Monday, January 3, 2011

Bagong simula.... na naman!

Balik sa dati at normal na buhay uli ang lahat. Tapos na ang mga maliligayang araw ng gimikan, reunion, party, at kung anu-ano pa. Tapos na kasi ang holiday vacation ng karamihan. Marami agad ang umaangal - mga estudyante na nagrereklamong ayaw pumasok kasi maglilinis lang daw sila ng classroom; mga empleyado sa office na nagsasabing puro paper works na naman daw sila; mga daily commuters na laging nagrereklamo sa traffic kahit hindi holiday. Normal na uli ang buhay. Mahaba-habang 365 days na naman. (actually, 362 kasi January 3 na. tama ba calculation ko? bobo sa math eh. hehe)

Pero buti nga sila may holiday vacation kahit papaano. Kami o AKO na nagwowork sa isang BPO/Call Center ay laging may pasok kahit anong holiday pa man ang meron dito sa atin. Double pay at 30% lang ang nilamang namin sa iba. Vacation leave lang pwedeng mangyari - depende pa kung maapproved nila. haaayyy...

Ako, sa kabutihang palad, ay huling araw na ng vacation leave ko. Bukas ay isa na din ako sa mga taong magrereklamo. Bukas ay back-to-work na naman. Tuwang-tuwa na siguro ung headset ko sa office kasi masusuot ko na naman sya (whether I do like it or not). Tuwang-tuwa din syempre ang mga bobong customer/caller dahil matutulungan namin sila para magkaron sila ng broadband connection. (ako nga sa bahay walang broadband eh, nagta-tyaga nga lang ako unlimited promo ng prepaid broadband) haaayyyy, buhay nga naman. Give and take relationship nga naman. Anjan sila para mabuhay kami, at vice versa - andito kami para tulungan sila. Buti na lang laging maaasahan ang bestfriend namin na si "MUTE" button. Atleast sa konting segundo lang, malalabas namin ang gusto namin ilabas... (wag mag-isip ng kung ano. lol) Mailalabas namin ang galit at inis din namin sa kanila sa tulong ni MUTE.

Ang sarap kaya magpalabas ng ano.... ahaha... ng galit at ng inis kung kinakailangan.  

5 comments:

Yffar'sWorld said...

haha, i know how you feel - medyo matagal din akong nagtrabaho sa parehas na industriya na pinapasukan mo. XD

Rap said...

kakaasar di ba?...
ahaha...

Armored Lady said...

wala nman akong reklamo sa mga bagay bagay ngaun ...sa bahay lang kasi..maghihintay hanggang february..sa result ng board exam...
mag-call center na rin kaya ako..???
hahahaha

Rap said...

ahaha... try mo.... tapos libre mko! ahaha

Armored Lady said...

ako muna ilibre mo...^_________^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...