Hindi ko pa pala ito naipost. Sira kasi ang pc sa bahay nung mga time na ito kaya nakalimutan ko na. Kung hindi pa pinaalala sa akin ng unan ko, di ko pa maipopost. (bakit unan? nagkakaintindihan kami... kausap ko unan ko wag ka ng umepal! hehehe... :))
Ang pangyayaring ito ay naganap nung Feb. 5, 2011. (ang hilig ko magpost ng mga pangyayaring ang tagal ng nangyari. heheh..) Ito ang walang kwentang dahilan kung bakit ako nagpagupit sa walang kwentang barbero nung kapapasok pa lang ng buwan ng February. (click mo to para sa kwentong barbero na nabanggit ko).
Dahil lumalandi na si kuya at sa wakas ay nagayuma sya ng GF nya ngayon (2 months pa lang sila), naisipan nyang ipakilala sa amin ung girl. Pormal-pormalan pang nalalaman. Meet the parents na agad, nagayuma nga talaga sya! Nung una, syempre palibhasa panganay at bread winner na din, nagtatampo si mama. Kasi puro gastos si kuya dun sa GF nya. First monthsary pa lang nila last december, binigyan na agad nya ng silver bracelet worth 3K. So imagine, 1st monthsary pa lang un LUHO na agad, pero si mama di nya mabigyan ng kahit earings man lang. (ako pa bumili ng earings kay mama, worth 600 lang. ahahaha)
Nag set-up ng family dinner. Dayoff ko pa nung araw na un. Maagang umalis si kuya para puntahan na ung GF nya at sunduin. Magkikita na lang daw kami sa Trinoma para sa dinner. Katakot-takot na pag-convince ang ginawa nya para mapapayag lang si mama na sumama. Pakipot pa kasi eh, tampo-tampo pang nalalaman, sasama din pala...
Sinabi ni kuya na wag masyadong maging suplada si mama kasi importanteng araw to para sa kanila. Sabi rin nya kay mama na kausapin ung girl para naman kahit papaano, hindi mailang ung girl sa oras na kaharap na namin sya sa dinning table. Nagmamatigas pa si mama. Ang sasabihin nya lang daw sa girl ay "kumain ka na at nang makauwi na kami..." ahahaha.. naknangputcha. bahala silang dalawa!!!
Nung oras na un mismo, nauna na kami ni mama, papa at ako sa loob ng Dencio's. Nagpareserve na kami ng table for 5 kasi susunod na din naman ung dalawa, nagssshopping pa kasi sila. Ayun, pagpasok nila sa loob ng Dencios', biglang tumahimik. Natatawa lang ako kasi walang umiimik kina mama at papa. Ako naman ang feeling artista at ako ang nagwelcome agad sa magiging "ate" ko if ever. ahaha.
Kwento-kwento.... Tawanan ng konti.... Konting asaran... Pero hindi naman naging suplada si mama. Ewan ko sa kanya kung plastic lang sya nung araw na yun, pero kinakausap nya ung girl. Hanggang sa matapos na magdinner at kaming tatlo uli ang umuwi, kasi ung dalawa manonood pa daw ng sine.
Pag-uwi sa bahay, i asked my mom kung ano masasabi nya dun sa GF ni kuya. Ang sabi nya lang, "WALA, MATUTULOG NA AKO... TIGILAN NYO AKO!..."
dahil ang tagal ng order namin, picture picture muna.....
si ungas kong kuya at si GF nya |
ang mga ungas.. hehhe |
ang mga ungas uli.... |
kumpletong ungas... lol |
Ahahaha... super adik talaga si mama. Bahala sila. Pero nung before valentines, sinama ni kuya sa bahay uli ung GF nya nung Feb 13, para sa isang dinner na naman pero sa bahay na lang. Nagluto naman si mama para sa lahat. Masaya naman habang kumakain kami. Although, hindi maiiwasan ang mga blank moments na parang may angel na dumadaan (si Rico yan, dumadaan LOL) ako ang nagiging clown ng mga gabing iyon. Ako ang gumagawa ng way para sumaya silang lahat. Nagsasasayaw ako sa harap nila, tumutula... nageemote, na para bang mga batang uto-uto. ahaha. Syempre walang katotohanan sa mga iyon. As if naman gagawin ko un, DUH! ahahaha... ako lang talaga ang tagasimula ng mga bagay-bagay para naman may mapag-usapan habang kumakain...
Sumapit ang gabi ng Feb 13, dito na pinatulog ni kuya si GF nya. Pinahiram naman ni mama ng damit kasi kinabukasan din ng madaling araw sila aalis dahil pareho silang pang-umaga ni kuya. At hanggang sa umagang pagkagising nila, may breakfast na inihanda si mama....
Siguro, normal sa mga nanay ang magkaroon ng konting tampo sa mga ganitong pagkakataon. Siguro, sobrang love nya lang talaga kami ni kuya, kaya ganun na lang din ang concern nya sa amin. Ayaw nya munang ibaling ni kuya sa iba ang atensyon nya sa ibang babae except kay mama. hehehe.. selfish? Pero hindi. Alam ko naman, sa una lang yan... Alam ng mga magulang kung ano ang ikaliligaya ng mga anak nila.... sa akin naman walang problema... hindi naman ako magkakapera kung magpakasal man silang dalawa in the future. hehehe...
7 comments:
haha..hangkulit ng family mo..galing...at natawa ako sa "ungas" thing..hahaha
hehe.. ungas tawagan namin dito sa bahay eh... ako lang kyut samin!! AKO LANG!!! wahahaha...
mga 'ungas' talaga no... hehehe.
ganyan talaga mga nanay...kunwari astigin pero di rin makatiis yan hehe
hehe.. salamat sa pagdalaw... yup, ungas nga! normal na samin ang magsabi ng ungas, tanga, abnoy na tawagan sa bahay.... :)
talagang ungas ah, ahaha
hindi rin naten masisisi ang ating mudrax, ganyan mga maders...
:D
wow..talagang bonding ah..sana ganyan po kayo parati.let there be love in the family.
Theo - kaya nga eh... pakipot lang yun. kulang sa lambing. ahaha
emman - salamat... sana kayo din ng family moh... ^^
Post a Comment