap wakeke. astig astig!

Rap said...

Kams - isa ka kasing babaeng KALAT!!! ahahaha



mommy - oo ang bait ng anak moh! ang layo ng ugali sa nanay! ahahaha



Al - wow, talaga, san ka naging exchange student?.... may apple of the eye pang nalalaman.. ahaha... idedefend ko lang kasi ang side ko sa kwento ni ungas....



DiamnondR - lol... salamat.. kasama ka sa kwento ko... abangan mo lang din.



Ungas - di ito magkakaconflict... ang ending ng kwento ko ay nakadepende sa kwneto mo.. kaya hihintayin ko muna ang mga susunod na magyayari bago ko tapusin ang side ko...


pero eto na ung kunyaring past ko. ahaha... eto ung moment na dumating na ako sa kwnto moh.




Kraehe - oo tama. side ko ito!! AKO ANG BIDA DITO!!! AHAHAHAHA

musingan said...

secret... di ko sasabihin kung saan ako naging exchange student .. baka mabuking mo akong nagsisinungaling.. ehehehe...

Rap said...

Al - lol ka.... kala ko naman totoo.... akala mo din ba totoo tong mga pinagsasabi ko dito?... 100% fiction to! ahahaha

Armored Lady said...

may bago na nmn akong aabangan...hahaha...

gusto mo pakita ko sau picture ng ex ko...? sa next post ko...

thank you nga pala at
isa ako sa mga starring dito sa post mo...more powers..bwahahaha ^_^

Rap said...

ahahaha... bahala ka...


no prob.. soxal dba?... nakarating tayo korea!.. pero im planning na mag tour dun kasama isang friend ko next year... nagiipon na ako para kumuha ng passport. ahaha passport lang. ung pang plane ticket ay may 1 year pa para mag ipon! ahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...