Ngayon:
Maulan. Pagdilat ko ng mata, ulan ang unang nakita at narinig ko. Kaya pala sobrang lamig. Gusto ko sanang gumala pero nang dahil sa ulan, nakakatamad na. Ayoko kasing umaalis or naglalakad ng may hawak na payong. Useless din naman kung jacket lang kasi mababasa ka din naman. Kaya ayun, might as well stay at home na lang. Mag-isip ng kung anong pwedeng pagka-abalahan. Baka sakaling may magandang idea na pumasok sa isip ko at magawan ko ng entry dito sa blog ko... Pero as of this moment, wala pa akong maisip. Ulan lang talaga ang naiisip ko sa ngayon. hehehe....
Kahapon:
House blessing ng isang kamag-anak (sa mother's side). Napilitan lang akong sumama kasi may jeep daw na inarkila, at dahil libre naman sa pamasahe, dapat daw mapuno ung jeep para sulit daw. Ayun, in short, sumama na ako. Sa Imus Cavite ang lugar. Dahil taga Novaliches kami, meeting place ay sa Tondo (sa bahay ni Lola). Dun ang meeting place para magsasama-sama na sila or kaming mag-anak.
Dumaan ng Roxas Blvd. At dahil open ang jeep, mukang binagyo ang hair ko nun. Sobrang hangin sa byahe. ahaha. Maganda naman ang view dahil aminado ako, parang nag-field trip ako. Kahit kailan naman, never akong nagpunta ng Cavite not unless may reunions or something na family gathering. At isa pa, wala naman kaming pupuntahan sa Cavite. Hindi dahil sa kapatid sila ni mama (tito ko ang nakatira), hindi naman ako/kami close sa kanila. Nagpupunta lang talaga kung may event or something.
Bukas:
Haayyyyyy... isang hinayupak na Monday na naman! ahaha. Work na naman. Nakakatamad na talaga. I am planning to look for another career by next month siguro. Or by March. Not sure, basta this first quarter of 2011...
8 comments:
@I like your trip especially at Roxas blvd. lol! Dun ako nagaral malapit so moa at sobrang lakas talaga ng hangin hahaha! Nakailang payong kaya ako before ako naka-graduate. You're blog has improved a lot ^_^
I'm a follower now. Keep it up!
whoa!... natouched nmn ako. ahaha...
thanks po! ^^,
ngayon: katatapos ko lang mabasa ang blog entry mo...at kasalukuyang nagcocomment
kahapon: sinamahan si bf sa makati med nagkaroon kasi siya nang bulutong tubig
bukas: siguro babalik dito sa blog mo...magtitingin ng update heheheeheh
sana ulanin ka ng mga bagong ideas para maiblog mo...May nakalimutan ka, BUKAS:sana magising ako.. hahaha peace!
@jobo: at ngayon..late ka nanaman.!.hahaha..
paxnxa na rap at dito pa ko nakipagusap kay jobo..nga pala, matanong ko lang?nakita ko kasi yung pic mo sa blog na to..parang wala ka naman gaanong buhok na magugulo huh?hahaha:))
@jobo - hehehe.. tnks po. balik ka lang. hehe. at sana gumaling na din ung bf mo.
@jheng - oo nga noh, nakalimutan kong banggitin un.. hehe... alam na ni papa jesus un. ^^
@cheenee kokak - OK lng po un . close kayo ni jobo eh. heheh... bout sa hair ko naman? ahmm.. tama ka nga, di sya long hair kaya di magugulo, pero makapal sya at basta, ung tipong mahirap suklayin! bwahahahaha ^^
kasama ko kasi ang palakang yan sa opisina... hahahahaha...hindi pa siya gumagaling eh....baka next week na sya bumalik sa piling ko....nyahahahahah
ahhh... ganun pala... sa colcenter din kayo diba? i saw ur pics sa posts mo eh.. ehehe... wala lang... ^^
Post a Comment