Tuesday, January 11, 2011

Usapang First Time

PAALALA: Patnubay ng magulang..... ay HINDI kailangan.

Usapang first time. ahaha. Natatawa na agad ako bago ko pa man simulan tong entry na ito. Baka kung ano-ano kasi masabi ko eh. Baka kasi pagsimulan ng kung anu-anong chismis na ikasikat ko pa. LOL. nangangarap na naman ako... Lahat naman tayo ay mga "first time" moment. Siguro ung iba ay naexperience na din ng iba tao itong mga naexperince ko... pero gusto ko lang ishare. Aminin, may mga bagay na nagmukha tayong tanga sa mga first time na ito...


First time kong....

- magkaron ng birthday cake nung 7 years old ako. Siguro dahil sa sinasabi nila na kapag 7 yrs. old na ang isang tao, eto na bale ung tamang age sa isang bata para malaman na kung ano ang tama at mali. (tama ba ako? o gumagawa na naman ako ng sarili kong explanation? ahahah) Anyway, That was the first na I had a cake on my birthday. Tapos, naulit na lang sya uli nung 21st bday ko.. at nung mga sumunod ng bday nung nagkawork na ako... In short, ako na bumibili ng cake ko. Hindi na galing sa parents ko.

- First time kong nakulong sa elevator nung maliit pa ako. I cant remember my age that time, mga grade 1 siguro ako. HIndi naman ako mag-isa nun, kasama ko si mama at iba pa. Sa Tutuban Mall nangyari un - nung time na kaoopen pa lang at bongga pa kapag sinabing mamimili ka sa Tutuban. Pero ngayon, pag sinabing Tutuban, gawang divisoria na ang ibig sabihin... hehehe

- First time kong grumaduate as 5th honor nung elementary. Take note - nung elementary LANG!. Aminado ako, nabobobo din ang tao minsan. ahaha. pero consistent honor student talaga ako nung elementary, representative pa ng school sa kung ano-anong academic contest... at lahat ng iyon ay noong elementary LANG!

- first time kong ma-feel ang feeling ng nabinyagan. ahahaha. Hindi ung literal ng Baptismal ang tinutukoy ko, kundi binyag ng pagkalalaki ko. Circumcision in other words. Ayun, Syempre lahat naman ng boys, dumadaan dun para ano.. ahmm... alam nyo na. ahahaha. May gamit din un in the future!

- Syempre after circumcision, active na mga body glands ko. Puberty stage na! yahoo! ahaha... So ano kinalaman nya sa pagkakaroon ng first time?... wala lang. First time kong mag-ano. (alam mo na yun). Yung normal na ginagawa ng mga lalaki at lahat naman ng lalaki ginagawa at nagawa na yun. Ang sarap pala! ahaha. Ang dami! Kasi unang piga! ahahahaha... (unang piga??!!)

- nakikita ko ung bata sa kalye nung bata pa ako na nagdi-dirty- finger sign. Hindi ko alam kung ano at para saan yun, kasi wala pa akong  alam sa mundo nun. Pag-uwi ko ng bahay, ginawa ko ung dirty-finger sign na yun sa bahay at nakita ni mama. Ayun, pinalo ako ng walis tambo. ahaha. Tinanong nya kung saan ko nakita yun, sabi ko sa mga bata sa labas... She asked me again kung ano ibig sabihin nun, sabi ko HINDI KO ALAM. NAKITA KO LANG!. ayun, pinalo na naman ako! Huhuhuhuhu
  
- First time kong sumakay ng LRT/MRT nung maliit pa din ako. Hindi ko alam kung paano ipasok ung ticket, para kong tanga. 

- First kong nakapunta sa Enchanted Kingdom nung 2nd year High School ako. Kung hindi pa kami nagkaron ng field trip nun, siguro hanggang sa TV ko lang makikita ang EK. (at never pa akong nakapunta ng Star City heheh)

- Nung nauso ang unlimited text, i joined a text clan at first time makipag-meetup sa ibang tao. May halong takot sa una, pero kung kilala mo naman ung tao at close kayo sa text, parang normal lang din ang feeling.

- First time kong nagka GF. ( yihiiiii *kilig*) It happened 2nd year college ako. 3 months lang kami. Bwahahahaha! Saka ko na kwento ang buong story ng love life ko, wag kayong excited. lols ^^

- syempre dahil may GF, H-H-W-W (holding hands while walking ) ang drama. ang corni! ahaha. Magkasabay sa jeep pauwi, tapos beso pagbaba nya sa jeep. Kiss sa chicks na din! ahaha (ang landi. namumula ako while typing this. ahahaha)

- first time kong sinabihan ng classmate ko, na barkada ko din nung college na type daw nya ako. Natutuwa daw sya sa akin at sinabi nya sa akin ng straight to the point na "i like you!"... HIndi ko alam ang gagawin ko nun, kasi nasa isang barkada lang din kami ng GF/EX ko (ung 3months lang naging kami) Ayun, as in natulala ako, ano bang meron sa akin at pati barkada kong "lalaki" nagugustuhan ako! ahaha... Silahis pala sya ang putcha!!! natulala talaga ako. At dahil hindi naman kami talo, ang sinagot ko sa kanya, "Gago ka, umayos ka, tigilan mo ko!". Tapos yun, parang nahihiya na syang lumapit sa akin. ahahaha...

- Sinubukan ko din ang mag-online shopping. Although ang binibili ko lang online ay mga kpop CD's ko, hindi naman ako nabigo at maayos naman ang transaction.

- First time ko din magbenta online. Syempre, kpop cd din ang binenta ko (nadoble kasi ung CD na un kaya binenta ko), ayun, may bumili naman. Dun ko naexperience ang feeling ng pagiging isang business man. hehehe.

- First time kong nakipag break sa GF kong 3 months lang itinagal (dapat laging may "3 months" na nakalagay eh noh?) ahaha. First time akong nakita ng mga barkada kong umiyak sa harap nila at sa harap nya. Ako na ang tanga.... pero hindi first time na ako ay naging tanga.  

- at first time kong gagawan ng entry (maybe sa susunod kong entry pag sinipag ako), gagawan ko ng entry ang first love story ko....



-------------------------------------------
- Eto lang mga naiisip ko ngayon. Umeepekto na naman ang sakit ko everytime na gumagawa ako ng entry. Mental-blocked na naman ako. Nawala na naman ako sa focus at dahil dun, nawalan na ako ng mga idea sa utak ko kasi wala naman akong utak. (nung elementary lang siguro ako nagkaron ng utak... ahaha)


Pahabol....
- hindi first time na mawalan ako ng utak. eto ay ongoing issue na! lol

7 comments:

Yffar'sWorld said...

bigla tuloy akong napaisip ng mga sarili kong first time, at natawa din ako, hehe. XD

teka, ilang taon ka na ba? hindi naman siguro nagkakalayo edad natin, pero ang alam ko kasi nung bata (elementary) pa ako eh token ang ginagamit sa lrt at hindi ticket/card, wala pa ding mrt nun. XD mga dalawang beses lang ata ako nakasakay ng lrt nun.

twelveounces said...

hahaha nice post! parang gusto kong gumaya wahihihi

JoboFlores said...

akala ko usapang sex to hahahahahhaha...

pero ako...first time ko magkaroon nang cake last year...23rd bday ko...

Rap said...

@raffy/yffar - oo nga noh, sorry, naguluhan na din ako sa sarili ko habang iniisip tong entry na to. nakalimutan kong token nga pla un, kaya ginawa ko nlng card.. ahah.. tpos ung sa mrt nmn, i combined na lang kasi ung idea kaya nasabi kong maliit pa ako nung sa lrt/mrt, pero actually, ung first time talagang nag MRT ako (oo malaki na ako nun), di ko talaga alam kung paano ipasok ung card. hehe.. sori kung mejo magulo, magulo talaga utak ko eh. hehehe... and Im 24 po. ^^

@kraje - hehe.. tenks po... ^^, sige gawa ka din. hehe

@jobo - ahahaha... ignorante ako sa ganyan eh... ahaha joke. pambata ang blog na to. (may ganun?) pang isip bata pala... hehe

jhengpot said...

nung first time kong sumakay sa mrt hi skul na ko nun, kasama ko mama ko...ayon para kaming tanga hinintay namin yung card nung palabas na kami.e hindi na pla yun nibabalik..hahaha... akala ko kung anung first time na e... feel ko may first time kang di cnama...hahahahalols

Rap said...

ahaha... ano naman kayo ung hindi ko naisama? naintriga ako dun ah... wahahahahaha

jhengpot said...

hahaha...secret walang clue!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...