Friday, April 22, 2011

tanong mo, gagaguhin ko (part2)



Q: sinong pipiliin mo?.. ang taong mahal mo pero di ka mahal?..o ung mahal ka pero di mo mahal?
A: ay naku, nakakasawang tanong na yan.. ^^


Q: Kapag nasa Starbucks ka, ano lagi ino-order mo? =D XD XD XD
A: java chip... chocolate cream chip, strawberries and cream, belgian waffle... yan lng mga favorite ko.


Q: kangaroo ba si Doraemon? bakit meron cyang Pouch sa may tiyan nya? haha
A: bwahahahaha.... tae ka, humanap ka ng kausap moh!!! kung ikaw nga may sungay eh, demonyo ka?


Q: anong sakripisyo ang gagawin mo ngayong holy week?? sarahnghae asked their followers (?), yesterday
A: bawasan ang pagmumura.... ^^... this holy week lang ah.. next week, back to normal uli! ahahaha


Q: kung hayop ka...nung klaseng hayop ka...at y?! from lhuloy, 2 days ago
A: panda!!! ahahaha... wala lang.. cute sila ^^


Q: Virgin ka pa ba? 2 days ago
A: ahahaha.... bkit interesado ka?....ahahahaha


Q: Anong gagawin mo kapag me nakabanggang kang panget? Tas na-love at first sight sayo? 2 days ago
A: sasabihin ko ganito... "oooppps, sori po... si tayo talo!!!"


Q: Ano tingin mo sa mga taong masusungit pero gwapo/maganda? 2 days ago
A: duh?! tinatanong pa ba yan?.... sus, eh normal lang SAMIN yun! ^^


Q: Nakasakay ka na ba ng MRT/LRT? Kamusta naman ang biyahe? 2 days ago
A: oo naman... ayun, daming manyakis! LOL. yung iba natutuwa kasi siksikan.. ipaparamdam ng iba ung dapat iparamdam sayo! wahahahahah *demon grin*


Q: Anu masasabi mu sa royal wedding nina Prince William at Kate? from bigbro09, 3 days ago
A: WLA ME CARE!!! di naman ako maaambunan ng kahit anong biyaya man lang from them.


Q: bakit ako maganda? from MommyRazzz, 3 days ago
A: next question please!!! ahahahaha


Q: bakit 2 ang butas ng salawal?? from bigbro09, 3 days ago
A: ano gusto mo, tatlo??? choosy!! ano naman isusuot mo sa pangatlong butas? ahahaha


Q: anu gagawin mu kapag nalunod ka sa kalahating basong tubig??? 4 days ago
A: magpapa CPR ako!




At eto naman ang ilang sagot nila sa tanong ko:
(ang may * ay ang violent reaction ko naman)


Q: bakit ka gumawa ng formspring??? eh wala naman tong kwenta. ahahaha
- dahil walang taung kwenta hahaha (MommyRazzz responded to you, 3 days ago) 
* pati ako dinadamay mo... hmpf. ^^


- wala lang gaya gaya puto maya lang sayow!!!! ahahahaha (bigbro09 responded to you, 3 days ago)
* kasalanan ko pa pala... hehe


hahahah eh bat ka nagformspring xD (rikaichijo responded to you, 3 days ago)
* magaling kang sumagot ah.. lab it! ahaha

para mastalk kita? haha (gyver responded to you, 3 minutes ago)
* tado ka!!! 


Q: takot ka ba sa tarantula?..... eh sa akin, takot ka? lol
- bkit tarantula ka b? cnu ka ba? hahaha (MommyRazzz responded to you, 3 days ago)
* lol ka mommy!


- sa tarantula oo. sayo..... ahmm.. magtalukbong na lang ako ng kumot lol hahahaha jowkkk (bigbro09 responded to you, 3 days ago)
* anong meron sa kumot? ahahahaha... buset ka!!!! 


- hahahaha hindi (rikaichijo responded to you, 3 days ago)
* mabuti naman! 



- bakit, nangangagat ka ba? (gyver responded to you, 13 minutes ago)

* nangangagat ba sila? hehehe... di ko alam eh. takot kasi ako! ^^




Q: kabisado mo ba panatang makabayan?
- oo, recite ako ng konti.. 'panatang makabayan, iniibig ko si kabayan'.. haha (MommyRazzz responded to you, 3 days ago)
* crush mo si Noli de Castro mommy? 

- iniibig ko ang pilipinas ito ang tahanan ng aking lahi sisikapin kong makabisado ito sa isip salita at sa gawa.... bow!!!!! :D (bigbro09 responded to you, 3 days ago)
* oo, kabisaduhin mo ah... 



tanong part 1

pwedeng idrop nyo din ang mga tanong nyo sa formspring box ko, located sa "About dito" tab ng blog ko... yun ay kung wala lang kayong magawa... hehehe






ang tahimik kasi ng blog... walang magawa... ayun, gumawa me ng signature. ahahah... naiingit ako sa ibang meron eh! ahaha...








signature 2

7 comments:

arvin bautista said...

kaw na mahilig sumagot sa formspring! heheheh

Kamila said...

dahil wala ako magawa..sasagutin ko na lang mga tanong din.. wag kang epal.. sa gusto ko eh.. at comment ko toh eh.

Q: sinong pipiliin mo?.. ang taong mahal mo pero di ka mahal?..o ung mahal ka pero di mo mahal?

--pwede ka naman pumili ng taong mahal mo na mahal ka din. mukha lang impossible pero possible yun.. it's either di ka lang naghahanap o hindi pa siya dumadating.

Q: Kapag nasa Starbucks ka, ano lagi ino-order mo? =D XD XD XD

--mocha tall, hindi ko na maalala actually kung ano inoorder ko dati.. sapat na sa kin ang amoy ng starbucks.. nagigising na ko. di rin ako adik sa strabucks.. pero aaminin ko na hindi ko kaya magtimpla ng ganun sa bahay kaya sulit ang 1 or 2 bucks ko.

Q: kangaroo ba si Doraemon? bakit meron cyang Pouch sa may tiyan nya? haha

--Pusa siya. Kung nagpapatawa ka sa tanong mo? Di ako naentertain..so chupi!

Q: anong sakripisyo ang gagawin mo ngayong holy week??

--hmmmm nagdasal lang ako.. mga isang minuto lang.. pero dahil kinokonsensya ako ng post na ito, magdadasal ulit ako mamayang gabi. Ay parang di sakripisyo yun ah, actually wala yata... ano ba yan.. nakakahiya naman.

Q: kung hayop ka...nung klaseng hayop ka...at y?!

--una sa lahat, ayuko maging hayop.. at ayuko nung feeling na may option ako maging hayop.. pero para di kj, gusto ko maging langgam, para patay ako agad.

Q: Virgin ka pa ba?

--hindi. prangka lang. nakakatakot man sagutin toh, pero naisip ko, hindi naman ako whore para ikahiya toh... hindi ko rin naman pinagyayabang...

Q: Anong gagawin mo kapag me nakabanggang kang panget? Tas na-love at first sight sayo?

--edi ma-iinlove.. ano ba? kailangan ko ba gumawa ng manuscript about this?

Q: Ano tingin mo sa mga taong masusungit pero gwapo/maganda?

--ayuko sa mga ganun... I mean.. san ba nila nakuuha yung confidence nila? sa mukha nila? nakaka-turn off pag ganun... hindi humble...

Q: Nakasakay ka na ba ng MRT/LRT? Kamusta naman ang biyahe?

--both oo, madalas nga lang ang LRT kase taga manila ako... okay lang.. may one time sumakay ako lasing.. di ba bawal lasing dun.. at madalas siksikan, pero magaling kase ako makipagsiksikan.

Q: Anu masasabi mu sa royal wedding nina Prince William at Kate?

--ako lang yata waley care sa mga ganito.. edi magpakasal sila.. di ko lam bakit big deal.. may mabuti bang idudulot toh sa buhay ko? yayaman ba ko?

Q: bakit ako maganda?

Maganda ka memey kase masayahin kang tao... nakakaganda yun.. at isa pa confident ka na sabihin mmong maganda ka..so most likely.. oo maganda ka.

Q: bakit 2 ang butas ng salawal??

-yung butas ba na tinutukoy mo eh yung para sa paa? ewan ko..dahil kailangan?

Q: anu gagawin mu kapag nalunod ka sa kalahating basong tubig???

--ewan... i-ttwit ko..

Q: bakit ka gumawa ng formspring??? eh wala naman tong kwenta.

--yun na nga eh di ko makita sense eh, kaya denelete ko na lang

Q: takot ka ba sa tarantula?..... eh sa akin, takot ka? lol

--yung mga gagamba na mukhang tarantula na pero OA lang ako... OO.. sayo? hmmm.. hindi..

Q: kabisado mo ba panatang makabayan?

--hindi ko sure..
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan..
---- hanggang jan lang.. haahhaha




------------at yan ang kalokohan na sinasabi ko..

at ang ganda ng signature mo! I pramis~

Leonrap said...

ahahaha... wow.. at todo effort ang Kamila sa pagsagot ng tanong... ahaha.... wala nga din akong magawa kaya ko pinost yan eh... salamat sa pagsagot... ang drama ng iba ah... naiisip ko tuloy ikaw ba yan? lols...


signature ko?... ang haba ng oras na sinayang ko jan.. tinry ko din ung blog icon, pero ewan ko kung tama ba o mali ginawa ko.. walang ngyari eh... hehe...


at dahil mahaba comment mo, siguro pwede na din itong haba na ito... hehe...

egG. said...

laughtrip... sige babatuhin pa kita ng maraming tanong... hehehehe..

abangan!!! char!!!! lol...

natawa ako dun sa last. me strikethrough pa talaga eh... lol

Diamond R said...

Parang di pwede sa aking ang formspring.tamad kasi ako magsasagot kasi sinisiryoso ko ang bawat tanong.

good morning rap.aha ha. meron naring signature.

musingan said...

ahahaha.. parang gusto ko na uilit mag formspring... ahahahha... wiinkkksss... na enggit na naman ako... ehehehe...

Leonrap said...

arvin - hehehe.. wala lng me magawa nyan...




egg - nakakatawa din kasi mga sagot nyo eh...




acre - nasa sayo nmn un kung seseryosohin mo ung pagsagot eh... in my case, nakakawalang gana kung seryosong sagot ang isasagot ko... kelan ba ako nagseryoso? ahahaa....





al - gawa ka na kasi eh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...