Tuesday, April 26, 2011

Masama na kung masama, eh ikaw?




Hindi ako masamang tao….
-           kasi hindi ako PLASTIK para magbait-baitan sa iba.
-          Kasi hindi ko itinatanggi na may mapanuri akong mata at mapanlait na pananalita.
-          At hindi ko lang kasi kayang itago na lang ang sama ng loob ko kung minsan.


Hindi ako masamang tao…
-          Dahil wala pa naman akong binabayaran at inuutusan para pumatay tulad ng iba.
-          Dahil hindi ako isang politiko na nangungurakot at nagnanakaw.
-          Dahil hindi ako nagbabanta sa buhay ng iba, hindi ako nagbibigay ng death threat at kung ano pa man.


Hindi ako masamang tao…
-          Kasi sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin, kung ano ang aking nakikita at napapansin. Lahat ng iyon ay katotohanan lamang.
-          Dahil sa kadahilanang nakagawa ako ng hindi mabuti sa kapwa.  Ano bang basehan mo sa paggawa ng kabutihan?





At higit sa lahat,







Hindi din naman ako mabuting nilalang…
-          May limitasyon ang aking kabaitan. Dahil kung magpapakabait ako sa lahat ng pagkakataaon, parang niloko ko na din ang sarili ko at nagbulag-bulagan ako dahil may mga taong umaabuso sa kabaitang iyon.
-          Hindi ako namimigay ng limos. Kung gusto kong tumulong, tutulong ako. Hindi ako bayani para bigyan ng limos ang lahat ng nanlilimos.
-          Ni hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagsimba. (1 beses lang ata, simbang gabi pa yun). Aminado ako, na hindi nga ako nagsisimba… pero kung ikukumpara mo naman dun sa mga “nagbabanal-banalan” na halos araw-araw may novena, lingo-linggo ay present sa simbahan, nag-aalay, may padasal pa, pero kapag paglabas ng simbahan at kung may gulo sa pamilya ay kung anu-ano nang masasamang salita ang sinasabi nila! Anong sense nun pag-novena, dasal at alay mo hindi ba?




So anong meron kaya nasabi ko ito?.... wala lang. EMO much. Ahahaha. Ang sa akin lang, bago ka humusga ng tao, bakit hindi mo muna husgahan ang sarili mo. Saan ka ba nabibilang?... Or baka naman hindi mo pa kilala sarili mo kaya minsan, salawahan  ka. Feeling mo mabait ka, pero may sungay ka pala. Or vice versa, akala ng iba napakasama mong tao, pero nagkakawang-gawa ka naman. Sadyang magulo ang buhay. Kung hindi ka magpapadala sa sinasabi ng iba, hindi magbabago ang pananaw mo dito at hindi magbabago ang ugali mo kung sino ka man. Ang pagkilala ng kapwa ay nagsisimula muna sa pagkilalala mo sa sarili moh… Kung hindi mo kilala kung sino ka, TALO KA!

















16 comments:

Nimmy said...

STANDING OVATION!!!!

Anonymous said...

palakpakan!!!! hehehehe.

serious mode

tama naman.

nakakasawa maging mabait

pero ayoko din maging masama

dapat tamang timpla lang.

Bino

Anonymous said...

anong nakain mo rap? hahaha.. clap'clap'clap.. ikaw na ikaw na.. hehehe

Lhuloy said...

jajaja...natatawa ko sa mga coments nila...jajaja...teka madalas ktang sbhang hang salbahe mu ah...me knalaman ba toh dun?!

eniwi...u got an exclamation point dun....chaaar....ang blood pressure tumataas.....

Diamond R said...

at sino ang umaaway sayo bugbugin na tin sa pagmamahal.

hataw ang emo. Ok ka lang ha?

iya_khin said...

di din ako mabait pero di din salbahe...wala akong sungay wala din bilog?!! ano ba?! wahahah

papakatotoo lang! walang perpekto!

tabian said...

tomo! point well said...go for gold! weee! :)

Anonymous said...

ntawa ako sa standing ovation..hahaha



may kaaway ka tsong??:)

twelveounces said...

hala, hush na. sino kaaway mo? tara upakan na yan XD

eMPi said...

Agree ako doon sa mga nagbanal banalan.

Kamila said...

anong malago? este anong meron?

MASAMA KA MASAMA KA MASAMA KA! Chos lang...

Wag ka matakot kung may mga taong gusto abusuhin ang kabaitan mo. Basta be kind... yaan mo if others are not kind..

musingan said...

tama ka dyan pare.. bago mu hustgahan ang ibang tao.. husguhan mo muna ang sarili mo.. bago ka mag joke... kurutin mo muna ang sarili mo... napakadali ang magmasid.. pero napakahirap ang umunawa... hayst tao nga naman.. teka.. bakit may nanggaganyan ba sa iyo? sino pare.. sabihin mo...

tama ka sa lahat ng sinabi mo sa taas... hindi ka masama at hindi ka mabuti... TAO LANG... at yang ang dahilan kaya ka nagng perfect... kasi tao ka na nagkakamali... I like it talaga... dahil dyan.. pahingi ng permisyo mo hah.. gawin ko rin ito some other time...

Akoni said...

wala akong pakialam sayo...hehehe..hahahaha...Just go with it, sabi nga sa movie ni adam sandler at aniston

Rap said...

wala akong kaaway... walang umaaway... trip ko lang mag emote paminsan-minsan! ahahaha... salamat naman at may mga umaagree...



natawa din ako sa standing ovation ni nimmy! ahahah... adik lang eh.

emmanuelmateo said...

in short, we have all distinct charactersitics that other persons dont have..stay nice always

good am po

Nortehanon said...

Know thyself, sabi nga :)

Miss N of
http://nortehanon.com

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...