Marami na din akong naririnig at nababasang kwentong about their families. Yung iba, masasayang kwento, ung iba naman telenovela ang dating. May tragic ending pa nga minsan. Pero ako, simple lang siguro kwento ng pamilya ko... Maliit na pamilya lang naman kami eh, si mama, papa, kuya at ako.
Minsan, di ko maitatanggi na naiingit ako sa ibang pamilya. Kahit sabihin nating sobrang big family sila, andun pa din ung kasiyahan sa kanilang tahanan. Unlike sa amin, 4 na nga lang kami, pero di kami ganong kasaya...
Gusto kong magkaroon ng nakatatanadang kapatid na babae. Parang mas masaya kasi ang pamilya kung madami kami sa bahay. Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang bunso. Four years ang agwat namin ni kuya ngayon - sya si kuya Ryan ko. Sa totoo lang, dapat ay 4 daw kaming magkakapatid. May dalawang nauna pa kay kuya - isang lalaki at babae. Kung sila ay buhay pa hanggang sa ngayon, siguro nasa 30+ years old na daw sila, may magandang pamilya na sila, at may mga mga makukulit na akong pamangkin at tatawagin nila akong tito rap....
Hindi naabutan ni kuya ung dalawang kapatid namin, baby pa lang daw kasi sila nang binawi sila sa piling ni mama. Ang sabi ni mama, blue baby daw sila. Sila ay sina "Kuya Richard" at "Ate Rosemarie".
Ngayon ko lang sila matatawag na Kuya at Ate.
Ngayon lang....
dahil ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon na ikwento ito dito sa blog ko... Walang picture na naitago sila mama at papa. Basta lumaki lang kami ni kuya ko ngayon at nasa isip lang namin sila. Tanging ang pangalan lang nila ang alam namin... Sa tuwing sasapit ang all souls day, nagtitirik si mama ng 2 kandila para sa kanila. Sa ganoong pagkakataon lang din namin sila naalala.
Ano ba pakiramdam ng may ate?...
Kasi nawala man ang isang kuya ko, meron padin naman akong isang natitirang kuya. Pero si ate, hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na magkita. Siguro kung anjan sya, mag-eenjoy akong mag shopping kasama sya dahil un ang favorite ko din gawin na libangan. Siguro kung andito lang sya, aagawin at aangkinin ko ung mga cute na stuffed toys nya dahil gusto ko din ng mga iyon. Kung andito lang sya, mahihingan ko sya ng payo kung may napupusuan na akong babae para ligawan. Sya din siguro ang magluluto sa amin kung sakaling wala si mama sa bahay.... kung andito lang sana sya....
Bukod sa pagkakaroon ng ate, gusto ko din maging kuya sa iba. Gusto ko ung may tipong may inaalagaan at kinukulit ako kung may nakababata akong kapatid. Ako na kasi ang bunso kaya walang naglalambing sa akin. Gusto ko din na may pinagsasabihan ako, gusto ko ung tipong may sinusuway ako pag sobrang kulit nya... gusto kong paluin sya kung kinakailangan. Gusto kong maging responsible na kuya at kapatid sa kanya...
Hindi kami close ni papa. Maliit pa lang ako, nasa abroad na sya. Hindi daw talaga ako naging close sa kanya sabi ni mama, kasi nung maliit pa ako, kapag hinawakan nya ako sa kamay para matuto akong maglakad, ako daw ang lumalayo at kay mama ako pupunta.. Nakakatawa, pero totoo pala. Grade 1 ako nung huli ko syang nakita. Umalis sya uli at nag-abroad. Hinatid namin sa airport pero hindi man lang ako nakaramdam ng konting lungkot. Siguro dahil wala pa akong muwang sa mundo nun. Siguro ang isip ko lang lagi ay puro laro kaya wala pa akong alam kung ano dapat ang magiging emosyon ko nun.
Umuwi si papa para magbaksayon nung 2nd year highschool ako. 7 years old ako nung umalis sya, at after 7 years sya umuwi para lang magbakasyon ng ilang buwan. Nasa highschool na ako nun. Alam ko na kung paano mabuhay ng tama. May tamang pag-iisip na ako kahit papaano. Hindi ko pa din magawang lumapit at kausapin si papa. Ewan ko ba, pero parang wala akong balak kausapin sya. Kakausapin ko lang sya kung kinakausap din nya ako, pero di ako nagkwekwento. madalas OO o HINDI lang sinasagot ko. o kaya naman, straight to the point na sagot kung may tanong man sya.
Hanggang sa umuwi na sya talaga at hindi na bumalik sa abroad after kong mag graduate ng college. Nasa bahay lang sya, Kapag kumakain kami lahat, hindi uso sa amin ang kamustahan. Nood lang ng tv habang kumakain. Kapag nagku-kwento sya, nakikinig lang kami pero hindi ako nagre-react. Tahimik lang ako. Kung may gusto akong sabihin, kay mama at kuya ko sinasabi. At kapag tinanong nya ako, tulad ng normal na gawain ko, diretsong sagot lang din ang ibibigay ko. Kapag kaming dalawa lang naman ang naiwan sa bahay, hindi na ako lumalabas ng kwarto. Wala nga daw akong amor sa kanya eh sabi ni mama at siguro naman alam din nya naman un... Kahit anong pilit ko sa sarili ko na baguhin na ang pag-uugaling meron ako sa kanya, parang di ko din magawa. Parang di ko padin maramdaman na anjan sya....
Si mama naman, sya lang ang nagpalaki sa amin ni kuya kasi nga nasa abroad si papa. Lahat ng hingin namin, binibigay nya naman kahit papaano - wag lang sobra. Mama's boy na ako, at aminado ako dun. At least may mabuting ina akong nag-aalaga sa akin at nanay ko naman sya at sobrang mahal ko sya.
Si kuya naman, ayun, normal lang. Normal na magkapatid lang. Sa ngayon dahil pareho kaming nagwo-work na, bihira na kami magkita sa bahay. Makikita ko lang sya sa bahay pag-uwi nya ng gabi, ako naman ay tulog na nun. Gigising ako ng umaga para ako naman ang papasok sa work, sya ay tulog pa dahil mas maaga ang time ko sa kanya...
Kaya ako na lang din ang inaasahan ko sa sarili ko. Kung gusto ko ng kausap, anjan mga workmates ko... anjan ang FB, anjan ang blog ko na kahit anong oras pwede kong kausapin. Anjan ang mga kpop cds ko para pakinggan at hindi ako mafocus sa drama ng buhay... Anjan ang TV, ang radio, ang ipod touch....ang malls, ang cellphone. Lahat ng pwedeng pagkalibangan ay pwede kong gawin wag lang makaramdam lang pag-iisa...
(ang mga litrato ay kuha last Dec. 31, 2010 - New year's eve 20)
18 comments:
pedeng magvolunteer na ate mo?hahahaha
masaya naman ang magkaroon ng ate. pangarap ko na lang ay sana may kuya ako hehehehe
okay lang yan pare... kahit naman papaano be thankful at buo kayo..magkakasama... siguro pag medjo tumanda pa kayo magiging close kayo..siguro someday..di ba? ako din walang ate.. gusto ko ng ate.. or kahit babaeng kapatid na mas bata..nag-iisa kase akong babae.. at ayun..medjo boyish dahil dalawang lalake na mas matanda sa akin ang kapatid ko..
okay lang yan.. nu ka ba.. siguro gusto din nila mag-effort na bigyan ka ng lambing..kaso nahihiya din sila... hay..mahirap talaga magbago.. dati sabi ko pag tungtong ko ng 18 lalambingin ko na mga kuya ko.pero mas lalake pa ako sa kanila.
@kokak - no prob... pwedeng pwede.. ATE KOKAK!! how cute! ahaha
@bino - tara, palit tayo... hehe
@kamila - kaya pala mas gusto mong tawagin kuya kasi mas lalaki ka pa sa kanila! ahaha. pero tama ka nga, i am thankful kasi andito at kumpleto kami... close naman kami ni mama at kuya.. pero si papa.. ahmm.. hayaan na natin sya! wahahahaha
ok lang yan..be the one to give happines to your family..pasasaan ba'y malalagpasan niyo lahat ng unos.. at ang pinakaimportante sa lahat, masaya kayo at nananaig ang pagmamahalan sa isa't isa. Be thankful that God gave you this kind of family, at least malayo sa gulo dba.
ayos lang yan parekoy, hindi lang naman ikaw.. madami jan.. ang importante buo kayo, kahit pa sabihin na hindi mo na inabutan ang ate at kuya mo pa na isa.. buo pa din kayo. May gap man kayo ni tatay mo, ikaw na sa tingin ko ang naglagay nun sa sarili mo. Siguro nahihiya lang sya. ang hinaing ng iba sana makita ang magulang, sana mabuo ang pamliya.. kaya parekoy. be thankful tayo...
cchheerrzz sayo at sa family mo..
@emman - tama ka, malayo nga sa gulo... pamilya ko pa din nmn sila kahit ano pa man ang mangyari hindi ba?... tama ka,...
@tambay - (ang haba kasi ng ISTAMBAY kaya TAMBAY nlang...hehe) maraming salamat.. nakakagaan ng loob sinabi mo.. ^^.. salamat.. salamat...
hahaha kung ikaw kapatid na babae hanap mo ako naman eh kapatid na lalaki.. wahehehhe
@kikomaxx - hehehe... tara, kapatid na tayo! LOL. salamat sa follow back... ^^
may dalawa akong ate kaya siguro ako lumaking malamya kasi wala akong kuya. ilang beses kong napanaginipan na meron akong nakakatandang kapatid na lalake na magtatanggol sa akin...naishare ko lang. siguro pwede mo pang maimprove yung relationship niyo nang papa mo...
sali ako sa inyo, kahit ako na bunso, hehehe
hongkyut ng aso niyo ha... :D
ako magvovolunteer na nakababatang kapatid! di ka maboboring sa pagsaway sakin..pasaway ako e! haha
pareho tayo wala din akong ate, pero madami ako kuya, ako kasi ang bunso..
jobo - may kuya kang nabanggit dun sa kwento ni pusa ah???
TR Aurelius - hehe... blog clan eto???
ung aso??? ahhmm... sabi ng titio kong nagbigay samin nun, may lahi daw ang magulang nun, pero dahil lumandi, nalahian ng askal.. ahaha.. ayun, inshort azkal na din sya.. ahaha.. salamat at napansin mo sya. ahaha
jhengpot - papaluin kita sa pwet!!! dos por dos!! ahaha
adang - edi spoiled ka din? lOL... ako brat lang, hindi spoiled. ahaha joke
rap: cge ako na ate kokak mo..:)
jheng: so kung bunsong kapatid ka ni rap ako din ate mo??? so ako na nag matanda..hmmmppp
hehehehe
@ate kokak - ahahaha... OO IKAW NA MATANDA!
hahahaha...kuya rap! ♥
Lola clai!!! ahahaha
Post a Comment