Sunday, April 3, 2011

Buhay sa likod ng Kamera

Dahil sa napapalapit na pagbabalik ng bahay ni kuya sa TV, at dahil sa nasimulan kong post about sa experience ko na isa akong artista sa Bahay ni Kuya (wag ka ng kumontra hehe) eto at nabasa ko ang post ni mareng Jhengpot about sa Pinoy Big Blogger. Ang ganda ng pagkakakwento nya kahit mukang masama na naman ang image ko base sa experience nya.. hehehe... JOke. (kung gusto nyo pang malaman ang ibang random facts about sakin, check nyo lang ito - Random facts)


Dumating talaga sa point na gusto kong makasali sa PBB. Hindi ko lang itinuloy dahil kung anu-ano na namang salita at sermon ang maririnig ko from my parents kapag tinuloy ko. Mag-aral na lang daw ako nung mga panahong iyon. Hindi ko na alam kung kelan nag-start ang PBB dito sa pinas kaya hindi ko na din alam kung anong year ako nun sa college. Basta ang naalala ko lang, nung mga panahong naghahanap kami ng pwedeng mapag-OJT-han, nagpunta kami sa ABS-CBN para mag-aapply. At dahil andun na din naman kami sa may Mother Ignacia at Timog Ave, dumaan na din kami ng GMA7 at syempre sa Pinoy Big Brother House....

laitin mo ako sige lang! ahaha

May kaliitan lang ang bahay ni kuya kung ito'y titignan mo lang sa labas. Tahimik na parang walang tao sa loob, may mga guard lang na nakabantay syempre. Malaki lang talaga ang nagagawang enhancement ng camera effects kaya mukang napakalaki ng bahay sa TV tuwing eviction night. (pati studio ng Game KNB ay maliit lang, mukhang malaki lang sa TV) 


Sa larawan makikita ang pangit kong itsura nung kami'y naghahanap ng company for OJT. Haggardness to the max. Lakad marathon ang drama. At nung napadaan kami sa bahay ni kuya (ako, at 3 classmate kasama si EX), syempre kanya-kanyang hanap ng spot at sariling sikap na sa pagkuha ng picture. ahahahaha.... Nagpunta ata kami dito nung panahon nila Kim Chiu, so, nung PBB TEEN 1st edition, tama ba ako?... OO TEEN EDITION NGA YUN!


So ayun, I am now contented somehow kasi atleast kahit papaano, I was there in front of Kuya's house. Okay na sakin yun. Ang tunay na drama ng buhay ay wala sa likod ng mga camerang nakatutok sayo,... wala sa dami ng fans na sumusubaybay sayo,... at wala sa itsura ng tao.... kundi ang totoong drama ng buhay ay ang pang-araw-araw na kaganapan at pangyayari sa buhay moh. Ito ay kung papaano mo hinarap ang sarili mong problema, kung papaano ka nagpakatatag sa buhay.. kung papaano ka lumaban para ikaw ay mabuhay ng marangal at lumaking ng may sapat na kaalaman... Tayo ang tunay na artista ng ating buhay. Tayo lang at wala ng iba!


15 comments:

Kamila said...

humahanep sa mga huling linya! hahaha.. pero kung bibigyan ka ng pagkakataon na sumali at mapabilang sa PBB.. gusto mo ba?

at kung gusto mo.. tara sa mga susunod na PBB! hahahahahaha

Bino said...

kailangan yata sa pbb eh mga madadrama ang buhay hehehehe

Rap said...

kamila - OO kams!!! kaso ayoko pumila eh.. gusto ako ung tatawagan nila pag mag audition.. ahahahaha... choosy?



Bino - madrama buhay ko... akala nyo lang hindi.... ahahahaha ^^

Anonymous said...

bongga ang last lines.. tama ka rap, sayang sana sumali ka this year para may taga mura c kuya.. hahaha! tpos ikaw ang unang lalabas sa bahay. hehe

Anonymous said...

bongga ang last lines.. tama ka rap, sayang sana sumali ka this year para may taga mura c kuya.. hahaha! tpos ikaw ang unang lalabas sa bahay. hehe

Anonymous said...

hayip sa banat! haha

tayo ang talagng artista ng bwat buhay naten, yun nga lang, hindi naten kung kelan matatapos at kung anung meron dun sa ending na yun,


:)

Anonymous said...

bongga ung last part..pero pangarap ko din makapasok sa bahay ni kuya.. :))

Akoni said...

ano kinain mo noon sa huling linya ka na? hehehehe..pahingi ako...hindi ako pwedi dyan sa PBB kasi mahiyain ako..LOL..saka kulang pa sa kapal ang mukha ko.hehe

Rap said...

ahahaha... ANO BA MERRN SA LAST PART AT PARANG AMAZED NA AMAZED KAYO?....

Rap said...

mommy - ahahaha... ok na sana eh.. kaso may kasamang "unang lalabas".. ahahaha....



theo - tama ka jan.. pero dapat maging handa tayo sa kung ano man ang pwedeng maging ending nito dba?...

Rap said...

bhenipotpot - ok lang mangarap.. walang masama dun... go for it!! hehehe



akoni - anong nakain ko?... wala. TAE siguro. ahahaha... kulang p[aba sa kapal yan pagmumuka moh?... tara pakapalin natin... punta ka vulcanizing shop. lol

jhengpot said...

dearest rap,

sana wag mung isiping inaapi kita, iyon ay kathang isip ko lamang.

gumagalang,
jhengpot

hehehe... xempre the best ka, wag ka maxado magpapaniwala sa mga pinagsasabi ko, char lang yun! Sayang! Ehdi kung nakasali ka kinabog mo si Gerald anderson, at ang patok na tambalan sana ngayon ay KIMIRAP...hahaha

Rap said...

Jhengpot - sino ba may sabing naniniwala ako sa mga kathang isip mo?... ahahaha... at gusto ko ung sinabi mong KIMIRAP! ahahaha... apir!

egG. said...

ganda nung sinabi mo sa huling paragraph.. kahit ako gustong gusto ko makasali sa PBB kahit audition lang maranasan kaso sa audition pa lang ang hirap na kasi super mega haba ng pila.. heheheh... ayun di ako umabot sa numbering at sumuko na din.. hehehe...

haayyys sana magkaroon din ako ng picture na nasa harap ng big brother house... hehehe.. ang layo kasi ng QC lol

Rap said...

egg - ang may sense lang kasi ung last paragraph eh noh?... ahaha... dayo ka lang 1 time.. try mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...