About happy-happy na naman ito.... Guilty pleasures??... hmmm... HINDI. normal lang to sakin eh... heheh... Dahil sa 1 week akong walang work (ang saya-saya shet!!! walang mga bobong kausap!!), naka VL ako ng tuloy-tuloy at kasama na restday ko kaya naman, kelangan kong sulitin ang bakasyon engrande ko!
Kahapon, FEBRUARY 26, 2011.
Ginanap ang matagal ng hinihintay ng mga pinoy ELF. (Sa mga hindi po mejo maka-relate eh ito ay may kinalaman sa kaadikan ko sa kpop. hehe... kung gusto nyo, wag nyo na basahin at sa next date na lang kayo mag-proceed.... :)
Un na nga, sa Araneta Colisuem ang venue. Kahapon pa start ng VL ko. At talagang nagfile ako ng VL sa araw na iyon. Dahil excited uli makita ang super junior for the 2nd time (oo, kasi andun din ako nung unang concert nila dito sa pinas... kahapon ang 2nd time nila) masasabi ko na naman na wala akong pinanghihinayangan sa presyo ng tiket ko. super sulit! basta, super happy ako... speechless.
Feb 26 pa din, after ng concert....
Since 3 hours, non stop ang concert (non-stop nga, as in tuloy tuloy na kantahan at performances) natapos ang show ng 10pm. Dahil alam nyo naman ang ugali kong ayaw umuwi kung ayaw ko pa talagang umuwi, nagdecide kami na gumala pa uli.... hulaan nyo kung saan....? Trinoma? ahaha... HINDI. kasi wala ng mall ng 11pm. Nagpunta kami ng Eastwood City Libis. Daming party pipol. Ang saya. Ang daming soxal. (kami feeling lang.. lols) Sayang nga lang at wala na kaming time magphotoshoot dun kasi lowbat na mga camera namin dahil sa concert at umaga na nun, 1am... kaya after kumain, balik uli sa cubao para direcho byahe na pauwi...
Nagdinner or breakfast or midnight snack sa Pizza Hut Libis.... Kami ang last na natira sa loob. Sarado na ang store pero kumakain pa din kami. Pinasok na nila ang mga motor nilang pang delivery pero kami nagbabayad pa lang ng bill. ahahaha....
food blog na din ito...
baked alfredo pasta |
eto lang nakuhaan kong bldg sa libis |
mga kasama ko sa concert |
kasama din namin |
fav drinks ko - tropical fizz |
lasagna classico |
large pizza - ang laki nya! nakakalula. di namin kinaya. |