(NOTE: Ang mga pangyayari na mababasa nyo ay matagal ng naganap. Last year pa ito... Nagbackread lang ako sa tumblr ko at nakita ko tong posts na ito. Natuwa naman ako at kelangan ishare ko senyo for entertainment purposes. Entertainment?? ahaha)
(June 27, 2010)
bday ng EX ko ngayon, at dahil close pa din naman kami, tinext ko sya kanina. pasimpleng greet ng happy bday.
AKO: Bday mo ngaun dba? tama??… naku, ang malas nmn pala ng araw na to!
EX: (replied) HAHA! pakyu ka!!!
AKO: same to u! behlat! wahahaha…
and we end up laughing sa text. tpos, di ko na uli sya tinext kasi di ko na hawak ang cellphone ko at pumasok nko sa work.. mamaya na lang uli ako magtetext sa kanya para singilin sa mga utang nya… wahahaha
---------------------------------------------------------------
may biniling oxygen tank si EX para sa acquarium nya. may alaga syang fighting fish na color blue.
AKO: ano yan?
EX: oxygen para sa isda ko
AKO: ahh, alam mo ba paglagay nyan?
EX: oo naman! ano akala mo sakin?
AKO: TANGA! (sumagot aagad ako ng di pa sya tapos magsalita). hahaha
EX: gagu ka talaga! (sabay tawa)
nung reunion namin nung friday night, atat siyang umuwi kasi di pa daw nya napapakain ung alaga nyang fighting fish. usapan overnight. before that, pinatago nya sa bag ko ung pagkain ng isda nya.
EX: uuwi din ako mamaya noh pagtapos kumain
AKO: WAG KANG UMUWI!
EX: at bkit?
AKO: di ako pwede umuwi eh, sarado na gate ng bahay namin, tulog na sila.
EX: and so? kasalanan ko? ahaha
AKO: tae ka, sige uwi ka, sama ako makikitulog ako senyo. wahahaha
EX: hayop ka!
AKO: ahaha. nasa akin ung food ng isda mo, sige umuwi ka, di ko bibigay sayo to.
EX: tae ka talaga!
Ako: ahahaha… yehey, walang uuwi! isda lang un noh. bkit magkano ba bili mo dun?
EX: mura lang, wala pang 200
AKO: gusto mo palitan ko pa yan eh
EX: sige nga
AKO: ahahah… bkit patay na ba un? di pa naman ah. ahahah
AKO: ano uuwi ka pa? ahaha
EX: *tahimik*
AKO: OK, walang uuwi guys! ahahahaa
------------------------------------
(continuation pa din ng kwentong nasa itaas)
ganun pala ang transaction sa mga motel. ngayon ko lang nalaman kasi ngayon lang din ako nakapasok together with my friends. kung may car ka or taxi, sasalubong agad ang crew sa inyo at sasabihin kung may vacant room pa o wala. kung meron, saka ka nila ihahatid sa room.
dun ko din nakita ung mga sari-sari nilang promo. kaya kami natatawa kasi may mga nakita kaming 2 hours quicky, discounted price for 5 SOLID HOURS. ahaha. ang di namin magets ay ung “5 solid hours” ano un? bakit may “solid hours” pa eh? hay, whatever. panibagong experience na naman to. Oo nga’t sa PUP Sta. Mesa kami nag-aral, madami din motel na nakapaligid dun, pero ni minsan, di namin inisip na i-challenge ang mga sarili namin na maghanap ng matutuluyan para lang magpalipas ng umaga sa labas. ahahaha. grabe, tawa lang kami ng tawa.
may crew pa ngang nagsabi sa amin na “sir sorry po, wala pong available rooms eh. try nyo lang po sa iba”. wow, complete customer sevice, may suggestion pa. sabi ko naman, “kuya, teka lang ah, madami kasi kami eh, family rooms ang hanap namin” (at tumatawa kami pati si kuyang crew ay natawa. ahaha.
infairness, maganda pala ang ambience sa reception ng mga ganun. parang HOTEL talaga. comfortable. pag naginquire ka at may room na available, tatawagin pa nila ung room number nyo at ihahatid na kayo. That’s what we have observed while waiting inside and while still deciding where to go next. may pamilya pa nga na nag-iinquire din, pero wala din silang makita dahil puno talaga.
pero para sa mga madudumi ang isip jan, lilinawin ko lang po, we ended up staying not inside a motel. walang vacant room at fully booked ata silang lahat. at gustuhin man namin matulog, ay inabot na din kami ng umaga kaya useless na din ang mag-stay dun. at we therefore conclude, di lahat ng taong gustong mag-stay sa motel ay may balak gawin ung “iniisp mo”. may mga tao din na sadyang gusto lang matulog at magpahinga dahil no choice sila at walang matutuluyan. kumbaga, kanya-kanyang trip lang yan. hahahaha
6 comments:
naks, kasi understood na ginawa ang inn para sa magsingirog na naghahanap ng lugar para sa kanilang pagpapalitan ng laway este ng pagibig sa isat isa...
tulad mo parekoy, nag stay kami ng isa kong friend (babae yan ha) para magpalipas ng gabi dahil wala na din kami matutulugan.. wala din sa isip namin yan maniwala ka, pero nung nandun na kami.. hindi maiwasan may nangyari samin hahaha.. kanya kanyang trip nga yan parekoy.. ccchheerrzzz
huaaaw ang kulets ng story!!
"muling ibalik" ang dpat titulo nito..jeje
tuhma..do porket nag-moter...ganun na..jeje
ung iba jan ngpunta ng moter pra magfield trip..jaja..
tambay - i like the way you said "pagpapalitan ng laway" ahahaha. eeewww-ness! ahaha.. at oo, naniniwala na din ako sayo! trip nyo un eh. LOL
Lhuloy - field trip??? kasi may subject silang sex education kaya kelangn nila mag trip? ahahaha Thesis pala...
Muling ibalik ka jan... ahaha.. no comment. ^^
wooooh...wari pah...jejeje
hahahahaha....
aysus! pademure ang lolo...
anyway, nasa pagtitiis yan...haha.. kahit pa wala kayo sa motel e, kung sa gedli-gedli lang e walang mga matang nakamasid, keri na! hahaha
may idea ako, sa motel tayo mag getogether ng mga blogger! wahahahaha!
jhengpot - what a good idea!! why not?? ahahaha... adik lang eh nh... nakahithit ka na naman siguro...
at di ako pa demure, mas demure sya sakin! hindi din ako manyak, kasi mas manyak sya akin.. ahahaha.. meh ganun?
Post a Comment