Sunday, April 3, 2011

Sa aking pagtatapos..... isang pagbabalik-tanaw




"di ko inakalang makakapagsuot ako ng itim na toga tulad nito. ang buong akala ko ay hanggang pangarap lang ito… pero eto na, at totoong nangyari na nga! Iba talaga ang feeling at ipinagmamalaki ko ito!!!"



Alam naman natin na ang edukasyon ay isang oportunidad para sa lahat. Ito ay isang kayamanan na hinding-hindi mananakaw ng iba. Hindi naman lahat ay nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakarating sa ganitong yugto ng kanilang buhay, maswerte na ang ilan. At ako, bilang isa sa mga nakapagtapos noong taong 2008, buong pagkatao kong ipinagmamalaki ito, kasama ng mga kapwa mag-aaral o estudyante sa buong mundo.



MULING PAGTANAW:

Hindi madaling kalimutan ang 4 na taon ko sa kolehiyo ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Polytechnic University of the Philippines or PUP).  Naaalala ko pa ung panahon na una akong tumapak sa aking unibersidad na kinabibilangan - may takot ako nun, may kaba… may pag-aalinlangan sa bagong kapaligiran na aking gagalawan… Hindi ko alam ang maaaring mangyari sakin dun.


Nagpatuloy ako sa lakad ng aking buhay estudyante. Tama! Lakad lang ng aking ginawa sa buhay ko dahil ayokong magmadali sa pagtakbo nito. Ayokong matapos agad ang 4 na taon ko nang hindi ko man lang nararanasan ang madapa, matapakan, mabigo at muling pagtayo… Minarapat kong lasapin ang mga paghihirap na ito nang dahan-dahan para sa mga susunod na araw at mga susunod na pagkakataon ay buong tapang ko nang haharapin ang mga ito at buong lakas kong ipagsisigawan na nalagpasan ko ang sakit at sugat ng paghihirap na iyon.


Tulad ng nasabi ko, pumasok ako sa unibersidad na puno ng takot at pangamba. At habang tumatagal, nababawasan ang mga takot at panagambang iyon… Unti-unti na akong nasasanay sa totoong takbo ng buhay at sa pagkakataong iyon, hindi ako dapat mapag-iwanan. Dapat ay sumabay ako sa takbo nito. hindi din naman ako pwedeng manguna dahil baka may malimutan at malagpasan ako sa buhay kaya minarapat ko lang na sumabay at sabayan lang ito hanggang sa aking makakaya....


Sa ngaun, 3 taon na ang lumipas nang ako ay lumisan sa unibersidad na aking pinaglingkuran sa loob ng 4 na taon. Alam kong hindi dito nagtatapos ang pagsubok. Nagsisimula pa lang ang mas matindi pang problemang haharapin ko... Sa unibersidad nahubog ang tunay kong pagkatao upang ihanda ako sa mga susunod pang patibong… 





After ng graduation, sinikap kong makahanap agad ng trabaho. Sa una ay mahirap pero hindi ako nawalan ng pag-asa at sa ngayon, eto at ako'y nakakapaglingkod na sa bayan dahil sa buwis na aking binabayaran. Masasabi kong tunay ngang mahalaga ang pagtuntong ko sa kolehiyo. Sa mga panahon na iyon ay naging mas mulat ako sa katotohanan unlike nung nasa Highschool pa lang ako at kakaunti pa lang ang nalalaman. Ninamnam ko ang bawat segundo ng aking buhay estudyante. Hindi biro ang 4 na taon na pagsusunog ng kilay, isama mo pa jan ang mga nagdaang taon mula elementary at highschool...


Taun-taon ay may mga graduates. Hindi ko maiwasan magmuni-muni lalo na't may mga kilala, kaibigan at kamag-anak din akong kabilang sa mga graduates na yun taun-taon. Hindi ko maiwasan alalahanin ang mga pangyayaring naganap noong mismong araw ng graduation...



============================




May 8, 2008


Araw ng graduation. Sa World Trade Center (sa Pasay ah, hindi ung twin towers) ang venue. Ang isa sa pinaka importanteng araw para sa akin ay muntik ng maging masaklap. Maaga pa lang ay dali-dali na kaming naghanda ni mama papunta sa venue. Nakakaasar kasi wala pa din ung kapitbahay namin na may taxi na syang kinausap namin para ihatid kami. Ang tae, nakalimutan daw. Nagdabog ako sa bahay at nasigawan pa ang asawa ng taong yun (na kumare ni mama) dahil for sure late na ako nun!



Eto ang ilang eksena bago umalis ng bahay....


bagong ligo at bagong bihis, bago ang long sleeves at bago lahat... ahahah looking fresh  and very young!!!! ahahaha

eto na... pumoporma na... :)

etong si mama, muntanga lang!! ahahaha

mejo nahilig na ako sa KPOP nito kaya, kelangan may peace sign! ^^

So ayun na nga, walang service na taxi. No choice kundi maghanap ng taxi sa labas.... eh sobrang trafffic... at ayun na nga, late in short. Akala ko hindi na kami papapasukin. Madami din naman late infairness kasi nahirapan sa pag park na kani-kanilang sasakyan at traffic na din sa mismong venue. May nakasama din naman akong classmates na late din (kasama si EX) at yun na nga, pinapasok na din kami pero nagsasalita na ang Guest Speaker. So nagsimula na nga sila at kami ay obvious na late.  hahaha. Pero nakatapak pa din naman ako sa mismong stage, nakipagkamay sa mga bisita na anak ng dating Presidenteng Arroyo na si Luli.


Eto ang itsura ko nun habang nasa loob ng taxi. Masama ang loob kasi late na ako. Badtrip talaga kaya angb laki ng butas ng ilong ko nun! ahahaha





Ramdam ko ang kaba habang paakyat ng stage. Kinikilabutan sa graduation march na background. Mangiyak-ngiyak sa tuwa, at sa lungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming magbabarkada. After ng program, picture moments na. At derecho sa MOA para magcelebrate kami ni mama. ahahaha...


rehearsal the day before ng graduation. 

Sa lahat ng mga graduates ngayong taon, magpasalamat kayo at natapos nyo na din ang buhay kolehiyo nyo. Kahit na puro reklamo at ang sakit sa ulo ng mga subjects ninyo (natin lahat actually), atleast, sa wakas, eto na ang pagkakataong hinihintay nyo.





CONGRATULATIONS TO ALL GRADUATES OF BATCH 2011!!!!!







16 comments:

Allan P said...

nice... parang gusto ko na tuloy mag-graduate ng college..ahahaha!

nung highschool graduation ko, parang wala lang. kala ko nag-prapractice lang kame. ahaha..

Rap said...

adik lang eh noh... ahahaha.... makipagtitigan ka lang sa mga crush mo, makakagraduate ka din! lol

Anonymous said...

akala ko ngyn ka nag-graduate.. mejo matagal na pala.. hehe!

magsasabi sana ako ng pa kain ka naman.. hmp!

uno said...

akala ko din nagyon ka lang gragraduate... lol

anyway ako din may masamng karanasan nung graduation heheheh

pero ok lng nmn yun hehehe

iya_khin said...

gusto ko ulit bumalik sa college days pero mas masaya ang highschool life ko mas kwela! hhaha

Diamond R said...

na miss ko tuloy ang PUP kong mahal.di ko nga alam papaano ako nakagraduate.tiyaga lang talaga.

Anonymous said...

congrats graduate ka na din,... hehehe

Anonymous said...

Wahihi!! Akala ko now ka lang nag gradutate, noong 2008 pa pala. Pagbabaliktanaw lang pala tong post.. Haaay.. gusto ko rin sanang mag share ng grad experience ko, kaso hindi ko feel ang college days ko eh. rebelde kasi ako noon. Mas feel ko ang high school ko... :)

Anyway, natuwa ako sa post nato.. Meron talagang walk through.. simula sa bahay hanggang taxi hanggang sa mismong graduation hall. Super nice!

Eto ang pinakakahihintay na oras ng mga estudyante... at lalong-lalo na ng mga magulang. Kaya CONGRATULATIONS sa mga graduates ng 2011..a t JOB WELL DONE para sa mga parents/guardians na hindi nagsawang sumuporta sa kanilang mga estudyante. Yay!!

khantotantra said...

ang sarap balikan ang graduation ceremony. hays. kakamiss ang college days :D

Kamila said...

parang na-feel ko tuloy ang okay na hindi pa ako ggraduate.. heheheh... :)

eMPi said...

Congrats sa kanilang lahat. At good luck na rin! :D

Lhuloy said...

prang iba itsura mu dun s grad pic mu...jejeje...

Rap said...

mommy - ahahaha... sori naman. =)



uno - gusto kong malaman kung ano yun! ahaha i-reveal na yan!!



iya - baliktad tayo... diko feel ang hayskul ko...


DiamondR - wow, PUPian ka din pala?... oo, tyagaan lang talaga... walang-wala ang lahat ng hirap pagkagraduate natin...

Rap said...

kiko - congrats din sayo. ahahaha



Leah - salamat... oo baliktanaw lang ito. hehe.. ayoko ng hayskul life ko... di ko sya feel... hehehe



khantotantra - oo sinabi mo pa... gusto ko nga uli mag aral eh.. haaayyyy



kamila - adik ka.... un lang masasabi ko sayo. ahahaha

Rap said...

empi - salamat!!! ^^




lhuloy - ano panget ba?... ahahaha... wag mo ng pansinin. nangangati mata ko dun kaya parang naiiyak ako. ahaha... saka OO AKO NA ANG DI PHOTOGENIC. (tama ba spell?) ahahahha...

jhengpot said...

hahaha..parang nakangiting natatae lang ha..hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...