Nakakabadtrip nung mga nakaraang araw. Feeling ko ang sama-sama ko ng tao kahit kakaumpisa pa lang ng 2011. Ang dami ng masasamang salita na lumabas sa bibig ko. Hindi na ako makapagpigil sa galit. Mabilis na din uminit ulo ko nitong mga nakaraang araw... haayyy... Akala ko sa mga palabas sa TV ko lang nakikita ung mga eksenang gumigimik ang mga tao para makalimutan ang mga problemang tulad nito. Akala ko ibang tao lang din ang may kayang gumagawa nun at para sa akin dati ay never kong magagawa ang gumimik para lang talikuran ang problema... Pero nagawa ko pala....
January 14, nag-invite ang ilang highschool friends ko. Sort of reunion daw namin kasi never pa kami nagkita after nung high school graduation dati. So ayun, kahit may work ako nung umagang yun, umuwi muna ako sa bahay after shift at naligo lang at nagpalit ng damit tapos sabay alis uli. Destination - MUSIC 21 Makati.
Hindi ako familiar sa Makati. Ayala Avenue lang alam ko. Pero dahil sa internet at mga tanong-tanong sa ibang tao, nakarating din ako sa destination ko. Masaya akong makita uli sila. Nakakamis ang mga kulitan namin. Basta, sa mga sandaling yun, kahit 3 hours lang ang reservation dun, sulit naman. Nung mga sandali din iyon, bigla kong nalimutan ang mga problema sa utak ko. Sinabi ko sa sarili ko na magpapakasaya ako ngayon - kahit isang gabi lang. Nagawa ko naman....
dahil walang kwenta camera ng phone ko kahit sabihin natin na 3MP sya, walang flash eh... ahahaha. basta may mapost lang. hehe. Syempre wala ako sa pic, kasi ako nagpicture. Pero ung mga picture talaga namin galing sa magandang camera ay hindi pa naa-upload ng may ari. after 10 years pa daw nya i-upload.
Related post:
Kalimutan muna ang problema (part 2)
Related post:
Kalimutan muna ang problema (part 2)
No comments:
Post a Comment