Kupal meets King Kupal.
Naging close kami ni Kamila. Naging close ko din ang mga friends nya, at ganun din sya sa mga friends ko. Nagbibiruan kami. Madalas magkasama sa kainan, sa lunch at parehong nagkokopyahan sa assignments. Ahaha. Basta masayang kasama si Kamila. Tulad ng sinabi ko, center of attraction sya sa kanila kaya no wonder na madaming boys din ang nagkakagusto sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya!. Maganda na, sexy pa, mapera pa! ahahaha… Pero bukod tanging napahanga ako sa kanya ay wala sa pisikal na bagay, kundi sa kabutihan ng kalooban nya. Mabait sya, supeeeerrrrr! Basta iba feeling ko kapag kasama ko sya. Parang nasa cloud nine ako. Masayang-masaya akong kasama sya. Hindi ko siguro mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya or hindi ko sya naipagtanggol man lang….
Hanggang sa may nakasalubong kami isang araw na grupo ng mga kalalakihan na papunta naman samin at tila papalapit sa aming dalawa ni Kamila… Pamilyar ang itsura nila, lalo na yung nasa gitna, na leader ata nila… Papalapit nga sila sa amin… Palapit na ng palapit….
“Kamila, kamusta?”, ito ang maangas na salitang lumabas sa bibig ng lalaking leader nila.
“ah, ako? Mabuti at ayos naman ako. Hehe”, sabay sagot ni Kamila na mejo nangingiti at halata sa kanya na may konting takot at hindi sya makatitig sa lalaking iyon…
Tumingin uli ang lalaking iyon sa akin.
OO, Tama! Sya nga! Naalala ko na, kaya pamilyar ang pagmumukha ng mokong na iyon kasi sya ang lalaking nakatitig din sa akin nung ako’y nagpakilala sa classrum kanina. Sya ang lalaking masamang makatingin sa akin kahit ako’y walang ginagawang masama sa kanya. Hindi naman sya katangkaran, halos pantay lang kami sa height. May yosi sa isang kamay pero walang sindi.. Maayos naman ang pananamit kahit papaano, pero halatang may angas sya. Hindi din naman kalakihan ang katawan, tama lang. Pero mayabang. At hindi naman sya kakinisan tulad ko. Ahahaha. So sa isip ko ay mas lamang pa din ako sa kanya.
“Hi, I’m Leonrap nga pala. Your new classmate.”, sabay offer na makipag shake hands sa kanya pero deadma lang sya.
“Akoni, itigil mo nga yang ugali mong iyan. Kaya madaming nagsasabi na hindi ka nila gusto kasi hindi ka friendly eh…” bigkas ni Kamila na wari’y ipinagtatanggol ako. “Leonrap, sorry ah, ganyan talaga yan eh, maloko yan sa class natin kaya ganyan.. hehe. Pagpasensyahan mo na ah” , sabi ni Kamila.
“ahahaha. Yun ba? Sus, wala yun. Ok lang ako salamat”, sagot ko kay Kamila at sabay offer uli ng shake hands sa lalaking iyon… “Kilala mo na ako ah, Leonrap!”.
Tinanggap din nya ang shake hands ko kahit mukang napilitan lang sya. Napilitan kasi tinapik sya ni Kamila. Sumagot naman ang lalaking iyon sa wakas. “Akoni, pare!”
Pero may angas pa din at tila may pagbabanta. Hindi ko na pinansin yun, ang mahalaga, naipakilala ko ang sarili ko sa lalaking mayabang na iyon. Yun ang pagkakataong nagkaharap kaming tatlo. At dun ko din nalaman ang name ng mayabang na iyon. Sya pala si Akoni.
Itutuloy…..
( ang mga eksena, panahon at oras ay sadyang binago ng may akda para sa ikagugulo ng storya at para lalong maguluhan ang mga mambabasa. Ito ay binago at ginawang moderno, subalit hango pa din sa orihinal na storya (Blog ibig ni Akoni). Ito ay base lamang sa role or character ng nasabing tauhan )
16 comments:
paktay, laban na ito!.. bawi ka anak ko, bawi ka.. hahahaha.. peace rap..:))
wow! lumalabang post! MAGKARIBAL mode! hehehe
Maganda na, sexy pa, mapera pa!
Mabait!!!!!!!!!!!!!!!
<-----deads na ako...
iisipin ko na lang na hindi ako yan! mukha naman hindi ako yan eh.. hahahahah
Ang haba ng hair ko.. pa-sway sway pa..
Ay!
di nga pala ako yan.
bigla akong nagising sa kinauupuan ko ngayon.Naubo tuloy sa kakatawa.ahahaha.di ko type ang ginagawa mo sa aking kaibigang si akoni kahit makinis ang iyong balat.Babanatan ka namin humanda ka.transfer ka lang joke.
the battle between akoni and leonrap officially starts now. haha
mommy - stage mom? ahahaha... ako ang bida dito ngayon mommy! ako!! ahaha
bino - magkaribal ba? sya si Victoria, ako si Vera? lol... pwede din imortal.... ako ung taong lobo, sya wala lng, ordinaryong nilalang na namamatay. ahahahahaha ^^
kamila - pa sway-sway pa ang hair ah... sunod sa galaw ba?... ano yan, rejoice or nag pa hot oil?
DiamondR - ahahaha... grabe, kahit ako ang bida dito, ako pa ang masama.. ahahahaha.... natatawa nga din ako sa description nya na DI SYA KAKINISAN eh... super tawa! lol
charles - oo, wala pang climax jan! ahaha
labanan na ba ito???
ay susubaybay :)
hahaha...magaling Kups, magaling...hahahaha..actually, tinatamad na akong dugtongan kwento ko, pero dahil sayo.....ITULOY ang laban...hahaha...magaling..haha..sobrang tawa ko, yan ang gusto kong asta noon HS, ung maging maangas..pangarap ko yan, at least natupad dito sa kwento mo...hahaha...cooollll
hala! suntukan na ba to? sa pula sa pula...sa puti sa puti XD
waaajajajajjaja...grabeeehhhh...
wulo loooonggg...jejejeje..
JAy - salamat... hindi ito laban... pero parang ganun na din.. ahaha..
Kups - talaga ganun gusto moh?... dahil jan, bayaran mo ako! ahahaha palong palo nga description ko sayo eh... pero di ka pa din kakinisan! ahahaha
kraehe - pwedeng BAYONG na lang?. lol. pera o bayong? BAYONG!!!
lhuloy - gawa ka din daw sabi ni akoni ng sa side moh... para masaya
sana di mo na nilinaw sa dulo para naguluhan tlga kami! sarap mu kutusan rap! haha.. pakigandahan ang role ko ha... hehe..abangan ko yan..
jhengpot - kelangan linawin para walang conflict sa mga characters.. hehe... ang hirap kaya isipan ng kwento ung side ko... dapat nga kasi bagay sa kwento ni Akoni... ung sayo kelan mo gagawan ng kwento?
tsaka na pag aping-api na ko..haha
jengpot - ayun oh.. gusto mo palang maging api!? ahahaha... maedit nga ung role mo sakin... ahaha...
Post a Comment