Saturday, January 22, 2011

Reasons why I B - L - O - G.

Tinanong ako ng ilang friends ko na mahilig makialam sa buhay ng iba kung ano daw ba ang napapala ko sa pagba-blog?... Natahimik ako... Hindi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko at hindi dahil sa hindi ko kayang mangatwiran sa kanila, pero ang sa isip ko, kapag sinagot ko sila sa paraang hindi nila nakasanayan ay magiging useless din ang paliwanag ko dahil hindi din nila ako maiintindihan.

Ayokong gumamit ng mga malalalim na salita or kahit ano mang talinghaga. Hindi ako professional na writer at eto ay aking hobby lang. Pampalipas oras lang talaga ito sakin. Pero sinisigurado ko na kung magpalipas man ako ng oras, ang mga oras na yun ay may kabuluhan sa buhay ko at hindi basta-basta sinayang na oras lang.

Sinagot ko sila sa tanong nila. Bakit at ano daw ba ang napapala ko dito?


"Nagba-blog ako dahil masaya akong gawin to - katumbas ng ligayang nararamdaman nyo kung sakaling nabigyan ka ng regalo,.. katumbas ng feeling na bagong kain ka at nabusog ka… same reason kung sakaling napapatawa ka ng iba. Kung ano ang feelings at mood mo, pwede mong ilabas dito. Hindi ka kelangan magpaka-plastik… at kung may passion ka sa pagbabasa at pagsusulat, maiintindihan nyo din ang ibig kong sabihin…"


Eto lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi ko man sila sinagot ng straight to the point, hinayaan ko silang pag-isipan kung ano man ang gusto kong iparating sa kanila… natahimik sila…  at dahil sa kanila, eto pa ang ilang reasons ko kung bakit ako nagba-blog.


Nung una, hindi ko alam ang pinagkaiba ng blogging sa diary or sa daily journal lang na ginagawang project sa school noon. Basta ang alam ko lang na pinagkaiba nya, kapag sinabing "blog" dapat ay online at may computer ka. Kung diary at journal lang naman, notebook or scratch paper lang pwede na... hehehe. Ang tanga na naman ng comparison ko. Muntanga lang! LOL


Bakit nga ba ako nagba-blog?

Siguro, nainspired ako nung elementary na magsulat. Naging staff ako ng school paper namin dati. I joined inter school journalism contest pero inaamin ko, ginago ko lang ung contest na yun. ahahaha. Naimpluwensyahan ako ni Bob Ong dahil sa paraan ng pagsulat nya ng mga libro. Yung tipong nagkukwento lang sya. Nagtapos ako sa isang State University (PUP) na kilalang pugad ng mga aktibista, kung kaya't exposed ako sa mga bulgaran, makatotohanan at direct to the point na pambatikos, pero wala akong paki sa gobyerno, binabatikos ko lang ung mga kaputahang ina na ginagawa ng mga taong masama ang tingin sa akin hehehehe. Malaya ako kung ano ang gusto kong sabihin at ishare sa iba. At dahil dito, nainvolved ako sa mundo ng blogging, kung saan naging kakampi ko din ang blogsite ko sa mga oras na ako lang ang mag-isang nagdadalamhati sa sarili kong mundo....


I blog just to treasure every moment of my life. Alam kong maikli lang ang buhay. Di natin tiyak kung hanggang kelan tayo mabubuhay sa mundo. Ayokong dumating sa point na pagtanda ko ay wala na akong maalala na kahit ano. Sayang ang memories... Hindi ko man maiblog lahat, at least kahit papaano meron konti kesa sa talagang wala. Kung babalik lang siguro ako nung araw na ako'y pinanganak, isusulat ko lahat ng mangyayari sakin araw-araw....

I blog to express my own thoughts. Di ako yung taong kayang sabihin ng harapan ang mga seryosong topic minsan. Wala nga daw akong kwentang kausap sabi ng iba. Para akong pipi minsan. Kung magsalita man ako, mga 1-liner lang ang nasasabi ko. ahaha. Pero dito sa blog ko, wala akong paki kung sobrang haba or sobrang ikli naman ng nasusulat ko. Siguro dahil mas may time akong mag-isip kesa sa totong question and answer moment...

I blog not to impress, I blog just to express. Luma na ang linyang ito. Madami din akong nakitang ganyan sa ibang blogs. Totoo naman eh, hindi para magmayabang ang pagkakaroon ng blog. Wala naman akong maipagmamayabang, kasi hindi naman ako artista para pag-usapan. Siguro kung may mga taong nagsasabi na ang yabang-yabang ko "daw", siguro sila yung taong nabibilang sa mga taong may itinatagong insecurites sa buhay. hehehe...

More on personal kagaguhan ang theme ng blog ko. Hindi ako nagba-blog para mag promote ng kung ano-anong produkto. Hindi ako gumagawa ng mga technical reviews sa mga bagong gadgets at sa kung ano ang uso ngayon. Gustuhin ko man gumawa ng isang photo blog pero dahil sa kahirapan ng buhay, wala akong DSLR! wahahaha. pathertic! Hindi din ako naka-focus sa isang topic lang, for example, ung iba kasi about love lang ang blog nila, about sex, about friendship, about movies... eh gusto ko kasi all around. Everthing under the sun.

I blog not to gain followers. Uso sa ibang blogsites yan. May takutan pa ngang nagaganap kung minsan eh, "follow mo ko, follow din kita!" DUH??!!! ahaha... HIndi ko naman inexpect na may magpa-follow sa akin kagaya ng mga followers ko ngayon. At kung sakali man na I followed you back, its because I like your blogs too. Ganun lang yun ^^, I enjoy reading and following you. heheh... (uyyyy kinikilig sila.. ahahah) Kung magkaharap lang siguro tayo ng personal, susundan din kita. (naglalaway pa) LOL.

I blog in a Tag-Lish way. wala lang, maarte ako eh. ahahahaha... That explains all. (eto ang sample ng 1-liner na sagot)



Kelan ako nag-start mag blog??

Hindi ko na maalala ang exact date. Pero itong blogspot ko ay ginawa ko after ng trahedya ni Ondoy. Madami akong kino-consider na blogsites. Di ko na nga lang naisalba ang iba. hehe


Bakit "My Replica" ang blog name ko??

Kapag ba tinanong kita kung bakit ganyan ung blogname mo, sasagutin mo din ba ako? hehehe... Okay, siguro naman nabasa nyo ung description sa itaas. Ganun lang kasimple. It's my replica in a "literature" way nga lang. Hindi ko na alam kung ilang blogsite ko na ang hindi ko nai-maintain. siguro 2 lang ata... Kaya mula nung naging active uli ako sa blogging, sinikap kong alagaan at imaintain ang blogname kong "My Replica".  

Ang blog na ito ang "other side" ko. Kilala ako ng mga friends as makulit at masayahing tao. Siguro kung bigla akong mag-emote sa harap nila, laking gulat na lang nila siguro. ahaha. Madalas nilang sabihin na baka daw magunaw na ang mundo pag mag emote ako sa kanila. ahahaha. Wala sa mga friends ko ang nakakaalam ng blog na ito. kung meron man, iilan lang at alam kong hindi naman nila ipagkakalat ang mga kwento ko dito sa blog na ito. hehehe

Masarap magblog. Magkakaron tayo ng interactions sa isat'isa dahil sa comments na naise-share natin. Hindi man natin lubusan kilala ang isa't isa, sa pagbabasa ng mga entries natin, magkakaron tayo ng idea kung ano ang personality ng bawat isa. We need to explore life... We can gain and learn experiences on those blogs...  


9 comments:

Armored Lady said...

tama~~~~!
naisip ko nga ipatattoo ung title ng blog ko sa kamay..pra kung skaling mabundol ako ng sasakyan
o kya maumpog sa bato o pader..
tapos magka-amnesia ako...makikita ko ung blog ko
hahaha...malalaman ko kagad kung sino ako at ang past ko...
(yun ata ang reason kung bkit ako nag-blog) ^^,

Rap said...

"my amnesia girl" ang drama mo ah... ahahaha
sabagay, di natin masasabi kung ano pwedeng mgyari dba?... maganda yan...

Alden Francisco said...

Amen :))

Rap said...

@alden - peace be with you! ahaha ^^

ahwod said...

i blog kasi isa ito sa mga outlet para mailabas ko ang thoughts at feelings ko. Mas mainam na dito ka maglabas ng feeling lalo na ng galit kasi napag-iisipan mo muna ang naisusulat mo, may time ka kung pano ilatag sa magandang paraan ang feelings mo which in turn minsan sa katamaran mo mag-isip pano mapaganda ang paglabas ng galit umayaw ka na lang bigla at di na ngblog.. ending sa draft folder sya at walang kang nasagasaan ahahahah

Blaine O said...

very well said :) like in photography... shoot pictures to express not to impress... :D

Rap said...

@ahwod - may ganyang moments din ako minsan.. pag tinamad ako at blanko na utak ko, sa draft folder na sya nakalagay.. hehehe...

@biboy - thanks... tama ka jan, yaan mo, i'll practice na din sa cam phone ko. :p

twelveounces said...

nice post! nakakarelate ako hahaha. mahilig ako magsulat kaya ako nagblog. kahit mali-mali grammar ko, was pake di ba? blog ko ito hahaha. mind your own blog, ganun lang XD

Rap said...

tama tama!! mind your own blog. kahit english speaking pipol, mali mali grammar! ahaha..

tenks sa pag share... mabuhay tayong mga blogger!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...