"dumarating sa buhay ng tao na kelangan nyang umalis dahil may mga bagay na dapat nyang mas bigyan ng pansin sa mga darating na araw..."
Sa aking huling araw sa piling mo, naramdaman ko ang kalungkutan sa sarili ko. Hindi ko maitatanggi yun... OO malungkot at masakit iwan ang mga naging kaibigan mo sa loob ng 2 taon. Pero kelangan eh... Mas mahirap kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa piling mo dahil nakapagdesisyon na talaga ako. Matagal ko ng gustong gawin ito at SA WAKAS NAGAWA KO NA. Hinding-hindi ko ito pagsisisihan, sa halip ito ay tatanawin kong utang na loob sa iyo.
Sa loob ng 2 taong paglilingkod ko sayo, binigay ko ang lahat. Hindi man ako performer pero sinikap kong walang ibagsak na kahit anong metrics. Naging maganda ang nagdaang 2 taon ng buhay ko. Marami akong nakilala na mga bagong kaibigan... maraming bondings ang naganap. Maraming puyatan ang aking naranasan. Maraming holidays din ang hindi ko naenjoy kasi ako'y nagtatrabaho sa piling mo... Wala akong sama ng loob sa iyo. Totoo un! Infact, I just wanna thank you for the experience you've given me. Pero dumarating sa buhay ng tao na kelangan nyang umalis dahil may mga bagay na dapat nyang mas bigyan ng pansin sa mga darating na araw. May mga bagay na akala mo ay okay na, pero hindi pala. Kaya ang ibang tao ay lubos pa din humahanap ng paraan para makamit ang pinapangarap nila....
April 20 - ang mismong araw ng pagsasama natin sa loob ng DALAWANG TAON. At ito din ang MISMONG ARAW NANG AKO AY UMALIS SA PILING MO.
Tulad ng sinabi ko, hindi ko maitatago ang lungkot sa aking mukha. Naluluha akong nagpaalam sa mga naging kaibigan ko... sa mga naging teamates ko... sa TL ko... Mas naluluha pa ako nung hawak nila ang kamay ko ng mahigpit, tila ba ayaw nilang kumawala sa pagkakadaupang-palad namin. Ayaw nilang bitiwan ang tali ng samahan namin sa mga oras na iyon. Samahan na hinubog at pinagtibay sa loob ng 2 taon. May mga taong pumipigil sa aking pag-alis, pero MAY ISANG SALITA AKO... Gagawin at itutuloy ko pa din ito... Alam ko naman hindi sa ganung pagkakataon lang magtatapos ang samahan namin eh. At dahil dun naiiyak na talaga ako habang tinatype ito... di ko maiwasang humagulgol ngayon... pasensya na....
Mababaw lang ang luha ko pero kelangan kong isalaysay ito para na din sa ikagagaan ng loob ko. At sa mga oras na iyon, iniisip ko na kung paano ako magpapaalam sa kanila. Iba-iba kasi ang oras namin kaya ung iba mauunang umuwi kesa sa akin. Ang ginawa ko habang ako'y naka break at naka-lunch, isa-isa ko silang nilapitan at sabay sabing "bye bye na... salamat!".. Sabay yakap at palitan ng mga pasasalamat sa isa't-isa... At habang ginagawa ko iyon ay naiipon ang mga luha sa gilid ng aking mga mata, pero hindi sya tumulo. Naluluha lang.
After ng shift ko, nagdecide kami ng ilang ka-batchmate ko na mag dinner kasama ang TL ko. 2nd anniversarry din naman kasi namin eh, despedida ko na rin... At tapos nun, kanya-kanya na kami ng lakad pauwi...
Malungkot na masaya ang feeling ko. Basta, mixed emotions ako nun.
April 21, 2011
Bumalik uli ako sa TeleTech para magpa-clearance. At alam kong yun na din talaga ang huling pagkakataon na makapasok ako sa loob at huling pagkakataong makita ko silang lahat. Ninamnam ko ang bawat pagtapak ko sa floor na aking dinadaanan. Slow motion akong naglalakad. Pasulyap-sulyap sa mga lugar na lagi naming pinupuntahan. Gusto kong maalala man lang ang mga masasayang pangyayari bago ako tuluyang umalis...
Wave 15 during training 2009 |
graduation from training 2009 (9 na lng silang natitira sa ngayon) |
farewell gift ko sa TL ko bago me umalis |
lockers area |
metric board |
pantry |
lobby |
lobby |
hagdanan |
station/pad namin |
training rooms - hallway |
CR namin |
Station ni TL - ang kalat!! |
teamates |
teamate at ako |
teamates at TL |
kami pa din.. hehe |
Thanks for the 2 years of friendship and for the memories you've given me guys. I'll never forget my last day in TeleTech...
Thanks to my wavemates, WAVE 15... and to my teams and repective TL's.
Thanks sa ibang mababagal na pc, sa mga naging stations ko, sa magulong station ni TL MIke (puro kalat)... sa malinis kong station (di ako makalat), sa food sa pantry (nung trainee pa kami), sa bathroom tissue sa CR (pag may sipon ako), sa refillable hand sanitizer (nung uso ang sore eyes), sa locker (2 years kong gamit), sa padlock ng locker (biglang nag-iba ung number code), sa smoking area (kahit di me nagyoyosi, tambay lang with teamates), sa headset ko (mamimiss ko yun!), sa softphone at kay Avaya (magkikita pa tayo uli), sa MUTE BUTTON (bestfriend ko yan! ahaha), sa game room (na parang wala lang), sa Country Style (spag at donuts lang ang favorite), sa mga discussions logs (pag bagsak sa metrics), sa IR (wala ako nun!!), sa aircon (kaya daw pumuputi ako), sa stairs na lagi namin dinadaan-daanan, sa tutut card (access card sa ID), at madami pang iba...
sa mga kalokohan, sa mga murahan at pagmumura namin sa floor, sa mga over breaks at over lunch, sa pagsasabi ng masama laban sa customer, sa mga walang prenong bunganga kung gusto namin, sa lahat ng negative na nagawa ko sa floor.. ahahah... ang saya kaya!! ^^
basta.. lahat yun, hindi ko makakalimutan... Salamat uli... ^^
i'll miss you guys... ^^,
Related posts:
9 comments:
ah.. i remembered din my last few days from Stream. relax mode na at petiks whole shift. eheheheh
tough..but the memories are not forgotten for sure! :)
nieco - hehe... ako puro wasiwas na... saang stream ka galing?.. can you tell me more about it? ahaha...
tabian - yup.. tama ka.. not unless magka amnesia ako. ahahah...
sa stream cebu. hush nalang sa dept pero tech support ng malaking computer company. ^___^
what do you want to know? subukan mong mag work dito sa cebu. tingin ko ma eenjoy mo ang ambiance. :D
namnam na namnam mo tlga....
ang susunod nmn
"bagong simula"
Good luck sau rap..kaya mo yan
FIGHTING!!!!!! ^^
nieco - hehehe.. kala ko dito sa SM NOrth branch sa QC... HP ka noh?.. un ang offer sakin eh... a friend of mine nagtour sa cebu... maganda daw ung IT park nyo jan... diko alam kung jan located ung office nyo.. ^^
clai - kunyari lng yan... ahahahaha.... salamat!!... kelangan kong mag ipon na.. ill go to seoul talaga by next year kung kakayanin ng ipon... ^^
sama ako....kung kakayanin ko din magipon..hahahahaha
clai - ahahahaha...
Post a Comment