Umagang umaga, wala na naman ako sa sarili ko. Lumilipad na naman ang utak kung saan-saan (baka nasa impyerno na utak ko! ahahah). Monday na monday, mukang magiging paget ang araw ko. May nakalimutan kasi akong isuot sa bahay na mahalaga sa akin eh. Eh ako pa naman ung tipong tao na kapag may nakalimutan ay hindi mapakali. Feeling ko kasi parang kulang ang pagkatao ko kapag may kulang sa akin.... Madalas kasi na may humahawak sa parte ng katawan ko na yun kaya pano na lang kung may humawak sakin ngayon?... ano na lang sasabihin ko?!...
Di tuloy ako makalakad ng maayos dahil wala yun sa katawan ko. Kung dati ay inaalog-alog ko ung parte ng katawan ko na yun, ngayon, hindi ko magawa, kasi iba talaga feeling pag wala yun.
"ooooooops, wag jan!!! baka magulat ka kapag hinawakan mo yan!!!!...."
Ganyan ata masasabi ko kapag nangyari un... o kaya naman "wag!!! may magagalit kapag hinawakan mo yan..."
Hahaha. Ano ba nakalimutan ko??? Wala lang, isang kalandiang bagay... Accessories ko lang. Bling-bling ba. wahahaha. (akala nyo siguro underwear nakalimutan kong isuot...) Ung silver bracelet ang nakalimutan ko... Nakakaasar kasi eh, di ko alam kung ano iniisip ko kanina kaya nakalimutan ko na lang yun isuot. Pero ung ibang accessories ko, ung silver ring ko at necklace ko (na silver din) hindi ko nakalimutan. Tanging ung bracelet ko lang na napakaganda! ahahaha... Ayun, feeling ko talaga hindi ako si RAP. kulang na kulang pagkatao ko ngayon. Hindi ako comfortable sa kung ano man ginagawa ko ngayon.
Iniisip ko nga minsan, ako lang ba yun taong ganon? Yung tipong di mapakali kung may nakalimutan? Kung ako lang, weirdo talaga ako. ahahaha... Mas lalong di ako mapakali kung nakalimutan ko ang hanky ko. Lagi ko kasi hawak panyo ko eh. Di ko din alam kung bakit. Di ko naman idol si Ate Vi na laging hawak din ang bandana nya. Nakasanayan lang siguro. Kaya madalas din akong mawalan ng panyo kasi lagi ko syang hawak.... minsan din nahuhulog na lang ng di ko namamalayan.
----------------------
Pero what if kung underwear nga talaga ang nakalimutan ko noh? Wahahaha. Di ko maimagine kung ano na lang gagawin ko pag wala yun. Parang di ko magagawang maglakad sa daan ng walang suot na underwear. Istorbo kaya yun "ano" pag wala yun... Nakakailang. Parang may gustong kumawala sa hawla. wahahaha! Di ko naman maiwasan na hindi tignan yun if ever, kasi nga kahit anong iwas ang gawin ko, alam kong di ako comfortable pag ganun. ahahaha. Plus the fact na mejo fit ang mga pants ko... Naku! madaming mga matang titingin dun at center of attraction siguro ako nun! Daig ko pa ang mga Japanese-Brazillian model kung nagkataon! wahahaha.. (rap, umayos ka!!! wholesome tong blog mo.... uupakan kita!!!!) ahahaha... OO nga naman, sorry, nadala lang ako ng bastos kong pag-iisip. ahahaha...
---------------------------
dahil eto lang ang libangan ko sa work - ang mag draft ng entry ko sa blog, thankful ako kahit papano thru email nakakapag-post ako ng entry. kaya wag kayong magtaka kung may confidential messege something dito sa entry na ito. hehehe... work email gamit ko eh... ^^,
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.
8 comments:
kaloka, akala ko na yun talaga ang nakalimutan XD
hahahaha..pareho tayo..kapag may nakakalimutan di rin mapakali..:)
hala....ang tawag dun
comfort bracelet...prang ung mga bata
may mga "comfort blanket" sila
tapos anxious sila pag hindi nila hawak ^_^
@kraehe - ni minsan hindi ko maisip kung paano magagawa ng tao na kalimutan ang undies nya?... kung baliw talaga sya, siguro pwede pa! ahaha
@cheene - badtrip noh? uuwi pa sana ako para lang balikan un, kaso nasa jeep na ako nung naalala ko... haaayyy
@clai - eh ano tawag sa undies, comfort brief? wahahahaha!!! ^^
nice post...lol
Please visit my blog.
Lyrics Mantra
Real Ghost and Paranormal
oo...pwede din ung "comfort panty" bwahahahahaha
hindi ko naisip na underwear ang nakalimutan mo dahil imposibleng mangyari yun (maliban nalang kung hindi ka talaga nagsusuot nito pag nasa bahay, haha). XD
mahilig din ako noon sa silver bracelet, pero nawala din ang pagkahilig ko ng minsang sumakay ako ng ordinary bus at sumabit ang bracelet ko pinto. para lang akong tanga na nakatayo sa pinto habang umaandar ang bus. ayun, pinutol ko na lang. simula nun hindi na ako nahilig sa bracelet. (the end, hehehe). XD
@raffy - ahaha.. sayang ung bracelet na yun...
Post a Comment