That was March 10, 2006. It happened sa SM Centerpoint/Sta. Mesa. Tandang-tanda pa ni friend ang oras, 6pm at sa escalator naganap ang matamis na OO.
Kinabukasan, sa school, masaya silang lahat. Mag BF/GF na sila. Yun ang unang GF ni friend pero si GF nya ay pang 3rd na si friend. ahaha. Si friend ay 19 yrs old, si GF ay 17. Tawag ni GF sa kanya ay "Kuya!" ahaha. Pero may terms of endearment sila na hindi sinabi sakin ng friend ko (edi sa kanila nalng yun hehe). Masaya ang naging pagsasama nila. Naghaharutan... Nagbibiruan. Magkatabi habang may mga group reviews sila. Nagkokopyahan ng assignments lalo na sa Math.. May mga moments pa ngang natutulog si friend sa lap ni GF kapag wala silang prof at nakatambay lang sa lobby. Minsan naman, si GF daw ang nakahiga sa shoulder ni friend. Tapos, pinagtitinginan sila kasi ang cute daw nila together. ahaha. Nagmamayabang pa friend ko oh! wooohhhh! Panis! ^^.
Pero since dahil March na ng naging sila, sumapit ang bakasyon... mejo naging busy si friend sa bahay at nawalan ng time sa GF. Dahil bakasyon, walang pera para magkita sila. Parehong strict ang parents nilang dalawa kaya di sila maka-alis ng bahay. Sa text lang sila nag-uusap. May time na narealize ng friend ko na mejo di nya kaya ang magkaron ng commitment sa isang relationship. Ewan daw nya kung bakit. Siguro emotinally not prepared pa daw sya. Isip bata kasi sya minsan. Aminado sya na hindi nya magets ang sarili nya. May pagka-selfish sya. At dahil dun, ayaw nya ng may commitment... pero darating din daw ang panahon na yun kung talagang ready na siya. In other words, naisipan nyang makipag break sa GF nya...
Sumapit pa ang June, pasukan at mejo OK pa sila... Nang lumaon, di na kaya ni friend na tiisin ang gulo sa isip nya. Pinagtapat na nya sa GF nya na hindi pa sya ready sa commitment. Sya ang gumawa ng move para makipaghiwalay. Alam nyang masasaktan si GF nya, pero mas alam nya sa sarili nya na masasaktan din sya sa maling desisyon kung ito ay papatagalin pa nya. Mas mabuti ng habang maaga pa, ay sabihin na nya ang totoo. Handa si friend sa kung ano ang magiging resulta ng samahan nila. Handa sya sa kung anong pwedeng mangyayari. Prepared syang masampal at mabugbog. Kaya nyang tiisin yun, para makabawi sa kasalanan nya. Mahirap aminin na hindi sya prepared emotionally sa isang relationship. Ang buong akala daw nya ay kaya nya, pero deep inside hindi pala.
Hanggang sa after class nila, nasa isang computer shop silang barkada para gumawa ng isang project. Gumawa ng letter si friend para ibibigay nya kay jana. Andun lahat ng mga reasons. Andun ang mga salitang di nya kayang masabi ng harapan. Bago pa man nya ibigay un, lumuluha na sya sa isang tabi habang ginagawa ang letter. Lumapit si GF sa kanya, she asked kung bkit daw sya umiiyak. Sabi nya, wala lang daw un. Hindi nya pinapansin si GF nya. Hindi nya kayang tignan ito. Mas lalo syang naiyak.... Tapos na ang letter na ginagawa nya. Kinuha nya ang kamay ni GF nya.... inilagay ang nakaipit na sulat sa palad nya... sabay yakap ng mahigpit.... sabay alis...
Sumapit ang weekends, di nya tinetext si GF nya na EX na nya, pero si EX nya ay tinetext sya pero di sya sumasagot. Nagonline si friend para sa project uli nila. Nag-PM sa kanya si EX sa YM. Sa haba ng usap nila sa YM, hindi pala natanggap ni EX ung letter na iniwan sa kanya. Nahulog ata sa kamay nya kasi nagulat daw sya kung bakit nag-walkout si friend nung araw na yun. Di nya namalayan na may inabot daw sa kanya. Wala din naman nakitang letter ang mga berks nila na naiwan sa comp shop. Siguro nakuha ng iba. At dahil dun, walang idea EX nya na hiwalay na sila....
(to be continued....)
Previous story:
7 comments:
pano yan!...naintindihan ko si friend mo...
ganung ganun din ang nangyari sakin...kaso nsa huli talaga lahat ng pagsisisi... X_X
excited uli ako sa next part//:))
clai - panong ganun din ngyari sayo??? ikaw bale ung nasa katauhan ni friend?? o parang kaw din ung girl sa kwento??
cheenee - baka this weekend uli... ahahaha...
maexcite ka lang jan.. LOL
regret comes at last..hayaan mo na.i undrstand nman ur frend.
naiintindihan ko din feelings ng friend ko... almost same kami ng experience eh..
may pabitin pa yun oh, nagpapakilig ka pa! next part please! parang gusto ko to, parang ang tragic... by the way, punta ka dito http://heavenknowsmj.blogspot.com/2011/01/laugh-out-loud-natatawa-ako-as-in.html
wahahaha... natawa ako sa sinabi mong "tragic"?? ahaha.. anong nagpapakilig ka jan.... malapit ng matapos ung next part, sory naman, mejo busy sa work eh.. hehehe...
nakita ko na ung link moh... thanks ^^
Post a Comment