May friend ako na mula nung pagkabata niya, lapitin na sya ng mga girls. Chickboy ata tong friend ko na ito, kakaingit. ahaha. Pero nagtataka ako kung bakit wala pa syang GF, or never pang nagkaron ng GF. Hanggang sa isang araw, nagkita uli kami at bonding to the max. At dumating sa point na nagopen sya sa akin about sa kanyang love life... At dahil blog ko to, ise-share ang buhay nya. ahaha. (i-broadcast daw ba ang buhay ng iba?!!).
Nung elementary, crush nya ang seatmate nya. Sinabi nya sa akin na binigibyan pa nya ng stationaries ung girl na itago din natin sa name na "Kat". Katabi nya si Kat, mahilig ung girl sa mga ganung scented stationaries. Pero di nya sinabi kay Kat na crush nya un. Baka daw kasi lumipat ng upuan ung girl. Sinarili lang nya ang pagtingin nya kay Kat. May ginawa syang note sa isang maliit na papel na may nakasulat na "Kat, I love you". Tinago nya ung note na iyon sa loob ng pencil case nya. Nag-CR lang sya, tapos pagbalik nya, nakita na lang nya na nakalabas ang pencil case nya pati ang mga lapis at laman sa loob ng pencil case. Nakita nyang mejo natatawa ang iba nyang seatmates. Nakita nya ang isang classmate nya na may hawak na maliit na papel at binabasa ang nakasulat. Alam nyang nakita ng mga classmates nya ang nakasulat sa note na iyon. Inagaw nya ang papel na iyon sa classmate nya at sabay upo. Parang napahiya sya. Nanliit. Di nya alam ang gagawin. Maya-maya, nakita nyang umalis na ang seatmate nyang si Kat. Lumipat ng ibang upuan si Kat. Sinoli ang mga letters na binigay nya at pati ang mga stationaries na galing sa kanya. Nagsorry ang friend ko. Dahil mga bata pa sila, nasa grade 2, galit-galitan ang drama. Pag lumalapit ang friend ko kay Kat, lumalayo si Kat. Gumawa uli ng sorry letter ung friend ko, binigay nya kay Kat. Iniwan nya sa desk ni Kat ung sorry letter. Naghintay ng sagot bago matapos ang buong araw ng klase.... pero wala.
Kinabukasan, iba na ang seatmate ng friend ko. Si kat, mukhang masaya sa bago nyang seatmate. Hinayaan na lang ng friend ko ang nangyari. Pilit kinalimutan. Pinagsisihan nya kung bakit gumawa pa sya ng note na may nakalagay na "I love you". Dahil dun, nawasak ang mundo ng friend ko. Pag-uwi nya, napansin nya sa bag nya na may sulat.... galing kay Kat. Sabi daw ni Kat, di kasalanan ng friend ko ang nangyari. Pinatawad na sya ni Kat pero may kondisyon... lalayuan nya si Kat, na parang di na sila close. Pumayag friend ko. At least napatawad na sya. Mejo may kaya sa buhay sila Kat kaya ganun na lang ang isinagot nya. Mejo strict ang parents, kaya siguro para iwas gulo na din, pumayag na sya. In short, bati na sila, pero di nag-uusap. Hindi na din sila seatmates.. Hanggang sa nag graduate sila nung elementary, walang love life si friend.
Highskul.... dahil sa nangyari, nagdesisyon si friend na wag muna mainvolve sa mga crush crush na yan. wala sa vocabulary nya ang magkaron ng GF. Hindi sya naiingit sa mga classmates nyang mag BF/GF. Para sa kanya masaya ang buhay ng mag-isa. Masaya sya dahil kung ano gusto nyang gawin ay nagagawa nya. Walang iniintinding iba, Makakauwi sya agad ng walang ihahatid pauwi, Tahimik ang buhay ng friend ko nung high school. Barkada lang ang libangan nya, although may mga girls din syang close friend, pero hanggang friends lang din sila - nothing special.
Nung mejo nagka-edad na si friend, college life na, di pa din nya priority ang GF. Gusto nya lang makatapos ng studies nya para makauwi na ang tatay nyang nasa abroad. As usual, barkada nya lang mga girls na close nya. Hanggang sa magkaron sya ng isang special na pagtingin sa isang girl na itago natin sa name na "Jana". Lagi silang nag-aasaran ni jana. Si friend naman kasi eh loko talaga. Lahat biro sa kanya. Grabe kung mang-asar. Napaiyak na nya si jana sa isang asar lang. ahahaha. Pero dahil close sila, naaayos din ang lahat. Nakikita sila ng iba nilang barkada na mejo sweet sa isat'isa. Walang namamagitan sa kanilang dalawa, pero sa mga mata ng kabarkada nila ay "parang silang dalawa" na daw. Ilang beses silang tinanong ng mga berks nya kung sila na nga daw, syempre di umaamin ang dalawa. Wala nmn dapat aminin eh. FRIENDS lang sila. Hanggang sa nagka GF/BF na din ang ibang berks nila at sila ay tinutukso pa din.
Isang araw, gumala sila sa mall na malapit lang sa school nila. Masayang nagke-KTV ang mga berks nila. Nagpasama friend ko kay jana na bumili lang ng makakain. Sumama naman si Jana. Tahimik ang dalawa habang naglalakad. Hindi mapakali si friend. Iniisip nya kung dapat na ba nyang sabihin kay jana na may pagtingin sya sa kanya. hanggang sa.....
friend: oy panget...
girl: BAKIT!?
friend: wala lang.... hehe.. pwede ba manligaw? *sabay tawa ng malakas* BWAHAHAHAHAHa!
girl: TADO KA!!!!
friend: ahaha.. seryoso ako noh. ano pwede ba?
girl: *tahimik*
friend: *tahimik din*
<****nagkatitigan silang dalawa****>
friend: ahaha.. ayaw pang sumagot nito oh...
girl: *tahimik pa din*
friend: ui! last na to, ano sagot mo? hehe.. pwede ba ako manligaw? (habang kinukuyog sya sa braso at kinukulit na sumagot dahil malapit na mag 4th floor)
girl: OO NAAAH! (tinapik ang kamay ni friend paalis ng braso nya)
friend: ANOH?? (kunyari hindi narinig)
girl: *tahimik*
friend: ano nga yun uli?
girl: ang kulit! oo na pwede!!! masaya ka na?! ahaha
friend: ahaha... SO TAYO NA?
girl: OO NA!!!
friend: ahahaha... (sabay hawak sa kamay nya at pumasok na sila sa KTV room with their friends at ipinaalam ang magandang balita)
(to be continued......)
7 comments:
ang cute naman ng story..medyo bitin nanaman..kainis..
gusto ko makita itsura ni friend..ahahaha
ahaha... ang bilis mo magcomment ah...
Nyahahahahhaa......!!! Ang bilis ng pangyayari... nakakatwa... pero ang happiness!!!! Hala ka pinagkalat mo lab story niy!!
ala, gusto mo makita itsura nya? ahaha... wag na... imaginin mo na lang... baka bangungutin ka pa! ahahaha
@kamila - wala naman sya magagawa eh... ok lang yun ^^
KINIKILIG AKOOOOOOOO....
grabe namn...
kakilig-kilig ba? natatawa nga lang ako eh... ahaha...
sa part 2 hindi ka na matatawa. hehe...
still under construction pa eh... madaming falling debris kaya i'll post it soon... ^^
too fast hihihi pero kakatuwa
Post a Comment