It's been a week na din akong tambay sa bahay. Nakakasawa kasi walang ginagawa, pero masarap pa din matulog. hehe. Kung nabasa nyo post ko dati, kakaresign ko lang last week. Dahil TRIP ko lang! ahaha. Basta, di ko na sasabihin kung bakit.... So ayun, anyways, ung kabilang company na nagoffer sa akin ay hindi pa din tumatawag. Sa isip ko tuloy, "ano ito, lokohan?..." Sabi nila tatawag sila before 20th (un ang last day ko) pero anong petsa na wala pa din akong natatanggap na tawag sa kanila...
I tried to call the company's hotline number. Yun din kasi ang number dati na nagregister sa cp ko nung una silang tumawag. Tinawagan ko, pero shet!!!! di ko alam ang extension number nung taong kakausapin ko... so i decided na palampasin ang buong month ng april at kung wala din tawag, hahanap na ako ng iba...
pero.. pero... pero.....
Dahil sa mapanuksong udyok ni mama, sabi nya bakit hindi ko daw puntahan ng personal?
at dahil dun *lightbulb* bakit hindi ko nga puntahan? ang galing ni mama!!! ahahaha. Kaya ayun, 1pm, nagpunta ako sa SM North (kasi andun ang recruitment nila)... Sabi nung receptionist "applicant sir?"..
Hello? mukang bang applicant ung naka-round neck na tribal shirt at jeans? tapos wala naman akong dalang resume?! ahahha... ateng receptionist, nagkakamali ka ng binabangga moh! (ang taray?)
Back kay ateng receptionist. Sabi nya, "applicant sir?"...
"NO, I'm looking for Ms... (insert name here)"
"For what sir?"
"just wanna ask her about the status of my pending job offer..."
"ah ok sir.. ill call her..."
Ayun na nga, nagkaharap na din kami. Syempre konting chika muna bago ko tinanong ung job offer ko. Nagsorry pa sya sa akin kasi daw sa dami ng applicants, natabunan na ung files ko kaya hindi nya ako matawagan... Asus!!! responsibility nila un noh! burara lang sila. ahaha... Gusto pa nila ung pinupunthana sila ng personal para gumawa ng eksena.. (which is di ko naman nagawa, sayang! hehe).
Pinapabalik ako sa monday para sa actual contract signing ko sa ABS CBN Star Magic. lol. Basta, contract signing na sa monday. So ang nangyari kanina, binigyan nya ako ng medical slip para kumpletuhin ang pre-employment medical exam... Sa shaw blvd ang clinic na iyon. So from North ave, travel ako to Shaw.
So this is it!!! kelangan lang nila ng sindakan para maalala nilang may job offer sila sa akin. hehe.. Happy naman kahit papaano... Pero sad kasi hindi na uli ako makakatambay sa bahay ng matagal.. haayyy.... kung kumikita lang sana habang natutulog mas masaya eh.
Ang sakit ng injection na tinurok sa ugat ng braso ko. Lamog na lamog na ang ugat na un kasi laging sa kaliwang braso ko ang tinuturukan nila. pwede naman ung kanan dba? haayy... di ako nakatingin sa nurse habang tinutusok nya ung injection sa ugat ko!!! at hindi ko din naman namalayan na tapos na pala. hehe...
Sa drug test naman, akala ko babalik pa ako bukas... kasi 2 plastic cups ang kelangan lagyan ng urine, ung isa dapat daw puno ng urine kasi un ang sa drug test, ung isa kahit half lang daw kasi sa urinalysis naman un. Eh hindi pa naman ako uminom ng tubig nung oras na yun kaya baka hindi mapuno ung isa at pag nagkataaon, babalik ako bukas... pero BUTI NALANG!!! napuno sya! wahahahahahaa!!!! SUCCESS!!!! at sobra sobra pa! ahahahahaha...
Pagkatapos ko ng medical, derecho megamall at nagikot-ikot... 3 day sale eh... May mga nakita naman akong pwede kong bilhin.. kaya malamang lalaboy uli ako bukas...
That's my day... kapagod at masakit pa din ang ugat ko.. huhuhuhu... di ko ma stretch ung braso ko.. ahahaha
9 comments:
naks! congrats! call center pa din?
bino - dun lang ang may PERA eh!!! ahahahaha.. ako na mukang pera!!
takot ka pala sa injection? hahaha buti nga sau, ang gulo mo eh..
anyway, good luck again sa panibagong job.. sana by this time magtagal ka na jan. hehe! baka naman nxt month umalis k na naman jan..
good morning..
grats sa bagong job ..hehehe
hang taray,,,lumalaban sa receptionist ahehehe..
morning
mommy - sino ba naman hindi takot dun?... di ko na nga tinitignan eh.. sana nga tumagal ako.. pag di ako sinumpong ng kaartehan ko. ahahaha
jay - sa isip ko sya inaaway... mahirap mapalabas ng guard.
Sa Shaw Blvr. kamo? ang clinic na iyon.. ito ba ay Friendlycare? ahahhaha... dami kayang clinic niyan.. at daming affiliate sa Call Center.. teka call center din ba ito.. ganyan din anngyari sa akin sa PasificHub noon.. eh two weeks daw ako saka tatawagn.. ayun nauna na ang sitel.. syempre sitel ako.. mas may pangalan eh.. ayun.. ngtumawag,,, natabunan daw ang papers ko. care ko ba na natabunan ang paper ko... pero hindi na ko na tinangap ang offer nila kasi ok na ako sa Sitel eh... kasi after a year umalis din ako at nag abroad,.
al - tama.. friendly care nga!!! ahaha... galing.. tanda pa nya... may JO din ako sa pacific hub dati 2 years ago... pero pinaasa lng nila ako ng 1 month... di na sila tumawag.. tama ka jan.. Sitel ang mas may pangalan.. hehe...
weee. sabi ko na nga Friendly care.. eh.. kasi yan alng ang alam ko na clinic ng call center eh... bwahahahha... ok naman sa pacific hub.. tinawagn naman nila ako for contract signing.. kaso nasa Sitel na ako ng tumawag sila.. at nagttraining na ako.. wewewewewe
wow ang gagalling naman ng mga taong ito parang pinagpapasa pasahan lang ang mga call center.
wala ako kahapon dahil abala ang inyong lingkod sa mga pagkakaperahan.
kaya halatang ngayon lang ako nakapag comment dito.
alam ko yang frienly care clinic na yana sa Shaw kasi sinisip nila lahat ng dugong makukuha nila sa akin. joke. '
Post a Comment