Nagdecide friend ko na never muna sya uli papasok sa isang relasyon na hindi nya alam kung makakayanan nya na. Hindi pa din sya handa hanggang sa ngayon. Priority nya daw muna ang sarili nya at ang kanyang pamilya. Para sa kanya, darating din daw naman ang tamang panahon na yun kung saan ay talagang handang-handa na sya. Ayaw nyang magmadali. Siguro, crush crush pwede pa... ung tipong wala lang. Pero kung commitment na ang pag-uusapan, no comment daw sya. Malungkot sya habang kinukwento nya sakin ang lahat ng ito. At ako habang sini-share sa blog ko, nalulungkot din ako. Inisip ko na parang sarili ko ang nasa katauhan ng friend ko - ung tipong AKO TALAGA YUN!...
Sa tagal namin magkakilala ng friend ko, halos madami din kaming similarites. Bihira sya mag-open ng ganitong seryosong topic sa ibang tao. Maging sakin, first time nya lang nasabi ito. Nakarelate naman ako. In fact, parang ganun din ang story ng buhay ko.... ng buhay pag-ibig ko sa ngayon. Nagtataka nga ako kung bakit naisipan nyang iopen ang topic na ito sa akin. Biglaan lang ba. Kilala ko sya na hindi talaga nagkukwento ng about sa lovelife nya. Siguro napagod nadin sa mga tanong na natatanggap nya. Paulit-ulit kasi kung sasagutin nya ang mga tanong na iyon, so siguro para isang bagsakan nalng, sinabi na nya.
Nga pala, nakalimutan kong ikwento ung nangyari nung first monthsary nila. Sumapit ang monthsary nila. hindi alam ni friend kung ano ang gagawing gift sa GF nya. Ayaw daw nyang mag-effort pero gumawa na lang sya ng isang letter, story kung ano ang feelings nya para sa kanya. Lahat ng gusto nyang sabihin, ay sinabi nya. Nirecord na lang nya un dahil nasa IT course naman sila at para naman may pagka-techy ang effect. ahaha... Binurn nya sa CD. Nagprint sya ng pictures, may mga pictures at kung ano-ano pa. Binigay nya sa GF nya ung CD at maganda packaging with ribbon pa! Bongga! ahaha. Ang binigay naman sa kanya ng GF nya ay SMART SIM, dahil smart si girl at globe si friend. Dalawa cp ni friend kaya carry lang daw... ahaha.. natatawa ako sa kanilang dalawa! Ahahahaha
Sabi ng friend ko, nasa kanya pa din daw ung SMART SIM na bigay ng EX nya. hindi na nga lang active kasi matagal ng blocked ung number. Hindi kasi niloloadan dahil loyal sa globe si friend. Hindi naman nya natatanong si EX nya kung nasaan na ung CD na binigay nya. hehehe...
Sa ngayon, si Friend at EX nya ay friends uli. Naging friends din sila after nung breakup nila - after mga 2 months din ata. So, they were friends again until they have finished their college.... and until now. May communication pa din sa kanilang dalawa. Parang balik sa normal nilang asaran tulad nung dati nilang asaran nung hindi pa naging sila. Mas masaya silang dalawa ngayon. Parehong single. Gumigimik with same barkadas, as in parang walang pinagbago. Nagtetext. Nagpe-facebook. Nagbebeso kapag nagkikita. Para sa kanila, PAST IS PAST na. Wala na sa kanila ang nangyari that time. Hindi na din nila napag-uusapan ang nangyari. Kapag nagtatanong ung ibang berks nila about their lovelife, masaya nilang isasagot na "WALAAA!!!!" ahahaha......
Eto ang story ng friend ko. Ang friend ko na itago natin sa name na RAP. Sa sobrang close namin, pinayagan nya akong ishare ito senyo. Ahahaha... Ang haba pala. Naka-4 parts pa ang pota! ahaha. Pero masaya naman kasi naalala ko lahat. Kung may nakalimutan man ako, siguro, talagang hindi ko na talaga maalala... At kahit papaano, thankful ako kasi anjan pa din sya…
Epilouge:
Napaharap ako sa salamin. Wala kasing magawa eh..
Bigla ko lang maisipan magseryoso. Di ko alam kung bakit...
Nang dahil sa biglang nag-alarm ang cp ko habang nakatitig ako sa salamin, naalala ko ang lahat. Nang dahil sa SMART SIM na blocked na… nang dahil dun, naalala ko ang first love story ko…
------------------------------------------ End ---------------------------------------------
Complete story:
12 comments:
ang pagmamahal darating din yan sa tamang panahon at tamang tao.kung ang taong yan ay para sa iyo, nasaan man siya babalik at babalik yun sayu.nice post po!!
nice comment din... tama ka jan. sabi nga ni Say Alonzo at Sam Milby sa song na "magmahal muli"... wag hanapin ang pag-ibig, dating din yun...
tenks at naapreciate mo story ko. ahahaha....
haiiy..babasahin ko nga ang love story mo kuya.. dsaraann!! ako c bheni ang finollow mo.. salamuch! :D ako'y napadaan
sabi na e! ikaw yun e! kaya tinapos ko tlga kasi naiintriga ako...hahaha... abangan mo story ng lovelife ko, tsaka ko na ipopost pag naging "past is past" na din... hehehe... ganda ng story mo, atleast naging friend pa din kayo... ngayon alam ko na story ng lovelife mo... parang nalaman ko na din ang kalahati ng pagkatao mo! hehehe... super fan mo ko e! apir!
galing ah! la ko masabi :D
nice parekoy... ang love, hindi hinahanap.. hayaan na tayo ang hanapin, means kusang dumarating... cchheerrzz parekoy... :)
award mo from me kuya..
http://kwentongpalaka.blogspot.com/2011/01/klap-klap-klap.html
ang cute ng story..pero kawawa nmn c girl kasi iniwan mo sya.. hahaha..pero buti nalang happy ending.. kundi nabatukan kita RAp..hehehe..tama kayo wag hanapin kusang dadating.. pero pano kung yung destiny mo eh naghihintay din sayo???hmmmm..
@jheng: hintay ko yung iyo..mukhang madugo yan!
@bhenipot - no prob.. welcome ka kahit kelan
@jhengpot - ahahaha... galing mo naman manghula na ako yun.. maxado bang obvious? super fan ba kit?? or stalker? ahaha.. joke... tenks..
@bino - thanks po. nakakataba ng puso. ahaha
@istambay - tama ka din jan... hinahayaan ko lng na lapitan uli ako ni LOVE... di ko sya hahanapin.
@cheenee - uy, salamat sa award... ahaha. napakamot ka pa tuloy ng ulo para lang may masabi. lol.
at sori nmn kung iniwan ko sya, di ko pa sya kasi nasisingil sa mga utang nya. ahaha. joke... mukang tragic din ung story ni jhengpot... ill wait for that too!
clap clap clap
sabi ko na nga ba ikaw si "friend"
tsk...ang tagal dumating ng lovelife ko
nabobored na ko...0_0; hahaha
may tamang panahon para sa pag-ibig, hayaan na ito ang maghanap sa iyo kaysa ikaw ang maghanap sa kanya.....
:D
thanks for the follow,! added you to my blogroll!
:D
clai - OO AKO NA!!! nahulaan nyo agad kasi pinost ko agad ung ending. ahahaha....
TR - tama ka. salamat sa payo... ^^
Post a Comment