Friday, February 25, 2011

100th post. Partey partey!!!!!

 
 
 
This is my 100th post. Di ko alam kung dapat bang maging special ito or dapat maging special (ano daw?) Bakit kelangan maging special post? Wala lang trip ko lang sabihin na special ito kahit hindi. Parang ang dami-dami ko ng naiblog pero ngayon pa lng ang ika-100th na entry ko...
 
Tungkol saan ba itong 100th post na ito? Wala naman akong masabi at wala din maisip na topic. Himala noh, kasi nawalan ako ng kagaguhan sa buhay ngayon at wala akong maipost. Nagtataka tuloy ako sa sarili ko dahil baka hindi ako si Rap. hehe.. Si Rap na gago. Pero sana, hanggang sa bago matapos itong post na ito ay may masabi akong matino....
 
 
 
Kung magkakaron ka lang ng time na magback-read sa mga posts ko, bibihira at iilan lamang ang seryosong post. Mostly kasi, ung iba mga kagaguhan ko lang sa buhay. Although, totoong mga pangyayari at totoong opinyon ko ang mababasa nyo, pero para sa akin, may halong kagaguhan yun. Hindi ako perfektong tao (taeng spelling yan...), nawawalan din ng utak minsan (minsan nga lang ba?) kaya kung ano-ano lang mga pinagpopost ko... Pero di ko inexpect nang dahil sa mga posts na yun at nang dahil sa mga kagaguhang mensahe na nababasa nyo ay nagkaroon ako ng mga (gagong) followers na tulad nyo. :) ahaha. (gago din pala kayo eh joke) ... So touching! (akala ko only Belo touches my skin... ahaha) 
 
Hindi ko alam kung bakit nyo ako sinundan. At wag nyo na din sagutin kasi baka i-unfollow nyo pa ako. Pero wala naman akong magagawa if ever na mangyari nga iyon. Basta anjan kayo, masaya ang buhay ko. Masaya ako kasi may mga nakaka appreciate ng mga kagaguhan ko. I am happy kasi bibihira ako magshare ng mga ganitong kwento sa ibang taong ka-close ko, pero here in this blog... i can express everything. Para sa inyo.... Nagiging walang hiya ako.
 
Ang sarap basahin ng mga comments nyo... Siguro mas masarap lalo kung iyon ay talagang sasabihin nyo infront of me. Yung tipong live! Wapak na wapak. Kahit pagsasampalin nyo ako, kahit pagsusuntukin nyo ako, upakan nyo ako, api-apihin nyo ako.... alam kong ang mga bida naman kasi ang syang nagwawagi pa din sa huli. hahaha.. Camera na lang ang kulang... Nakakasawa din kasi marinig ang ibang comment ng mga taong matagal ko ng ka-close. Kilalang kilala na kasi nila ako kaya paulit-ulit na lng din ang sinasabi nila sa akin. Kaya eto ngayon at pinapakilala ko ang sarili ko senyong lahat. Mas madaming nakakakilala sakin, mas maganda di ba? More chances para sumikat ako bilang artista. lol.
 
Tahimik lang ako sa mga taong ewan. (ano ung taong ewan? di ko din alam. :) ) Kalog ako sa mga taong kalog din. MAs Maarte ako sa mga maaarte. Maingay ako kung maingay din. (ilang beses ng nalista name ko sa noisy list nung elementary may 1000x pang nakalagay at minsan wala sa upuan) Malandi ako kung may lumalandi. wahahaha... Madaldal ako (kung hindi ako inaantok) Mapanlait (experties ko yan) Masamang tao. (kayo na humusga) Mabait??? EWAN. (feeling ko OO).
 
 
Hangga't maaari ayokong makarinig ng good qualities ko. Hindi naman sa ayaw ko talagang malaman (kung may good qualities man ako) pero hindi ko lang nakasanayan. Baka kasi lumaki pa ulo ko kapag sinabing nyong sobrang bait ko or kung ano-ano pa. I let people judge me the way they want to judge me. Kung sa tingin nyo may mabuti akong kalooban, ok fine, salamat. Pero wag nyo ng sabihin sa akin. Baka di ko makayanan kapag lumaki ng sobra sobra puso ko... :) Alam ko din naman ang mga iyon, ayoko lang ipahalata. hehehe...
 
Enough of my good and bad qualities. Lumaki akong taong bahay lang. Ni minsan hindi ako lumabas kahit nung bata pa ako para makipaglaro sa mga bata sa labas. Sa school lang ako nakikipaglaro sa mga classmates ko, pero mga kapitbahay namin, dedma lang. Hanggang sa lumaki na ako, nagka-isip, at lumipat ng ibang tirahan dito sa QC, taong bahay pa din ako - kami ni kuya actually. Hindi talaga namin ugaling makitambay sa labas kasama ang mga adik at tsismosa't tsismosong kapitbahay. Social life ko na ang gumala together with my family and friends. Social life ko na din ang pagtext, ang pag-blog, ang pag-FB. Hindi naman ako party-goer pero gusto kong gawin kung may makakasama ako. Minsan, sinabi ko sa sarili ko na gusto kong itry ang magyosi, pero pinipigilan ako ng mga friends kong nagyoyosi. Wag na wag ko daw itry. (bakit kaya? hmm) Occasionally lang ako tumikim ng beer - san mig light lang. Un lang talaga, kasi di talaga ako umiinom. Mas madami pa nga ang yelo kesa sa alcohol mismo para pag natunaw ang yelo mas madami na ang tubig sa alcohol. heheeh... At nag-start lang akong tumikim ng san mig light nung after graduation at nung nagwork na ako. At kung magpapakalulong man ako sa alcohol, mas gusto ko red wine lang. hehehe... para soxal! ^^
 
Gusto ko kayong maging mga ate't kuya ko. Ung mga mas bata sa akin dito, apir apir na lang tayo kasi hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. hehe. Hindi ako sanay magsabi ng "tol", "bro", "pare"... Hindi din ako sanay tawagin ako ng ganun. Dahil choosy nga ako, I prefer to call a friend on their names rather than using those "pronouns". Kaya nga may "proper nouns" eh. :)  I also prefer to be called on my name. Pero ginagamit ko ang mga salitang "ungas", "panget", "woi", "pssst" at "abnoy" sa ibang taong gusto ko lang asarin. (besides, adjective naman sila hindi pronouns hehehe...) Pero ok lang kung ano ang itawag nila sa akin, di ko naman din sila mapipigilan sa kung anong nakasanayan din nila. Basta ako ung taong tinutukoy nila walang problema.  Masaklap kung hindi pala ako tapos eepal ako bigla. hehe. Ang sa akin lang, ang sarap ng feeling kapag tinatawag ka sa name or nickname natin. That's one of the sweetest words aside from saying Iloveyou, Sorry and Thankyou. May personal touch di ba?... Romantic ang dating. ^^,
 
 
Saktong Edsa 1 pala ngayon. Wala lang. May mapalabok lang sa post ko. Its payday! wahahaha... Hahawakan ko lang naman ang pera tapos bye bye na uli. Wait again ng another 15 days, tapos cycle lang syang paulit-ulit.... Wala akong masasabi about Edsa. Ayokong mabahiran ng kahit anong may kinalaman sa politics or government ang blog ko... No comment, at hindi naman ako magkakapera kung gawin ko syang topic dito. ahahaha. (ako na mukang pera. Ang plastik ko kung hindi!)
 
 
Well, umiral na naman ang katamaran ko at wala na akong maidadagdag pa. Ayoko sa lahat ung feeling na mablanko utak ko. Hindi naman ako bobo, pero pag blanko utak ko, talagang nakakabobo!...
 
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

22 comments:

Bino said...

at dahil 100th post mo na eh congratulations na!!! yehey!!! achievement yan ibig sabihin di ka masyadong tamad magpost joke! paburger ka naman! kelan eb natin? hehehe

Akoni said...

At dahil dyan mananatili akong gagong taga sunod mo, mahal na gago...:))

sana'y ay tumagal pa ang mga kagaguhan at kalokohan mo at ganun din sa akin...:))

Kampay pare!

emmanuelmateo said...

sana makarating ka sa 1000 post.hehe God bless Kuya Leonrap.have a nice day

jhengpot said...

at tinamad ka pa sa lagay na yan ha! hehe.. akp pagnaka 100 follower ittreat ko yung pang 100! haha

TAMBAY said...

dahil ika 100 post mo to, batiin kita ng kongratyuleysyonssssssesesesesssss par.... ooopppsss.. teka.. Rap na lang pala hehehe

at tinatamad ka pa nyan ha.. pano na pag sinipag ka pa.. ooppss rap pala.. (hindi ako sanay tumawag ng hindi parekoy eh hahaha) abutin ako ng 30 min o higit pa sa pagbasa ng entry mo hahaha.. o walang skip skip yan ha...

Angel said...

Isang karangalan ka na batiin ka ng "Congratulations.." :)

Lhuloy said...

wow hanep...dhil b 2 dun sa cnv kong "do not do to other...churvah..eklavoo?!" ang dami mu nmang cnv...yeah-yeah..a-huh!

well anyway..congratz! sana maka 100000000 ka pa n post!

sang-ayon ako dun s cnv mu...bandang gitna ng nobela mu..jejeje..apir! lo long!

Rap said...

bino - heheh... salamat... di ko pa alam kung kelan... busy eh,... sa megamall na lng, libre mo ko. lol

Akoni - salamat kapwa ko gago. :)

emman - salamat... kaw din, god bless.

Rap said...

jengpot - unfair ka naman, ung pang 100th follower mo lnag/ dapat kaming lahat... unfair ka! ahaha..

tambay - mahaba ba?... kala ko kasi sobrang ikli sa email ko eh. hehehe.. ok lang, sige, basta ikaw, pwede mo kong tawagin ungas! ahaha

angel - salamat... :)

Rap said...

matutay - ahaha... di ah... kung ano-anong pinagsasabi ka jan... saka alin sa part ng gitna?... alin ba gitna dun? ahahaha...

Kamila said...

rap... i love you..sorry thank you.. ayan romantic na ba? At okay lang maging sino ka man... maging mayabang ka kung may maipagyayabang ka... maging totoo ka lang sa sarili mo... hahahahah :)

At kung di ka man umiinom..paano na ang inuman natin pag nagkita-kita tayong lahat??? Hahahahhahaha... at once ko na rin kunyaring nag-yoyosi me.. pero ayaw ng boypren ko..at since mabait akong tao.. ayun.. syempre..sunod ever...

hahahahah...

congratulation RAP!!!!!!! at 100th post na you!!!!!

David said...

Dapat happy ka ngayon dahil 100 posts kana. Happy holiday folk.

http://arandomshit.blogspot.com/

Allan P said...

wala ka pang masyadong masabe niyan ahH?! hehe. well, congrats sa 100th post mo. :)

Rap said...

Kamila - oo super romantic!! ahaha... *blushed* lol. salamat

kayo lang iinom, ako magdadala ko ng red wine ko!!! meh ganun?... maiingit kayo! wahahaha

Denase - salamat uli sa pagdalaw... hapi naman ako eh. di ko nga alam kung bakit ika-congratulate ang 100th post... ehehe

allan - oo wala nga... kulang pa talaga yan eh.. sa pang 200 nlng uli.

iya_khin said...

apir tayo!!! naka 100 kana!!cheers na may red wine!! pakanton kana naman!!! hahaha

Armored Lady said...

nahanap ko ung blog mo dahil sa hilig ko sa kpop...tpos na-intrigue ako dahil kng ano ano na pinopost mo...

happy 100th post
let there be more post to come...
hahahahaha

Anonymous said...

wow! may award pala ang nakaka 100 post? congrats rap.. pakain k nman jan. hehe

Rap said...

Iya - ang panget ng combination ng red wine at canton.. hehe

mommy - salamat sa follow back.. di ko nga din alam kung bkit nila ako kino-congratulate eh.. hehehe. porke naka 100 ba dapat ganun? ahaha...

clai - ung term mo talagang "kahit ano-ano lng pinopost" , parang nonsense talaga lahat ng post ko. ahaha... salamat... same to you more power!!

Anonymous said...

congrats chong.. wahehhee

Adang said...

nag cecelebrate pala buong pinas ngayon sa 100 post mo :)

Rap said...

batman - salamat :)

Adang - di ko nga alam kung bakit eh... lakas ng trip nila. lol

uno said...

wow naka 100 ka na good...

keep it chong

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...