January 15, 2011.
Nakauwi na ako sa bahay galing Makati ng 3am. Wala sana akong balak umuwi, pero ung mga friend ko naman ay may work kinabukasan, so ako lang ang matitira at wala naman akong makakasama pa. Ayun, sabay-sabay na din kami umuwi hanggang sa marating ko ang bahay ng 3am. Natulog lang... pero mukhang di makatulog. Dahil tapos na ang "happy hour", naiisip ko na naman ang mga putangnang problema na yan....
Movie ticket |
Tinext ko si EX ko. Sya lang alam kong taong madaling ayain kung gusto kong gumala. Alam kong wala din syang pasok kasi pareho kami ng restday. Nagreply naman sya at may lakad daw sya nun. Magpaparebond daw sya sa SM North. Inaya ko syang manood ng sine. Pumayag naman sya. Pero, nauna sya sa SM dahil matagal ang rebonding session nya. Andun na daw sya ng opening ng mall at natapos ng 3:30pm. Ako naman, sumunod na lang. Sabi din naman nya na mga 3pm na ako magpunta. So saktong dating ko ay katatapos lang nya. Nanonood na kami ng sine.
Dahil hindi ko pa napanood ang ROSARIO nung december, yun ang pinanood namin. Buti na lang showing pa. Konti lang ang tao sa sinehan kasi anong petsa na. Pero maganda kasi tahimik at walang istorbo tulad ng mga bata. Maganda naman ang story. pagkatapos ng sine, syempre ako pala ang taya. Kumain kami sa Pizza Hut Bistro. Dahil daw nagdi-diet sya naghati lang kami sa isang Alfredo Pasta at isang regular na Hawaiian Pizza.
Alfredo Pasta |
Hawaiian Pizza |
orange juice (for her) and tropical fizz (for me) |
cream of mushroom (for her lang yan kasi daw para mabusog sya agad...) |
(tangnang bill yan! buti na lang may pera ako!) |
Tapos, habang kumakain, sinabi ko sa kanya kung ano-ano problema naiisip ko. Kahit papaano, gumaan na naman ang feeling ko nung gabing iyon. Masaya uli ako pag-uwi. At simula nun, sisikapin ko ng hindi mag-isp uli ng kung ano-anong problema. Iisipin ko na lang na tapos na ang lahat ng iyon, at mag-iisip na lang ako ng mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Lubos akong nagpapasalamat sa dalawang araw na iyon, dahil dun, kahit papaano nagawa kong takasan ang lungkot ko...
Previous post:
No comments:
Post a Comment