Saturday, January 22, 2011

Makikiuso na din ako....

Hindi ko alam na uso din pala chain messeges dito. ahaha. or talagang newbie lang talaga ako para malaman ang mga nakagawiang pangyayari dito... Anyweiz, dahil ako ay napabilang sa isang award na ito "Stylish Blogger Award", gagaya na din ako para maki-uso. hehe...

First and foremost, I would like to thank Jhengpot for giving me this award. It was such an honor. Thanks ^^,

At dahil dito, ako naman ang magbibigay ng award sa mga taong alam kong karapat-dapat bigyan din nito... at syempre, may sinusunod silang rules kung paano, eto at ise-share ko din para sa mga tulad kong ngayon lang nakatanggap nito...

----------------------------
MECHANICS:

1. Bigyan ng pasasalamat ang nagbigay sa iyo ng award na ito sa pamamgitan ng paglilink sa kanya.

2. Ipaalaam sa madlang blogger ang 7 katangian mo na hindi pa alam ng ibang tao.

3. Matapos matanggap ang award ay i-award din ito sa 15 na bago mong nadiskubreng blogger.

4. At syempre ipaalam mo sa blogger na na mayroon silang award mula sa iyo. 
--------------------------------

Step 1 - done.

Step 2: Ipaalaam sa madlang blogger ang 7 katangian mo na hindi pa alam ng ibang tao.


Ok, simulan na natin... (pwede mo din tignan ang mga random facts about me for more information)

  • - Kilala ako ng mga friends ko na masayahing tao, puro biro, malakas mangtrip at manlait ng iba.. pero kapag badtrip ako, at may malaking problema, tatahimik lang ako sa isang sulok, at hanggat maari ay ayokong may lumalapit sa akin. 
  • - Gusto kong magtravel pero di ko magawa. Its either walang pera, or natatakot lang ako magbyahe mag-isa.
  • - Mahilig ako sa taba ng baboy. lahat ng ulam na may taba ng baboy ay gustong gusto ko, menudo, BBQ, sinigang na baboy, lechon kawali.. basta lahat ng may taba gusto ko! ahaha (diko alam kung highblood na ako)
  • - minsan, mahiyain din ako. dumarating ako sa point na kelangan muna kausapin ako ng tao, bago ako ang unang kakausap sa kanya. Or kahit kinakausap nila ako, hindi pa din ako sasagot kasi nga nahihiya ako. ahaha
  • - nagpapataba ako, pero walang nangyayari. payatot pa din ako. malakas naman ako lumamon.
  • - wala akong bisyo like yosi, alak or sugal. ang bisyo ko lang ay mag shopping, gumala, lumaboy, at maglakwatsa. ehehe
  • - at pang huli ay adik ako sa KPOP.. hehe.. isama na din natin ang konting JPOP. Basta, i like those people na chinita at mapuputi. ahaha.. Gusto ko din sana maging korean citizen na lang! ahahaha...


Tapos ko na ang step 2. Ngayon naman, ibabahagi ko din ang award na ito sa mga sumusunod na tao/bagay/hayop. hehee joke. Pero mukang di ko masusunod ang 15 na tao... sensya naman.

- si jhengpot uli ng Heavenknows (i mentioned you twice na ah.. mahal na bayad jan.. hehehe)
- si palakang kokak Cheenee ng Kwentong Palaka. Ang taong gising sa gabi, tulog sa umaga kasi nasa call center world din sya tulad ko (pero morning shitf ako hehehe behlat!)
- si clai ng My life at 20's. sya ang kpop buddy ko dito sa blogger. minsan pati na din sa FB.
- si kuya raffy ng Yffar's World. Sabi nya hindi daw kami nagkakalayo ng edad, pero tatawagin ko pa din syang kuya kasi pinalaki akong magalang... wahahaha
- si Kamila ng Kamilkshake. Masipag din kasi minsan magcomment sa mga post ko. thanks.
- si Emmanuel ng Ang ikalawang paglalakbay. Feeling ko kapag nagbabasa ako ng mga post nya, parang nasa simbahan ako. hehe. parang nawawala mga kasalanan ko. hehe..

Ayun, Thanks uli sa mga blogs nyo. Mabuhay tayong lahat!!! 

9 comments:

emmanuelmateo said...

maraming salamat ha sa pagsama mo sa akin.meron palang mga tao na nkaka appreciate sa akin khit ganito ako.salamat ulet. thanks for commenting & vsiting,yaan mo gnyan din ako sa iyo.

Armored Lady said...
This comment has been removed by the author.
Armored Lady said...

gusto ko namang pumayat...pero ayaw pumayat ng katawan ko...hehehehehe

thank you sa award! ♥

Rap said...

@emman - minsan, akala natin walang nakakaaapreciate sa atin, pero kung bibigyan natin ng pagkakataaon ang sarili natin na maging totoo, dun tayo naaapreciate ng ibang tao... thanks uli...

Rap said...

@clai - bkit nga ganun noh??? kung kelang gusto ng isip, ayaw naman ng katawan mismo...

no prob din!

Blaine O said...

wow uso pala yan :D haha... may mga ganyang award din pala parang chain... astig hehe

Rap said...

@biboy.. ngayon ko lang din to nalaman... gulat din ako nung may natanggap akong ganito.. so ayun, nakiuso na nga ako. hehe

Kamila said...

nyhahaha... salamat yun lang ba masasabi mo sa akin... masipag ako mag-comment..dapat dinagdag mo na pumapatay din ako ng mga taong mahilig sa taba...

hahahahaha..

naku sana mabawas bawasan mo na pagkaen ng taba.. hindi yan eepek ngayon pero pagtumanda ka.. naku.... hehehe.... warning lang naman.. x)

Rap said...

@kamila - ahmm... alam ko po.. pero walang bawal sa taong gutom... ahahaha.. joke... binabawasan ko na po ung taba sa ngayon.. hehe... thenks sa concern ^^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...