Monday, January 3, 2011

Sorry....


Open Forum.... para saan ba ito?

Ang alam ko lang kasi, kapag nag-open forum willing kayong magshare ng kung anu-anong idea, or kung anu-anong feelings na gusto nyong i-share. Yung tipong, wala kang itatago. Bare your secrets. Let them hear you. Let them share. 


Kelan ba dapat magkaroon ng open forum?

Hindi lang sa mga office meetings dapat magkaroon ng open forum. Hindi lang sa school kung saan required magparticipate kasi may grade ang bawat sagot. Hindi lang sa senado, hindi lang sa bahay kung saan may problema ang buong pamilya.... Hindi lang sa mga pagkakataong iyon. In fact, madaming pwedeng dahilan kung bakit may open forum na nagaganap.


So bakit about open forum itong mga pinagsasabi ko ngayon?

Kasi, sa hindi inaasahang pagkakataon, para maiwasan ang tampuhan sa pagkakaibigan, mabuti ng magkaron nito para matuldukan ang pinasimulan ng hindi pagkakaunawaan.

Nagsimula sa konting asaran. Ako na ang masamang tao. Ako lagi minsan ang nagsisimula ng mga pang-aasar na yun. Sa akin ay wala lang nung una. Pati sa mga kaibigan ko, wala lang din sa kanila. Pero... dumating ang pagkakataon na... (pano ko ba sasabihin to.. hirap explain shet!!! ahaha) dumating ang moment na mejo nasobrahan na. Hindi maiiwasan na makasakit ng tao. Lalo na't alam ko sa sarili ko na baka ako ang dahilan kasi sa mga masasamang biro na nasabi ko. Kahit hindi ako ang mismong punot-dulo ng lahat, alam kong may mali din ako. In short, nakasakit na naman ako ng isang kaibigan. 

Matagal-tagal na ng huli akong napasama sa open forum na ito. College days pa yun, together with my barkadas. Dahil, bihira na kami magkita-kita, nakakamis din pala. To make the story short, itong open forum na sinasabi ko ay muling naganap, involving other friends of mine. Hindi ko sila classmates. Hindi ko sila gaano kakilala. New found friends kumbaga. We're just starting to be friends. (friendly kasi ako? ahaha). At dahil may pinagsamahan na ng kaunti kahit papaano, mahalaga na sila at naging part na sila ng buhay ko. Part na sila ng katawang-lupa ko! ahahaha

So ayun, (ang dami ko talagang palabok) nagkatampuhan na. Kahit sabihin pa nila na wala lang daw sa kanila ang nangyari, alam kong andun pa din ang sama ng loob nila. Madaling sabihin na "Wala lang yun... Ok na", pero yun na nga eh... Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Nakaka-giulty lang kasi. Syempre isa ako sa mga taong involved, friend ko sila, at ayokong magtapos nalang un sa ganung kababawan lang. Ang babaw nga naman di ba? 

Dahil new found friends ko sila, we've taken that opportunity to say SORRY na din. Hindi lang maidadaan sa sorry ang lahat, may lamat na eh.... So para makilala na din namin ang isa't isa, we've decided na mag-open forum. We told each others' stories (fairy tales? ahahaha joke). We introduced ourselves in a way that all of us will be aware on our "negative" and "positive" traits. Mas maganda na yun to know ourselves well. Walang plastikan. Bunyagan na ng mga dapat malaman. Ganon naman dapat diba? Walang tinatago kung friend mo sila. Walang kinikilingan, serbisyong totoo lamang! ahahaha...

Natuwa naman ako dahil game sila. Alam na namin ang pag-uugali ng isa't isa. I am just hoping na if ever na magkaroon uli kami ng konting alitan, alam na namin kung paano tapusin yun. At sana hindi na din maulit na makasakit uli ako ng tao...


------------------------------------
*** kung napadaan man kayo sa page na ito... kung sakali man mabasa nyo 'to, I want you to know guys, that I am also thankful that I've met you... ***

2 comments:

jhengpot said...

leonrap's dictionary-open forum
jhengpot's dictionary-sharing
hahaha la lang. every sunday nagkakarun kasi kami ng sharing sa franciscan youth movement, kahit tungkol saan. And it's nice to know na vinavalue at naapreciate mo din ang open forum/sharing.. Naniniwala kasi ako na sa open forum/sharing natututo ang bawat isa. At sabi nga ng spiritual advisers namin, pagmasaya ka ishare mo para mamultiply ang saya. pag malungkot ka ishare mo para madivide yung kalungkutan..la lang, mashare lang..hehe..

Rap said...

yup, tama ka... I value ung mga sharing na ganyan... I learn a lot sa mga ganyan... I could say na it helps me to be more matured. heheh. Thanks ^^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...